bc

Chasing Hearts (CS #1)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
second chance
friends to lovers
bxg
heavy
serious
captain
campus
highschool
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Asher, the epitome of victory and commitment faced the most hardest mission in his life which is to chase his love's heart. Will he be successful?

chap-preview
Free preview
Meet Again
Malaki ang ngiting bumaba ako ng sinakyan naming bus. Nasa maynila na kami, matagal ko ding inasam na makarating ulit dito. Maliit pa ako noong una akong pumasyal dito, ngayong katorse anyos na ako lang muling naisipan ni Mama na bumalik. Pinapunta kami ng Lola ko dito sa maynila upang magbakasyon. Si Mama at ang baby ko pang kapatid ang kasama ko, naiwan si Papa dahil inaasikaso niya ang bakeshop. Naramdaman ko ang malamig na hanging dumampi sa pisngi ko, ngunit hindi katulad sa lugar na kinalakihan ko ay napakaraming sasakyan at halos tabi tabi ang mga matataas na gusaling naririto. Namamangha ako sa ganda ng suyidad, parang bigla ay gusto kong libutin ang lugar. "Nasaan na kaya sila Mama?" Rinig ko'ng bulong ni Mama, tinutukoy niya si Lola. "Ang tagal naman nila." Inip nyang sabi. "Baka po padating na." Sagot ko. Umupo sya sa waiting area ng pinaghintuan ng bus na sinakyan namin, naroon din ang mga maletang dala namin, hindi ko magawang maupo dahil sa pagkamanghang nararamdaman ko. Maya maya lang ay may humintong sasakyan sa haraparan namin, lumabas doon ang may katandaan nang babae at lalaki. Lumapit kaagad iyon sa amin ng may malaking ngiti. "Namiss ko kayo!" Salubong nya. Napatitig naman ako sakanya at narealize na iyon si Lola. Napapakamot ako sa buhok bago lumapit at batiin sya. "Lola!" Nakangiting bati ko. "Namiss ko din po kayo!" Masiglang masiglang pag amin ko. Niyakap nya naman ako, yumakap din ako pabalik sakanya. "Ito na ba si Cora?" Baling nya kay Mama na tumango lang. "Grabe ang laki mo na, ah! Dalagang dalaga na ang apo ko!" Aniya pa bago kumalas sa yakap at tinignan ang kabuuan ko. "Ang tangkad at ang ganda, manang mana sakin!" Pagpuri nya. "Hindi pa ba tayo aalis, Ma?" Tanong ni Mama kay Lola, agad namang naalarma at sumenyas syang sumakay na kami sa sasakyan nila. Nakangiti naman akong nanguna doon. Naging masaya ang biyahe namin pauwi sa bahay ni Lola. Di ako mapakali sa sobrang excitement na nararamdaman ko, lalo pa't may mga nakakalaro ako doon. Kamusta na kaya sila? Bumaba ako ng sasakyan matapos iyong huminto sa dalawang palapag na bahay. Nakita kong ibinaba ng lalaking kasama kanina ni Lola ang mga gamit na dala namin, nangingiti ako nang maalala lahat ng ginagawa ko dito noong bata pa ako. "Cora, ayon si Asher oh." May panunuksong itinuro ni Lola ang medyo payat na lalaking tingin ko ay kaedad ko lang din, lumapit naman iyon saamin. "Ikaw na ba 'yan, Cora?." Bungad niyon sakin na somobra yata ang ngiti sa labi. "Ikaw na din ba 'yan, Asher?" Panggagaya ko bago siya pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari sayo?" "Huh?" Taka niyang tanong. "Muka kang poste.." Tatawa tawa kong sagot bago siya iniwan. Pumasok ako ng bahay. Nagiba na ang itsura nito kumpara noong unang punta ko dito. Nagiba ang kulay at maaliwalas ang pagkakalagay ng mga gamit. Talento na ata talaga ng pamilya namin iyon, maging si Mama ay nagagawa ang ganong pag oorganisa, kahit pa napakarami ng gamit ay nakukuha padin nila iyong iayos at pagmukaing maganda sa paningin. Nag umpisa akong magikot, may malaking sofa na nakaharap sa TV, maliit na single sofa naman sa magkabilang gilid. Pumasok ako sa isa pang pinto kung saan naroon ang kusinang may katamtamang laki ng mesa, may anim na upuan, sa gilid niyon at and lababo't cabinet na sa tingin ko ang lalagyan ng mga pang kusinang gamit. Pinasok ko'ng muli ang isa pang pinto na naroon din sa kusina, tumambad sakin ang malaking space ng likod bahay, may tatalong gripo doon at may mahabang hose, nagtaka naman ako kaagad kung para saan iyon. Pumasok ako muli at inakyat ang itaas na bahagi ng bahay, naroon ang tatlong kwarto, hindi ko na pinasok iyon dahil baka kagalitan lang ako ni Lola. Nagsawa nalang ako sa malawak ding space ng second floor, naroon ang iba't ibang klase ng maari mong gawin. May chess, may gitara, may videoke, may ibat ibang klase ng libro at nakasabit na magandang tignan na mga paintings. Nang magsawa ako doon ay tinunton ko ang mahabang pasilyo, kuryusidad agad ang bumalot sakin habang naglakakad patungo kung saan, pero nawala din iyon nang matanawan ko ang malawak na terrace, may tatlong upuang nakaharap at maliit na mesa sa gitna, tanaw na tanaw ang ganda ng tanawin sa labas niyon, naroon ang ibat ibang klase ng bulaklak at halaman. "Cora! Dito ang kwarto mo!" Napatigil ako bigla nang marinig ang sigaw na iyon ni Mama, kaagad akong nagtungo at lumapit sakanya. "Dito ka, doon kami ni Farrah." Itinuro nya sakin ang katabing kwarto ng sinasabi nyang kwarto ko, napatango nalang ako matapos maisip na masosolo ko na isang kwarto. "Ayusin mo na yung mga gamit mo." Yun lang ang ibinilin nya saka pinasok na ang kwartong sinasabi nyang doon sila. Kaagad naman akong pumasok sa kwarto at inayos ang gamit ko, Nang matapos ako'y hinanap ko ang banyo para maligo, ngunit kahit anong ikot ko sa buong bahay ay wala akong makitang pagliliguan ko. Nawawalan ako ng pag asang aakyat nalang sana ulit sa kwarto nang mapansin ko si Asher na pumasok sa malaking space ng likod bahay. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko, tinaasan nya naman kaagad ako ng kilay. "Maliligo." Aniya pa na tinignan ang kabuuan ko. Dala dala ko ang tuwalyang puti na nakasabit sa balikat ko, nakashorts lang ako at sandong maluwang na puti. "Wag mo nga akong titigan." Sita ko sakanya na wala sa sariling ibinalot ang tuwalya sa katawan ko. "Maliligo ka dito? Bahay ni Lola to, wag mong sabihing palaboy kana at walang bahay na maliliguan?" Pang aasar ko sakanya. "Masyado ka namang magisip." Aniya na naglakad na patungong gripo, ikinabit nya doon ang hose at saka hinubad ang damit nyang pang itaas, napatalikod naman ako bigla. Ang lakas ng loob nitong maghubad, payatot naman! "Plano mo bang panoorin ako?" Maya maya ay sabi nya nang mapansing nandon parin ako. "Excuse me, ah!" Padabog akong pumasok sa loob para magtanong kay Mama, naabutan ko naman syang hinihele si Farrah. "Ma, san ba yung banyo? Gusto ko nang maligo." "Doon sa baba, di mo pa ba napupuntahan yun kanina?" Takang tanong nya na naglakad patungong terrace, sinundan ko naman siya. "Ayon oh." Itinuro nya ang ibaba, kaagad naman akong dumekwang at niyuko ang itinuro nya. "Sumabay kana kay Asher para makapagkwentuhan din kayo, matagal din kayong hindi nagkita." "Ayan yung banyo natin, Ma?" Hindi makapaniwalang tanong ko, inosente syang tumango sakin na sumenyas na wag akong maingay. "Bakit naman ganyan, hindi ako makakaligo ng maayos, wide space masyado tsaka bakit nandyan 'yang kulangot na 'yan?!" Parang batang reklamo ko. "Wala namang titingin sayo dyan, wag kang lang maghuhubad ng damit, saka ayon, nandon naman si Asher, di non hahayaang may tumingin." Inginuso nya pa sakin ang lalaking yun na sarap na sarap sa malakas na agos ng tubig sa ulo nya. "Sige na maligo kana don." Pagtataboy nya sakin na pumasok sa kwarto nila. Wala naman akong nagawa kundi bumaba at dahan dahang pumunta sa banyong sinasabi ni Mama, nagdadalawang isip ako kung sasabay ba ako sa kulangot na yon o hihintayin ko nalang siyang matapos? Ang lagkit lagkit ko na kasi, buong magdamag kaming sakay ng bus dahil sa biyahe papunta dito, hindi na ako makakatiis pa. Nang maihakbang ko papasok sa wide space ang paa ko ay kasalukuyan nyang shinashampoo ang buhok. Dahan dahan ko namang isinabit ang dala kong tuwalya saka naghanap ng gamit pangligo, nahagip ng mata ko ang cabinet na nasa ilalim ng tatlong gripong naroon, binuksan ko iyon at napasalamat sa kompletong gamit. May balde at tabo na naroon, nilabas ko iyon saka ako nagsahod ng tubig sa gripo. Sisimulan ko na sana maligo nang maalala kong may tao pala sa likuran ko. "Wag mong subukang panoorin ako, lagot ka sakin." Banta ko sakanya, umiling iling lang naman sya't tumalikod din sa gawi ko. Nagsimula akong magbuhos ng magbuhos ng tubig sa katawan, ninanamnam ang masarap na lamig ng tubig, kinuha ko ang sabon at pangkuskos sa katawan, nagsimula akong gawin iyon, hirap na hirap ako at naiilang dahil hindi ko magawang linisan ng maayos ang katawan. "Paano kaya sila tumatae dito?" Wala sa sariling nasabi ko, napatakip kaagad ako ng bibig, nilingon ko si Asher na napahinto din sa akmang pagsasabon ng katawan. "Talagang madaldal ka pa rin eh no?" Naiinis na sabi nya sakin, masama ang tingin. "Malamang sa inodoro, alangan namang diyan sa lapag? Tsk." Dagdag nya pa, tumaas naman ang kilay ko. "May inodoro dito? Ibig sabihin may matinong cr dito?" "Bakit ka ba dito naliligo?" Kunot noong aniya na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "Nandon yung banyo nyo, oh." Itinuro nya ang likurang bahagi ko. Natitigilan naman akong nilingon iyon, napanganga kaagad ako nang makita ang isa pang pinto, bigla ay gusto ko nalang maglaho sa sobrang hiyang nararamdaman ko. Ang tanga tanga ko naman. "Saka, wag kang maliligo dito nang ganyan ang suot mo. Kitang kita kung anong nasa loob." Dagdag niya "Alam mo naman pala bakit hindi mo ako sinabihan kanina!" Sa halip na sigaw ko, hindi pinansin ang huli niyang sinabi. "Nagtatanong kaba?!" Inis ding sigaw nya sakin. Nagsimula na syang sabuhin ang katawan, nagmamadali at itinapat muli ang hose sa ulo, matapos niyon ay kinuha nya ang tuwalya't iniyakap sa sarili nya. Napapailing pa bago umalis at iwan ako. Kinuha ko naman kaagad ang mga kailangan ko saka dali daling pumasok sa pintong iyon, tama nga sya't iyon ang banyo. May shower, gripo at may inodoro! Gusto kong batukan ang sarili, nakakainis! Talagang sa harap pa ng lalaking yun ako nagpakatanga, bwiset! Nang matapos ako'y kaagad akong umakyat para makapagbihis. Napili ko iyong malaking t-shirt at maikling shorts. Sinuklay ko ang straight at mahaba komh buhok, matapos niyon ay lumabas ako ng bahay at naupo sa pahabang upuan na sa tapat ng bahay. Tahimik ang paligid at kakaonti lang ang taong nakikita ko, ang iba ay napapatingin sakin habang parang nagtataka, ang iba naman ay nakangiting kumakaway sakin. "Cora?" Nilingon ko ang boses na iyon. "Ako to, si Layla!" Masayang pakilala nya, napangiti naman ako nang maalalang nakakalaro ko sya noong mga bata pa kami. Umupo sya sa tabi ko. "Kamusta kana? Kakarating mo lang ba? Ba't ngayon kalang bumalik?" Sunod sunod na tanong nya sakin. "Nag aaral kasi ako eh." Naisagot ko nalang. "Bakasyon ngayon kaya ito nagkaron ng pagkakataon." Nakangiting dagdag ko. "Mabuti naman kung ganon." "Oo nga." "So, gaano katagal kalang dito?" "Siguro mga one and half month lang." Lumungkot naman bigla ang muka nya. "Babalik din naman siguro kami kapag may pagkakataon." "Dibale, ang mahalaga nandito ka ngayon." Bumalik ang sigla nya. "Marami akong ikwekwento sayo, maraming masayang nangyari dito, gusto kong malaman mo." Exited na sabi nya sakin, kaagad naman akong napaharap sakanya na may malalaking ngiti sa labi. "Sige!" "Pero saka na kapag nandito na yung iba pa nating mga kaibigan noon." Biglang bawi nya, nadismaya naman kaagad ako pero ngumiti din kalaunan. "Okay sige, nakakaexcite naman, mukang masaya." Nakangiting sabi ko sakanya na tumango lang. Pagkatapos niyon ay may tumawag sakanya na sa tingin ko ay Mama nya. Naiwan naman akong magisa. Hindi ko na nakita si Lola magmula nang dumating kami dito, siguro ay may pinuntahan lang sya. Nakaramdam ako bigla ng gutom, pumasok ako sa bahay at kumuha ng chips saka bumalik sa inuupuan ko kanina, maya maya ay may tatlong kalalakihang papalapit sakin na malalaki ang ngiti. "Ikaw na ba 'yan, Cora?" Tanong niyong isa nang makalapit sakin, matangkad sya at masasabi kong may itsura. Tumango ako sakanya, hindi ko sya kilala o hindi ko lang talaga maalala? "Nagkita na ba kayo ni Asher?" Nakakalokong tanong nya. "Bakit anong meron sakanya?" Mataray na tanong ko, natawa naman sila ng sabay sabay. "Miss na miss ka kaya non!" Tumatawang sabi ng isa pang lalaki. "Palagi kang nababanggit non, hindi ka makalimutan hahaha.." Sabi din ng isa pang lalaki. Nangunot ang noo kong nakatingin lang sakanila. "Hindi mo na ba kami maalala?" Parang nagtatakang tanong nya sakin. "Grabe, ang sakit naman non.." Nagpanggap na nasasaktang sabi nong isa pa. "Sorry.." Nasabi ko nalang nang may pilit na ngiti. "Ano ba mga pangalan nyo?" Tanong ko. "Ako si Nolan." "Owen.." "Julian!" Napanganga ako bigla ng isa isa silang magpakilala. Hindi ako makapaniwalang napatayo at tinignan sila isa isa. "Seryoso?" Naniniguradong tanong ko. "Oo naman, may kataka taka ba don?" Natatawang tanong pa ni Owen sakin. "Diba mga bakla kayo?" Naitanong ko. Natigilan naman kaagad sila at nawala ang ngiti sa labi saka parang naiilang na nagsiiwas ng tingin sakin. "Diba? Kalaro ko pa kayong tatlo noon sa bahay bahayan natin, naglalaro tayo ng barbie tapos garter! Nagtatahi tahi pa nga tayo noon ng mga damit ni barbie diba? Tapos yung laruang make up ginagamit nyo din?" Takang takang mahabang sabi ko. Totoo naman iyon, silang tatlo palagi ang kasama ko noon na maglaro, sabay sabay nga kaming napapagalitan ni Lola noon kapag somosobra na ang mga ginagawa naming apat. "Ginagawa nyo pa ngang damit yung kumot diba? Minsan nga yung kurtina pa, galit na galit non si Lola kasi ginulo natin yung cabinet nya." Sigurado ako na ginagawa namin yun noon, tandang tanda ko pa. "G-Grabe, hindi kaya namin ginagawa yon." Bilang tanggi ni Julian, hindi sya makatingin sakin. "Hindi! Sigurado ako, diba, Nolan?" Baling ko kay Nolan na pinakamalambot sakanilang tatlo. "Diba nga pinasayaw pa kita noon ng otso otso?" Paniniguradong tanong ko pa. "Cora naman, syempre noon yon. Nagbago na kami." Sagot ni Nolan sakin. "Hindi naman talaga kami bakla, ginawa lang namin yun noon kasi walang gustong makipaglaro sayo." Dagdag nya pa, natahimik naman ako. "Inutusan kami ng Lola mong samahan ka, ayon ganon yung nangyari pero hindi kami bakla." Paliwanag ni Owen sakin. "Ayaw din makipaglaro sayo ni Asher non kasi ang daldal mo daw, ang dami mo daw sinasabi, napakaingay at bossy." Doon umangat ang tingin ko. Tumaas ang kilay at nagpigil ng inis. "Pero nung nawala ka, ayon walang araw na hindi ka nababanggit. Tsk tsk tsk." Umiiling na sabi pa ni Nolan sakin. "Oh, ayon sya oh. Asher!" Bigla ay sigaw nya sa likuran ko. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang maalala ang nangyari kanina, pinilit kong hindi lumingon pero ayon na sya't naramdaman kong dumaan sa gilid ko. "Bakit?" Tanong nya agad. "Si Cora, oh." Ngumingising sabi ni Owen na itinuro ako. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Asher saka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Oh, tapos?" Nasabi niya lang. "Nako, kunware kapa!" Inakbayan sya ni Owen. "Diba gusto mo nang makita si Cora? Ayan na sya oh." Loko lokong bulong nya pa. Onti onti namang ngumisi si Asher sakin kaya naasiwa ako. "Spongebob." "H-Hoy!" Nauutal kong sigaw matapos marealize ang ibig niyang sabihin. Dinuro ko siya pero walang salitang lumabas sa bibig ko. "Anong spongebob?" Si Julian. "Kasi nagkasabay kaming ma---ARAY!" "Nakakainis ka!" Sigaw ko ulit matapos sipain ang binti niya. Talagang ikikwento niya pa kung anong nakita niya! Hindi na ako nirespeto! Bwiset talaga! Nilayasan ko sila sa inis ko. Wala siyang pinagbago, mapang asar pa rin! Tsk! _______ Thank you!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
22.6K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
558.4K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
787.5K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.8K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook