Chapter 32

4345 Words

Habang pinagmamasdan ni Van Grego ang lumulutang na pambihirang papel ay iniisip niya ang kakaibang pangyayari habang nasa loob siya ng pambihirang papel. Sa oras ng pagpapalabas ng Spiritual Sense niya ay alam niyang parang may pumipigil sa kanyang pagpapalabas ng labis na enerhiya at kapag tumatama sa Serpyente ay wala siyang nakikitang daing o ekspresyon dito maging ang katawan nitong animo'y walang iniindang sakit dahil sa atake. Ngunit iba talaga ang kutob niya sa pangyayaring ito. Bigla na lamang nagliwanag ang mukha ni Van Grego ng may naisip siyang ideya kung paano lalabanan o papatayin ang Sepyente. Kabaliwan man para sa iba ang iniisip niya ngunit susubukan niya pa rin. "Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko ang iniisip kong atake" sambit ni Van Grego sa kanyang isipan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD