Inilibot ni Van Grego ang kanyang paningin sa loob ng Myriad Painting. Nakita niyang nagkaroon na ng buhay ang mga yumao ng Martial Corpse na may iba't ibang ranggo. Ang mga Bouncing Demonic Squirrels ay naging maamong tupa sa harap ng mga Martial Corpse. Tunay ngang kakaiba ang mga Martial Corpse lalo na ngayon. Ang kanilang mga mata ay makikitang nagkakaroon na ulit ng mga buhay ngunit artipisyal na buhay na lamang ito. Walang kaluluwa at purong Cultivation lamang. Isa sa mga katangian ng Martial Corpse sa mga nabasa ni Van Grego ang magpaamo ng mga Martial Beasts. Kahit na patay na ang mga ito ay may natural na mga abilidad ang mga ito na kayang paamuhin ang ito. Hindi pa rin ito alam lahat ni Van Grego sapagkat walang nasambit kung ano ito. Liban sa mga uri ng mga tinatawag na mga

