Habang mahimbing na natutulog si Van Grego ay nagkaroon ng pagbabago sa kanyang katawan lalong-lalo na kapansin-pansin ang mabilis na paghilom ng kanyang mga malalalim na mga sugat at humilom rin ang galos sa katawan. Ang katawan niya ay animo'y perlas dahil kumikinang ito at nagliliwanag na siyang makikita kung sinuman sa lugar. Nagsimula na ring gumagapang ang awra ng dalawang halimaw na mag-asawang Black Terra Spiders sa mata ni Van Grego dahil animo'y sumasayaw ito sa hangin. Ang buong mukha ni Van Grego ay bumalik na rin sa dati matapos ng kakaibang pangyayaring ito sa katawan niya. Ang mga simbolo na lumalabas sa katawan niya ay bigla na lamang nawala. Hindi alam ni Van Grego na malapit ng magising ang natutulog na kapangyarihan sa katawan niya. Ang mga nakaramdam ng mga sakit na

