bc

Stripping with his Seduction

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
friends to lovers
drama
sweet
mystery
campus
like
intro-logo
Blurb

Isang binatang binago ng probinsya. Binatang laki sa manila na ngayon ay makikihalubilo sa mga taong probinsyano.

chap-preview
Free preview
KABANATA-ISA
Malakas kong sinipa ang basurahan sa harapan ko dahilan para magkalat ang basura na nasa loob nito. Nag-iisa ako ngayon dito sa rooftop ng school building namin. Nagkuyom ang kamao ko sandali saka mahigpit na hinawakan ang buhok ko. Hindi ako makapag- isip ng tama kung ano ba dapat kong gawin sa mga oras na ito. Alam kong magsisimula na ang klase sa isa sa mga subject namin ngayong tanghali dahil nagsimula na ulit tumunog nang marahan ang bell hudyat na tapos na ang oras ng tanghalian namin. Muling pumasok sa isipan ko ang nangyari kanina. Alam kong pagkakamali na tinalikuran ko si tiffany at nakakabastos iyon. Pero hindi ko kasi maisip ang sinabi nitong buntis siya at ako ang ama. Muling pumasok sa isipan ko ang alaala kung paano ngayon na sa sabi ni Tiffany na buntis siya at ako ang ama. Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa may naramdaman akong yumakap saakin. Napahimas pa ako sa aking ulo dahil ramdam ko ang pananakit nito bago tuluyang magmulat nang kaunti. Dahan- dahan kong nilibot ang aking paningin at nag- angat ng ulo unti para tignan ang aking paligid, tinignan ko din ang brasong nakapalupit saakin. Bahagya pa akong nagulat ng makita si Tiffany pala ito. Agad kong tinanggal ang pagkakayakap nito sa'kin at tumayo. Muntikan pa ako tumaob dahil sa ramdam ko ang pagkahilo. Tanging under wear lang ang suot ko. Muli akong tumingin sa paligid. Alam kong kwarto itong kinalalagyan namin. Nagmulat nang mata si Tiffany at tinignan ako nito ng may kunot sa nuo. Hindi ako makapag- isip ng maayos dahil siguro sa sakit ng ulo. Tinanong ko ito kung anong ginagawa namin sa loob ng kwarto. Pero ngumiti lang ito sa'kin at tinignan ang sariling katawan mula sa ilalim ng kumot. Paanong pareho kaming hubad at magkayakap? Eh, sa pagkakaalala ko nag- iinom lang kami ng mga kaibigan ko kagabi at kasama sya. Pilit ko sandaling inalala ang mga nangyari noong gabi na iyon. Hindi maaari. Paanong mabubuntis ko ang sarili kong kaibigan, kung gayon mismo na si Tiffany mismo ang isa sa may alam na hindi ako napatol sa mga katulad nya. "Hindi 'to pwede" Ang nasabi ko na lang sa sarili ko bago napaupo sa lapag dito sa rooftop. Napakaimposible talaga nito. Paanong mabubuntis ko si Tiffany, eh Kasama ko si Mike, ang boyfriend ko. Ang alam ko din kami ni Mike ang magkatabi nong gabi na 'yon at bago si Tiffany. Halos isang bwan na din iyon nong mangyari ang kasiyahan naming mga magkakaibigan. "Craig!!!" Tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses. Nanatili akong nakaupo habang ang bilis ng t***k nang aking puso. Napalunok pa ako. Ilang sandali pa muli ako nitong tinawag, at saka dahan- dahan na tumayo habang na natiling nakatalikod at saka humarap sa kanya. Puno ng kaba ang aking dibdib nang makita ang kaniyang seryosong muka. "Hi-Hindi ko alam Mike." Ang nasabi ko na lang ng oras na ito. Mabilis siyang naglakad sa direksyon ko saka malakas akong sinuntok sa muka. Ramdam ko ang mabigat na suntok nya sa'kin, dahilan para muli akong mapaupo. "How did you do this to me?"Sigaw nya sa'kin. Kinapa ko ang aking labi at tinignan ang daliri ko na may dugo. Wala pang isang segundo hawakan ni Mike ang kwelyo ng damit ko at saka ako itinayo nang malakas. Halos mapapikit pa ako nang maramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa pader. Galit na galit ang muka ni Mike habang diretso itong nakatingin sa aking mga mata. "Hindi ko anak 'yon...Imposible." Mahina kong sabi dahil nagsisimula akong maluha habang nasasakal sa pagkakahawak sa'kin ni mike. Inambahan ako nito nang suntok at napapikit ako. Wala akong naramdaman kaya minulat ko ang kaliwa kong mata at saka nakita ang lungkot sa mata ni Mike. Dahan-dahan nya akong pinakawalan at parang nanghihina ito. "Anong imposible? Lalaki ka pa din, Craig kahit anong sabihin mo." Sabi niya. Habang nakatingin sa'kin. May kutob akong may mali at sigurado akong hindi ko anak 'yon. Isang bagay lang ang alam ko, kahit nalalasing ako alam ko ang ginagawa ko at nakakaalala ako. Pero bakit nong gabi na iyon ay wala akong maalala. Wala akong maalala na may nangyari saamin ni Tiffany. Sinubukan ko ikwento sa kanya kung ano ang nangyari at kung gaano ako kasigurado na wala talaga nangyari samin ni Tiffany. Umiling lang ito. "Kailangan mong panagutan ang ginawa mo kay Tiffany." Malamig na sabi nya sa'kin, bago nya ako tinalikuran at iwan. Maslalong bumigat ang dibdib ko. Tahimik akong napahagulgol, pilit kong pinipigilan na mapalakas ang pag-iyak ko. Nanatili ako dito sa rooftop at inantay ang paglubog ng araw. Buong maghapon akong nag-isip at umiyak nang umiyak. Hindi ko naisip na dadating ako sa problema na ganito. Halos gabi nang maisipan kong bumaba at tumigil sa pag-iyak. Ito kasi ang oras na wala na ang mga kapwa ko istudyante at mga teacher dito saamin. Sa canteen kasi nangyari kanina iyon, malamang ay kumalat din ang nangyari sa iba pang mga istudyante at mga guro kaya, mas minabuti ko na lang na 'wag na lang pumasok sa buong klase ng hapon. Tahimik akong naglakad sa hallway ng school dumiretso ako sa mismong room namin, buti na lang at hindi nakakandado ang room namin kaya nakapasok agad ako at hinanap ang bag ko. Naalala kong naiwan ko pala ito sa canteen nong magdali akong umalis don kanina. Naglakad ako papalabas ng room, wala naman kalayuan ang canteen sa room namin kaya agad akong nakarahindi doon. Papasok na sana ako ng marinig ko na may boses sa loob, bahagya din kasing nakaawang ang pinto ng canteen kaya bahagya muna akong sumilip doon para kumpirmahin. Nakakapagtaka lang kung bakit may tao pa dito sa school dapat ay wala na dahil sa anong oras na din. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang makita si Tiffany na umiiyak sa harap ni Mike habang pinapatahan ito ni Mike. Hinihimas ni Mike ang likod nito at sinusubukan pakalmahin. May binubulong si Mike dito, hindi ko masyado marinig ang sinasabi nito. Pero ang bigat sa dibdib nang nakikita ko. Bukod sa'kin isa sa pinaka malapit kay Mike ay si Tiffany. Sobrang close din ng dalawa dahil bago ako ay magkababata na silang dalawa. Tumalikod ako at lumabas ng school. Tanging cellphone lang ang dala ko. Tinignan ko iyon at 'di na nagulat ng maraming calls at messages akong natanggap. Muli kong tinabi ang cellphone ko sa aking bulsa at naglakad papauwi sa bahay, wala akong choice wala din naman kalayuan ang bahay sa school. Wala din ako masyado sa sarili kaya 'di ko napansin na nakauwi na pala ako at nasa tapat ngayon ng gate. Gate ang nakasarado pero ang pinto nang bahay ay nakabukas, magdidiretso na sana ako sa pagpasok sa loob ng bahay. Nang isang malakas na sampal ang nabungaran ko pagpasok palang agad ng pinto. Dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Kita ko ang galit na galit na muka ni Daddy. Nakahawak si Mommy sa kanyang balikat habang pinapakalma ito. "Craig Guerrero!!! Anong pumasok sa kokote mo at nakabuntis ka?" Malakas na sigaw ni Daddy sakin. Nanatili akong nakatayo at tinanggal ang pagkakahawak sa aking pisngi. Tila natuyo ang mata ko na dahil sa wala na din akong luha na lumalabas. Alam nyang saliwa ang physical na kaanyuan ko sa aking kasarian at isa iyon sa ikinagagalit nya sa'kin. I never see him na tinignan nya ako bilang isang anak nya o parte sa pamilya na ito. "Really? Craig? After ka namin pag-aralin ng mommy mo? Ito lang igaganti mo samin? Malakas na sigaw nya muli. Nanatili akong tahimik at yumuko ng bahagya. Habang pinagmamasdan ang nagkukuyom kong kamao at aking nanginginig na biti. "Palamunin kana nga dito sa pamamahay na 'to, magdadagdag ka pa ng isa? Ano ipapakain mo don? You are too young Craig." Tila mapuputol na ang litid ng ugat ng lalamunan nito kakasigaw saakin. Habang pilit pinapakalma ni Mommy ito sa kanyang tabi. Kita ko ang nakakatanda kong kapatid na babae sa bandang hagdan habang tahimik lang itong nagmamasid sa amin. "Ayan ka naman eh, you didn't look at me as your son." Mahina lang ang pagkakasabi ko non pero sapat lang para marinig nila. "Craig, Anak." Sabi ni mommy. Sa tono ng boses nito ay nangungusap na 'wag na akong sumagot at hayaan na lang ang asawa nito na kung ano-ano ang sabihin nito sa'kin. "What did you say again?" Matigas na pagkakasabi ni daddy bago sana umamba itong lalapit sakin para saktan sana na naman ako nito. Pero pinigilan ito ni mommy. "Hindi naman din ako magkakaganito kung sana ay pinaramdam at tinuring nyo sana ako na parte ng pamilyang ito." Nakaangat na ang aking ulo nang sabihin ko iyon, habang diretyong nakatingin sa kaniyang mga mata. Nag-igting ang kanyang panga habang lalong nagagalit ang mga tingin nito sa'kin. "Puro si Ate lang ang nakikita nyo, parang s'ya lang ang anak nyo. Hindi ko man lang narinig sa inyo na proud kayo sa'kin." Napahikbipa ako nang sabihin ko sakanila iyon. "Tama na Craig, son umakyat kana sa taas." Sabi ni mommy. Habang pinipigilan si Daddy "Craig son, Please..." Muling sabi ni Mommy. "Sumunod kana kay Mommy, Craig." Sabi ni Ate saka lumapit sa direksyon ni Daddy at nakiawat at pinakalma ito. "Susunod ako sa kwarto ko Craig." Sabi ni Mommy. Pagod na din ako ngayong araw, pakiramdam ko mas lalo lang din ako mapapagod lang din ako lalo. Nagsimula akong maglakad lampas sa kanila na tila walang nagyari. Nadinig ko pa ang boses ni Daddy "Pagsabihan mo 'yang anak mo Marie Jeane, habang lumalaki ay lalong nagiging bastos at walang kwenta." Nanatili ako loob ng kwarto at na natiling nakahiga sa kama. 'Di ko man lang nagawang magpalit ng damit. Pilit na iniisip ang nangyari ngayong araw. Kanina lang ay ayos pa ang lahat. Wala akong masyadong iniisip papasok ng school. Kanina lang ay masaya pa akong nakikipag tawanan sa mga kaibigan ko, at kanina lang umaga nong makita ko si Mike na inantay pa ako sa gate ng school. "Craig?" Dinig ko pa ang pagkatok ni Mommy sa labas. Hindi ako sumagot at saka tumalikod ng pagkakahiga at tinabunan ang sarili ng kumot. Naramdaman ko na lang ang pag-upo ni Mommy sa gilid ng aking kama. Nanatili akong tahimik at nagkunwari na natutulog. Nadinig ko pa ang malalim na pagbuntong hininga nito. "Gusto kong marinig ang boses mo, gusto kong madinig na sa'kin ka nagsusumbong habang nasasaktan ka at sinasabi sa'kin ang mga problema mo." Panimula niya at naramdaman ko ang malambing niyang paghimas sa aking balikat. "Kasalanan ko din kung bakit ka nahihirapan at nasasaktan ngayon, Anak." Umiiyak sya, pinigilan ko ang sarili kong harapin sya at nanatiling nagkukunwari na tulog. Naramdaman ko na lang na umalis ito sa pagkakaupo sa gilid ng aking kama at pagsarado ng pinto. Muli akong humarap sa kisame at nagpahid ng luha. Pagod na din na ako, wala akong malapitan na kahit na isa. Wala na 'yung isang taong kailangan ko na nan dito dapat sa tabi ko. Mabilis akong bumangon saka mabilis na nagpalit ng damit. Hindi ako makatulog. Alam kong pagod ang utak ko at ang katawan ko. Pero heto ako at pinili na namang lumabas ng bahay. Hindi ako makatulog kakaisip. Pinili kong dumaan sa likod ng bahay para walang makapansin sakin at mabilis na inakyat ang mataas na bakod. Nang makaakyat ako ay tumalon naman ako pababa. Kahit mataas ang pagkakagawa ng bakod namin ay hindi naman ako nahirapan makababa doon dahil sanay na din. Dito ako palagi na daan kapag natakas ako sakanila. Nang nakarating ako sa pupuntahan ko ay mabilis akong pumasok sa loob, hindi na ako pinansin nang dalawang Bouncer na nasa gilid ng pinto at hinayaan lang ako makapasok. Ang alam din naman nila ay nasa legal na edad na ako, they didn't know na nasa 17years old palang ako at magdidise-otso sa ikatlong bwan nitong taon. Malapit na din naman. Isa pa sa dahilan kung bat ako nakakapsok dito ay dahil sa taong hinahanap ng dalawa kong mata ngayon. Nang makita ko si Stephan ay agad akong naglakad papalapit dito, bago ako tuluyang makalapit sa kanya ay bumulong muna ito sa dalawang lalaki na katabi nya, dahilan para mapatingin din sa'kin ang mga ito. Sandaling tumingin ang mga ito sa'kin saka umalis sa tabi ni Stephan, nagnakaw pa ng halik yung isa sa labi ni Stephan habang ngumiti lang naman si Stephan dito na parang wala lang sa kanya ang nangyari. Actually mas matanda si Stephan sa'kin, he's already 20 years old. Tinatawag ko naman syang kuya noon, pero ayaw nya nang tinatawag ko syang kuya dahil sa naiinis sya. Mas gusto nya ang Step or Stephan. "Hindi ko na tatanungin kung ba't na mumugto at namamaga pa ang iyong mata ngayon." Sabi nya habang nagsasalin ng alak sa kanyang baso. Naupo ako sa tabi nitong upuan at sumandal. "Gusto mo uminom?" Sabi nya pa saka ipinakita ang hawak nitong baso na sinalinan nya kanina ng alak. "Nasaan ang iba?" Tanong ko nang 'di ko makita ang iba naming kasama madalas dito. "They are all busy." Saka ito sinimsim ang alak. Pagkatapos niya tumikim ng alak ay pinagsalin niya din ako saka itinapat sakin iyon. "Cheers para sa kabobo-han mo." Habang natatawa pa ito. Natawa na lang din ako, saka tumikim sa alak. Isa sa mga dahilan ito kung bakit ayaw nila Dad kay Stephan, tingin nila ay si stephan lahat ng nagturo sakin ng mga ganitong gawain. Natatandaan ko pa kung pano ko sya nakilala. Napaaway ako non noong ako ay high school. Pinagtutulungan ako sa bakanteng lote non halos puro sugat na ako at pasa nong mga araw na iyon, hindi na din ako makalaban sa mga kaaway ko non. Pero dumating si Stephan para tulungan ako. Nasa ganitong edad ko din si Stephan nong makilala ko sya at halos ilang taon na din. "Ano bang pumasok sa kokote mo at bumintis ka?" Natatawa nyang sabi sa'kin bago ilapag ang hawak nyang baso sa kapat naming table. Tumingin ako sakanya "Hindi ko nga sigurado kung sa'kin ang bata." Sabi ko, Natawa lang si Stephan, sandali kaming nagkwentuhan sa nangyari. Puro tango lang ang ginawa nya pero alam ko talaga na nakikinig sya kahit ang mata nya minsan ay sa mga taong dumadaan sa gilid namin at sumasayaw sa gitna. "Hindi ba't si Tristan 'yon?" Nguso pa ni Stephan sa bandang harapan namin. Sinundan agad ng mata ko ang tinuro nito. Alam nito na bago si Mike ay may nagustuhan pa muna akong iba at si isa doon si Tristan. Pero dati ko lang syang gusto noong high school pa ako, hindi na ngayon. Madalas ko din kasi sa kanya ikwento ang mga kalandian ko noon. Kung sino anv mga natitipuhan ko at kung ano ano pa. "Lapitan mo kaya, malay mo makalimutan mo lahat nang nangyari ngayong araw. Kapag sya" Suhestiyon niya habang nakangiti. "Bobo, pano naman nakakalimot ang pakikipag one night stand?" Mas lalo syang natawa. "Ikaw na ang nagsabi. Hindi ka sigurado kung ikaw talaga ang ama ng dinadala nong...." Sandali syang nag isip. "Ano nga ulit pangalan non?" "Tiffany." I said. "Iyon nong tiffany. Dalian mo na, alis na dito." Sabi nya sa'kin habang tinataboy ako nito. Muli akong napatingin sa dalawang taong katabi nito kanina. Hindi naman kasi malayo ang inupuan ng dalawa din. Kanina ko pa din kasi napapansin na panay din ang tingin nila sa direksyon namin. "Ang sabi ko sakanila sandali ka lang uupo dito." "Oo na, aalis na." Sabi ko na lang saka tumayo. "Mag enjoy ka ngayong gabi." Natawa na lang ako habang naglalakad papalayo sa kanya. Dala ko din 'yung baso na sinalinan nya kanina ng alak para sa'kin. Nalampasan ko din 'yung dalawang lalaking katabi nya kanina, papalapit na ang mga ito sa direksyon nya ulit, at sa gitna pa mismo pa ako nila dumaan para bahagya silang maglayo. Pasimple akong naglakad papunta sa katabing upuan ni Tristan, nagkunwari pa akong 'di sya napansin at habang diretso lang ang aking tingin. Nilapag ko ang baso king hawak sa table, kita ko din sa peripheral vision na napatingin sya sa aking direksyon. "Craig?" He called my name. Tumingin ako sa kanyang direksyon at nagkunwari din na nagulat ng makita sya. "Tristan?" Nakangiti kong sabi. "Craig! Ikaw nga." Nang masigurado nyang ako nga ang tinawag nya. Magkaklase kami back in high school. Mas naging gwapo sya ngayon at mas nag matured ang ityura niya kumpara nong high school kami. Kung di ako nagkakamali ay mas matanda sya sa'kin ng isang taon. "Kamusta kana?" Magkasabay pa naming banggit, natawa kami pareho. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa'kin. Gusto ko sana syang sagutin ng ano ba ang ginagawa sa bar, kaya lang wag na lang. Baka mabadtrip lang sya sa'kin at umalis dito. "Wala, nagpapakasaya." Sagot ko. "Ikaw anong ginagawa mo dito? Ngayon lang kita nakita dito." Madalas ako sa bar na ito kaya alam kong ngayon lang sya na padpad dito. "Just to release my stress." Bago itinapat ang alak sa kanyang labi. Mamul-mula ang kaniyang labi. Hindi ko mapigilang titigan siya sandali. "Meron bang problema sa muka ko?" Napatingin ako sa kanya at umiling. Sana 'di nya nahalata na tinititigan ko sya. Nagkunwari akong uminom sa baso ko at tumingin sa paligid. "Saan ka nga pala nag-aaral ngayon?" Tanong niya. "Ignacio Villamor Senior High School... Ikaw?" Wala na din kasi akong naging balita dito noong matapos namin ang high school, isa pa 'di talaga kami close na close, nag-uusap lang kami paminsan noon. "Adamson." Nagkwentuhan pa kami nang nagkwentuhan kung ano ang mga madalas namin pagkaabalahan. Hanggang sa mapatingin na lang ulit ako sa direksyon ni Stephan. Nakikipaghalikan na ito na dalawang lalaki, wala silang paki kung nakikita sila ng ibang tao. Muli akong tumingin sa direksyon ni Tristan, na nakatingin na din ngayon sa direksyon na tinitignan ko kanina. Napangiti na lang ako dito, at pinukaw ang buo kong atensyon sa basong hawak ko, diretyo kong ininom iyon at bahagya pang napangiwi sa tapang ng alak. Nagulat na lang ako nang muli ko sanang ibabalik ang tingin ko kay Tristan nang sya namang sunggab nito ng halik sa'kin. Sandali akong 'di nakapag-react dito. Kusa kong binuka ang labi ko nong maramdaman nitong sibusubukan nyang ipasok ang dila nya sa aking bibig. Halos dalawang minuto nya akong hinalikan bago hiningal na pinakawalan ang labi ko. "Wala naman pinag kaiba." He said matapos nya akong halikan. Straight si Tristan, alam ko 'yon. Pero nakakagulat lang ng halikan nya ako. Alam nya din na minsan akong nagkagusto sa kanya at alam nya din kung ano ako. Tahimik lang ako at nagkunwari na parang wala lang ang nangyari. Inilibot ko ang aking paningin para mapukaw sa ibang atensyon. Wala pang ilang minuto ng may babaeng papalapit sa amin. Habang masamang nakatingin ito direksyon namin. Sa direksyon ni mismo ni Tristan ito dumiretso at saka ito nag ingay. "Halos libutin ko na ang buong bar ng maynila. Dito lang pala kita makikita." Galit na galit na sabi nito kay Tristan. Nagulat naman si Tristan dito saka tumingin sa paligid, nahihiya siguro sya dahil sa natigil ang ibang nagsasayaw habang napapatingin sa direksyon nila. "Nasaan ang babae mo dito huh? Nasaan ang kabit mo dito huh?" Sabi pa nito. Pinigilan naman agad ito ni Tristan sa iskandalong ginagawa nito. Kung sinabi sana nong babae na kung sino ang bakla nya dito o kalandian nya dito. Baka nagtaas pa ako ng kamay. "Bea! Tumigil kanga, wala akong babae nakikita mo ba?" Pagalit na sabi din ni Tristan dito. Sandaling tumingin sa'kin ang tinawag ni Tristan na Bea. "Kaya ayoko nagsasama ka sa mga tropa mo, eh. Maslalo kang nagiging gago at manloloko." Hasik nong Bea kay Tristan. Is she accusing na kaya nagkakaganyan ang boyfriend nya ay dahil nagsasama ito sa mga kaibigan nyang loko-loko? Panong ako eh ngayon ko na lang ulit nakita ang boyfriend nya. Maganda naman 'yung babae, kaya siguro naging girlfriend ito ni Tristan. Kaya lang sa boses palang nito, para itong palengkera. Bago pa tuluyang mag-iskandalo ang girlfriend ni Tristan dito ay hinatak nya na ito papalabas ng bar. _________________________________________

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAYAW

read
82.0K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
53.3K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook