Lumipas pa ang dalawang araw, hanggang ngayon ay 'di pa din ako sanay sa mga bagong taong nakakasalamuha ko dito. Para akong mababaliw kapag nagtagal pa ako dito.
May internet nga pero halos 'di naman ako nakakagimik o makalabas man lang.
Nagscroll pa ako sa instgram at nakita ang bagong post ni James. He was in the bar while Nicole and Scarlet hagging him, they are taking some of a pictures while drinking a lady drinks. Mukang masaya sila doon sa pictures nila.
I miss my life there, mas mahirap pala ang buhay dito. Walang bars, wala man lang parties. Puro bahay lang sa ngayon.
My lolo already talk to me about sa pagtatransfer ko dito. Next week pa ang pasukan dahil may isang linggo din na sem break.
I message our group chat.
'miss you guys'. Wala pang ilang segundo ng magseen agad si James.
'mas miss kana namin,' he said.
' kamusta ang buhay probinsya?' Nicole asked.
'Full of shit.' I said on my message, naglagay din ako ng imotikon para mas dama ang inis ko don.
Ilang araw palang ako dito at halos wala pang isang linggo pero ganito na agad. What should I expect? Alam ko na ngayon kung san nagmana si Daddy.
Sandali pa akong nakipag kwentuhan sa mga kaibigan ko bago magpaalam na sa kanila dahil may mga gagawin pa ang mga ito, thru video call din kami nagkamustahan.
Madalas wala dito ang Lolo dahil marami itong ginagawa about sa business nya at sa mga lupa na pagmamay-ari nya dito. Meron din kasi silang palayan dito at sya din mismo ang pumupunta doon para tignan ang mga trabahador niya.
"Kumain kana sa baba, Craig. Walang maghahatid sayo ng pagkain dito." Tumingin ako sa direksyon ni Manang Tania, the devil one. "Hindi maglalakad para sayo ang pagkain."
Ito na naman sya, nag-iingay na naman, masahol pa sya kay Mommy kung manermon. Sa loob ng ilang araw ko pang pananatili dito ay wala atang araw na 'di niya ako nakikita at sa sabihan ng kung ano ano.
"Yuh! I know, wala naman paa ang pagkain para maglakad papunta sa'kin..."
"Sabayan mo na ang Lolo mo sa pagkain ng umagahan, kanina ka pa nya inaantay."
Umagang-umaga ayoko makipagtalo. Kaya tumayo na ako at dumiretso na sa baba. Naabutan ko din si Lolo na magsisimula na sanang kumain.
"You're awake."
Hindi ako nagsalita at naupo lang sa ikatlong upuan medyo malayo sa kanya.
"Kamusta naman ang mga nagdaang araw mo dito?" He asked at kumagat sa spam na nakatusok sa kanyang tinidor. "Balita ko kay Tania, hindi ka nalabas nitong bahay simula nong nagpunta kayo ng palengke?"
"Not really good... Ayaw ko din naman lumabas." I answed, boring na boring din ang aking boses.
"Magugustuhan mo din ang lugar na 'to." Nakangiti pa ito nong sabihin niya iyon sa'kin.
"Never, this place is so boring." Halos pabulong ko na lang sinabi iyon.
"Watch your mouth, apo."
Napairap na lang ako bago magpatuloy sa pagkain. Actually, hindi ako masyadong sanay na kasabay sya kumain. Panay din kasi ang sermon nito kahapon lang ay sinabihan ako nito tungkol sa pagtransfer ko dito.
He said, Tope will be incharge sa pagbabantay sa'kin sa school. Well ano naman ang gagawin ng boring na tao na 'yon, he can't control me, no one can control me.
"Tapos mo na ba tapusin linisin ang kotse?"
Tumango naman si Tope kay Lolo, kakatapos lang nito linisin ang kotse ni Lolo. May hawak pa sya na timba habang nakasabit sa balikat nya ang sando nya na kulay itim.
"Good, thank you Tope, maaasahan ka talaga." Tinapik ni Lolo ang balikat nito, saka muling pumasok sa loob.
Nasa tapat lang ako ng pinto habang hawak-hawak ang map na binigay sa'kin kanina nong Manang Tania. Utos iyon ni Lolo na ako daw ang maglampaso ng sahig.
I don't really want to do this, pero wala akong magawa. Ewan ko ba pero nakakatakot kasi makita si Lolo kapag medyo nagtataas sya ng boses, mas nakakatakot pa kay Daddy.
Kinuha ni Tope ang timba na may tabo at pumasok na din sa loob, masama kong tinignan si Tope ng may magtulo-tulo pa ng konting tubig sa sahig.
"Don't you see? Tapos ko na lampasuhan 'yan. Bulag ka ba?" Hasik ko dito. Pero muka naman wala syang pake.
"Punasan mo na lang ulit apo. Konti lang naman iyan."
Umirap ako kay Tope, nang tuluyan ng makaakyat si Lolo at mawala paningin ko padabog kong binitawan ang map na hawak ko.
"Hindi ko pupunasan 'yan, hindi ako katulong dito."
"Hindi kanga katulong dito, pero mismong lolo mo nag utos sayo niyan."
Pakielamera talaga ang matandang ito eh, lahat na lang.
"Ano naman? Naglampaso na ako hindi naman ako nagkalat dyan, edi punasan nya."
"Sige, sabihin ko na lang kay Lolo mo 'tong ginagawa mo." Manang Tania said.
Napahilamos na lang ako,. "Sumbungerang matanda." Pinadinig ko talaga dito ang sinabi ko bago pinagpatuloy ang paglalampaso.
Mabilis na sumapit ang hapon, muli na naman akong nautusan tinatamad akong hinugasan ang mga patatas at iba pang sangkap na gagamitin mamaya sa pagluluto nila mamaya ng nilagang baka.
Medyo maulan kasi din at ito ang request kanina ni Lolo. Isa pa idagdag pa 'yung ngayon ay aalis si Lolo dahil sa pupunta ito sa batangas, dahil may binili syang property doon at may mga meeting din sya na kailangan puntahan don. He alrady discuss this one kanina ding umaga.
"Tope, pakilagay na sa kotse ang mga dadalhin ni Sir Guererro... Pakitulungan mo na lang din Craig." Napakunot pa ang nuo ko sa utos ng madrasta.
"Huwag kana magreklamo sumunod kana." Utos pa nya ulit. Padabog akong tumayo sa pagkakaupo sa upuan at sinundan si Tope.
"Ako na lang dito, dyan ka." 'Yon lang ang sinabi nya bago kinuha yung dalawang maleta.
"Ba't sa'kin pa talaga ang pinakamalaking maleta." Reklamo ko sa kanya. Sinimulan kong buhatin ang maleta pero may pagkamabigat ito.
Tuninulungan nya din naman agad ako ng mahatid niya ang mga hawak nyang maleta kanina. Ang dami din kasing maletang dala, akala mo isang buwan din mawawala si Lolo eh tatlong araw lang naman.
"Babalik din agad ako, sisikapin ko na matapos ng mas maaga ang meeting sa batangas."
Nasa kainan kami ni Lolo, tahimik lang akong nakain.
"Lolo, I have request lang bago ka umalis. Pwede ba pakisabi kay Mang birting na pakibawasan ang pagpupuk-pok sa labas ng umaga." I request at him.
Si Mang Birting isa sa mga matagal ng katulong ni Lolo dito, ginagawa nya kasi 'yung nasirang kwadra ng mga hayop dito.
"Hindi maiiwasan iyon, gawain ni Birting iyon may trabaho sya diyo." He said.
"Pero ang ingay-ingay kasi 7am palang ng umaga kung ano ano na agad nadidinig ko."
"Edi para 'di ka mabulabog i-adjust mo ang pagising mo... Gawin mong alasais."
Hindi ako nabangon ng alasais madalas talaga nagigising ako halos 8 na ng umaga kapag may pasok. Kapag wala naman ay 12pm na. Hindi ko kaya magising ng ganong kaaga.
Napairap na lang ako.
Natapos kaming kumain ng hapunan ng magpaalam na si Lolo, it's already 8pm. Tinignan ko pa syang sumakay ng kotse nya kasama 'yung isang driver, hanggang sa umandar na ang kotse nila. Si Tope 'yung nagsarado ng gate ng makalabas ang kotse nila Lolo.
"Maraming binilin ang Lolo mo sa'kin bago sya umalis." Manang Tania.
"Lagi naman." Binagsak ko ang sarili ko sa pag-upo sa sofa. Magtitipa palang sana ako sa cellphone ko ng harangan niya ang screen ng cellphone ko.
"Maghugas kana ng mga plato."
"No way... Ba't ko naman gagawin yon? Don't you remember halos na basag ko lahat ng plato na hinugasan-" she cut me.
"Kaya nga babantayan ka ni Clara." Pinandilatan pa ako nito ng mata. "Hindi ikaw ang masusunod dito." Dagdag nya pa.
Nilampasan ko sya matapos kong tumayo sa sofa at padabog na pumunta ng kitchen.
"Hawakan mo lang ng maigi 'yung baso." Si Clara habang tinuturuan nya ako sa gilid.
"I know."
Habang naghuhugas ako ay kita ko naman sa gilid ng mata ko ang paghahanda nila Tope ng pagkain nila ni Manang Tania sa maliit na lamesa dito sa kitchen. Dalawa na lang daw kasi silang kakain kasi tapos na si Clara, nauna daw ito.
"Hawakan mo kasi mababasag mo talaga 'yan." Napabuga pa ng hangin ang katabi ko. "Sabon kasi 'yan kaya talagang madulas."
Muntikan ko na naman kasi mabagsak 'yung hawak ko. Halos iilan piraso lang naman ang hinuhugasan ko dahil 'yung pinagkainan lang naman namin ni Lolo ang hinuhugasan ko.
"Ikaw kaya dito, 'di naman kasi ako katulong."
"Ang arte mo naman."
"Talaga maarte ako 'di ko naman kasi talaga 'to gawain." Umirap ako sa kanya. "Gagaspang kamay ko dito eh," naiirita kong sabi.
Pagkatapos ko maghugas ay dumiretso ako sa taas para kumuha ng damit at para makapag hugas na ng katawan. Hindi kasi ako sanay na 'di naglilinis ng katawan bago matulog. Feeling ko ang lagkit ko kapag kakaganon.
Alas-onse na ng gabi but I'm still awake, hindi ako makatulog. Ilang beses pa akong nagpagulong-gulong sa higaan ko bago ako bumangon at maupo sa gilid ng kama.
Kinuha ko ang cellphone ko, para magsearch sa google kung saan may bar na malapit dito. I need to go out, hindi ko na kaya dito sa loob lang ng bahay.
Hindi ako mabubuhay sa ganito. May nakita naman akong mini bar sa google, pero hindi ko alam kung malapit lang ba talaga sya dito. May direction naman susundan ko na lang.
Nagpalit lang ako ng Tokong na short at nagspray ng pabango. Dahan dahan din ako lumabas ng kwarto, sinugurado ko na walang ingay.
Pababa palang sana ako ng hagdan ng makita si Clara na nagsasampay sa hanger ng mga damit niya siguro. Gabi na ngayon nya lang naisip gawin 'yan. Napabalik ako sa taas at nag isip kung pano makakalabas.
Sakto naman nakita ko ang bintanang malaki na nakabukas dito sa second floor nitong bahay, gawa naman sa plywood at kahoy ang bintana.
Dimungaw ako don, banda ito sa likod ng bahay. May kataasan din mula dito sa second floor. Napalunok ako, mas mataas ito sa bakod namin sa likod ng bahay.
Nagsimula akong humakbang at umapak pa ng bangko para mas madaling pang makaakyat.
"Anong ginagawa mo?"
Halos mapatalon ako sa gulat at mabilis na yumakap sa gilid ng bintana para hindi mahulog sa baba. Napatingin ako sa direksyon ng pinanggalingan ng boses.
Si Tope habang nasa gilid ito ng base dito sa taas, madilim na din kasi dahil sa nakapatay na ang ilaw.
"f**k you,... You scared me I got almost heart attack."
Hindi ko naman makita ang reaksyon nito dahil sa madilim, pero kita kong nakatingin pa din sya sa'kin.
"What are you doing here?" I asked him.
"Ikaw anong ginagawa mo dyan?" He asked me back.
"Ako ang unang nagtanong, ako sagutin mo."
"Tinitignan ka." 'Yon lang ang sinabi niya.
"You mean? Kanina ka pa dyan?"
Holy s**t, kanina niya pa ako pinapanood, kung ganon kanina nya pa ako nakikita sa mga pinagagawa ko.
Bumaba na ako mula sa pagkakatungtong sa bintana. Muling tumingin sa labas. May katapat pala kaming malaking bahay din dito.
"Tatakas ka?"
"Obvious ba?"
Nagsimula syang tumalikod at humakbang papaalis, lagi na lang sa tuwing makikita ko 'tong tao na 'to na pakaseryoso.
Nagpasya na lang ako sumunod dito, pero bago ako umalis ay muli akong napatingin sa bintana at saktong may kakalabas lang na lalaki sa beranda sa kabilang bahay. Medyo malayo nga lang ang bahay na ito pero sapat lang para makita mo.
"Gising pa kayong dalawa?" Tanong ni Clara, may dala siyang maliit na tima at saktong kakasarado niya lang din ng pinto sa labas.
"Wala bang mid night snack dito?" Tumingin pa ako sa ref. 'Yung hiwang melon lang ang meron don at puro Frozen food na, kaya iyon na lang din ang kinuha ko.
Sinimulan kong hatiin ang melon na kinuha ko, sakto naman na napatingin din ako sa direksyon ni Tope. Seryoso lang ito habang nakahulakipkip sa lamesa, parang malalim ang iniisip din.
"You want?" Inalok ko sya ng lemon pero 'di niya ko pinansin.
"Pagkatapos mo dyan linisan mo 'yang kalat mo huh, ayaw ni Manang Tania ng kalat sa umaga." Sabi ni Clara. Umalis na ito at naiwan naman kami ni Tope.
"Nag-iinom ka ba? Gusto mo iinom natin 'yang iniisip mo?" I asked him, muka naman nakuha ko na ang atensyon nito kasi bahagya syang bumaling sa'kin. Madilim ang muka nito mukang iritado na.
"Matutulog na ako pagkatapos ko kumain." 'Yon na lang kunyari ang sinabi ko. Mabigat kasi ang titig nya.
Lagi ba syang ganyan?
Pinagpatuloy ko ang pagkain at muling tumingin sa direksyon nya. He was staring at the ceiling, bahagya syang nakaside view kaya ang makikita mo lang ang kabilang bahagi ng muka nya.
Kung tutuosin ang tangos at ang ganda ng hugis ng ilong nya, he had a pointed nose and redish lips, maganda din ang hugis ng panga nya, his look is so manly.... He has a perfect feature.
Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya nang mapatingin din sya sa direksyon ko.
"Matutulog na ako," Iyon ang sinabi ko bago nagmamadaling umalis.
__________________________________________________________