Laman ng sulat na ito ay ang nalalapit na digmaan. Ang dapat ay sa susunod na buwam pa ay mangyayari na ngayong katapusan ng buwan ang paglusob ng mga Martial Expert. Marami siyang mga alalahanin patungkol sa mga pangyayaring ito lalong-lalo na ang pagsiklab ng digmaan sa Hyno Continent kung saan ang tinatapakan niya ngayon. Kailangan niyang magmadali ngunit naalala niya ang gusto niyang puntahan bago bumalik sa Alchemy Powerhouse Association. Kailangan niyang bumalik sa lugar na kaniyang pinuntahan at walang iba kundi ang Black Water Trench na isa sa pinakadelikadong f*******n Areas. Ngayon ay nasa timugang bahagi ng Hyno Continent kung kaya't agad na siyang umalis sa lugar na ito papunta sa Black Water Trench dahil wala na siyang dapat na sasayanging oras. Napakahirap na nang sitwasyo

