Makapal pa rin ang usok at nakahandusay pa rin si Van Grego. Nagkaroon siya ng maraming mga galos at sugat sa iba't ibang parte ng katawan ngunit na rin ito masamang balita para sa bata dahil napakalakas talaga ng isang Martial Stardust Realm. Kahait na epic grade na ang suot mong baluti ay kayang-kaya ka nitong pinsalain ng malaki. Mabuti na lamang at nakasuot siya ng Vampiric Crab Armor dahil kaya nitong pahinain ang atake ng Black Terra Spiders ngunit dahil sa mataas na lebel na ang Martial Beast na ito ay hindi na ito mapigilan ng kanyang baluti. Sino ba ang mag-aakala na mayroong naging Cultivator na Martial Beasts kahit wala itong basbas ng langit. Walang sinayang na oras si Van Grego at agad na kinain ang Tier-5 Recovery Pill na agad na umepekto sa katawan ni Van Grego. Ang mga g

