Samantala, naglalakad si Van Grego at mas dinalian niya lalo pa't malapit ng lumarga ang sakayang pandagat kung saan ito ay isang napakalaking barko na ginawa upang makapaglakbay ng maigi sa naglalakihang alon at kayang kumarga ng mga produkto maging ang mga taong sakay nito. "Hali na kayo, maya-maya lamang ay lalarga na ang malaking barko!" Sambit ng isang miyembro ng samahang pandagat. Halata sa suot nitong katulad ng mga Crew ng Barko. "Hintay!" "Andyan na kami!" "Sa wakas lalarga na ang barko!" "Paunahin niyo ako!" "Padaan naman!" "Wag nga kayong humarang sa daan!" Yan lang ang mga ilan sa mga naririnig ni Van Grego mula sa mga bunganga ng mga tao. Nagmistulang sabungan ng manok ang mga tao hindi lamang sa malalakas nilang sigaw at hinaing kundi sa maladelubyong pagsisiksika

