Sa oras ng paghigop ng bangka ay naisama ang katawan ni Van Grego. Hindi siya kinain ng halimaw bagkos ay ang bangka ang puntirya nito. Nagkapira-piraso ang bangka dahil na rin sa impact na nangyari paglamon. Kaunting sugat lamang ang kanyang natamo at gumaling na ito ng uminom siya ng Advance Quality Martial Healing Pills. Nasa loob na siya ng bunganga ng halimaw. Sa pagkakaalam niya ay isa itong Martial Baby Whale Beast na may lakas na katumbas ng 2-star Martial Dominator Realm. Hindi ito sobrang malakas lalo pa't batang balyena ito. Malaki ang katawan ng Baby Whale Beast ngunit kung ikukumpara ito sa totoong mga Martial Whale Beast ay walang binatbat ang batang balyenang ito sa napakalaking katawan ng mga ganap ng Martial Whale Beasts. Ang mga matatandang mga balyena ay may kabuuan

