Naglakad ako pabalik sa aking kinauupuan matapos kong masagot ang isang problem na pinasagot sa'kin ni Ma'am Dessiry. General statstic ang subject namin ngayon. Ilang minuto na lang at matatapos na din naman ang klase na ito.
Patapos na ang second quarter nitong bwan. Bukas na ang test namin bago matapos ang buong sem. May isang linggo kaming bakasyon pagkatapos ng test.
"Excited na akong matapos ang linggo na 'to."
Dinig kong sabi ni James sa tabi. Nag-uusap sila ni Nicole habang nagdidiscuss si Ma'am Dessiry sa harapan. Natigil lang silang dalawa ng mapansin na sila ni Ma'am agad naman silang natahimik.
"Goodbye class." Paalam ni Ma'am ng matapos na ang klase nito samin. "Goodluck sa test niyo bukas...Magreview." Paalala nya samin bago sya tuluyang lumabas ng room.
Muli namang nagkaingay ang loob ng classroom. Para na namang silang nakawala sa hawla sa tuwing walang guro sa loob ng classroom.
"Tara sa canteen?"
Hindi ko na tinapunan ng tingin si Scralet isa sa mga kaibigan ko at nag ayos ng gamit. Sabi ko dito ay susunod na lang ako dahil kailangan ko pang ipasa sa isa sa mga subject namin ang ginawa kong project.
Actually matagal na ang deadline nito. Pero dahil mas inuuna ko ang pagbubulakbol ay huli na naman akong nagpasa. Kinausap naman ako ng Teacher ko tungkol dito she said na 80 points na lang ang kaya nya ibiay sa project ko once na magpasa ako. Hindi katulad ng iba kong mga kaklase na on time kung magpasa.
Kahit naman gaano ako kabulakbol ay hindi ko naman nakakalimutan ang pag-aaral ko. Lalo pa at masyado akong minamata ng nagpapaaral sa'kin. They wanted na lahat ay magaling dapat maayos.
Nang maihatid ko na ang kailangan ko ay nagsimula akong maglakad mula dito sa third floor nitong building. Medyo malayo ang canteen dahil nasa baging humms department iyon pang apat na building.
Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang makasalubong ko si Mike, nagtutitipa siya sa kanyang cellphone mukang busy ito kaya 'di niya rin siguro na pansin ang presensya ko.
It's almost 1 week noong iwan nya ako sa taas ng rooftop noon. Hindi ko naman agad na pansin na napatigil ako sa paglalakad at napatingin na lang sa kanya ngayon.
Napansin nya ata na may nakatingin sa kanya kaya napatigil din siya at napatingin sa direksyon ko. Bahagya pang nagulat ito at muli namang naging seryoso din ang mga tingin niya sa'kin saka binulsa ang hawak nyang cellphone.
Medyo tumagal ang pagkakatitig ko sa kanya. Bago ko na pansin na muli itong naglakad at lampasan ako. Sinadya pa nitong banggain ang balikat ko kahit maluwag naman ang daanan.
Bumagsak na lang ang balikat ko, may kumukurot sa dibdib ko. Alam kong nasasaktan pa din ako sa sinapit naming dalawa.
"Craig Lui Guererro!"
Akala ko ay tuluyan nya na akong lalampasan pero tinawag nya ang buo kong pangalan. May diin ang pagkakabanggit nya dito.
"You are the most useless person I'v ever met."
Tuluyang kumirot ang dibdib ko sa pagkakataon na 'yon ay parang sinasakal ako. Narinig ko na lang na tuluyan itong umalis habang iniwan nya akong nakatulala.
"Ang tagal mo naman dumating. Magpapasa ka lang parang nilibot mo pa ang buong campus." Dinig kong sabi ni James.
Nagkukwentuhan sila habang si Scarlet naman ay may binasa sa kanyang Lecture note.
"Saan kayo magbabakasyon?" Tanong ni Nicole. Nakabusangot sya ng itanong saamin iyon.
Naunang sumagot si James "Sa bataan kami, uuwi kami don kasi saktong birthday ng Lola... And to celebrate our family reunion."
"Kami sa bahay lang, kaya napakaboring. Ayokong manatili sa bahay kasama ang mga kapatid ko." Maarteng sabi ni Nicole.
"Ganon din naman sa'kin... Sa bahay lang." Simpleng sagot ni Scarlet habang hindi inaalis ang tingin nito sa reviewer nya. Kumuha din ito sa kinakain ni James pero hinampas ni James ang kamay nito.
"Kanina inaaya ka na bumili ngayon kukuha ka dito." Madamot na sabi ni James parehong nag-irapan ang dalawa.
"Craig, ikaw kayo ng family mo?"
Umiling lang ako sa tanong ni Nicole at itinuon sa labas ng bintana ang tingin ko. Alam nilang 'di ako close sa family ko dahil sa madalas din naman ako magsabi sa kanila. Mas tinuring ko pa silang pamilya.
Kalahating araw na lang din naman at matatapos na ang araw ko sa school na 'to.
Naghiwa-hiwalay kami ni Scarlet matapos ang buong hapon na klase.
Naglalakad ako ngayon sa gilid ng Manila Baywalk. Maraming tao ngayon dahil uwian na naman, may nagpeperform sa gilid may mga istudyante din na mukang nagpapractice ng sayaw.
Naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko bago maisipan na bumili na lang muna, lumapit ako sa nagtitinda sa gilid ng fishball, at saka tumusok doon.
Nang matapos ako bumili ay naupo ako sa gilid muna at pinagmasdan ang mga taong dumadaan sa harapan ko. Ganon din ang araw na papalubog na.
"Mag-isa ka ngayon?"
Napatingin ako kay Stephan na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. Nakarubber shoes, nike short at sandalo lang siya ngayon. Nay nakakabit din ang kaliwang eraphone sa tenga niya.
"Pahingi nga ako ng kinakain mo." Sabi nya pa at kinuha ang hawak kong disposable na baso na may lamang fishball at kikiam.
Hinayaan ko naman syang maupo sa tabi ko at umusog pa ako ng kaunti.
"Saan na ngayon ang punta mo?"
"Pauwi na sana, nakita naman kitang nakaupo dito." Habang ngumunguya pa ito sa pagkain ko kanina.
"Bakit naman naisip mo na magjogging at talagang hapon pa?" Hindi nya naman kasi ginagawa ito.
"Wala lang, wala din kasi akong ginagawa kanina. Para din makapaglibot." Sagot nya. "Ikaw anong ginagawa mo dito?"
"Naisip ko lang tumambay ngayon."
"At talagang dito pa ah?"
Muli kong pinagmasdan ang araw ilang segundo na lang at tuluyan na itong lulubog. Marami ang mga taong nakatingin dito.
"Nakita ko kanina si Mike." Sabi ko na lang nang tuluyang lumubog ang araw. Napatingin naman sa'kin si Stephan.
"Oh? Anong ginawa mo?" Tanong niya.
Umiling ako at naisip ang nangyari kanina. Muling kumirot ang dibdib ko. Mag-iisang taon na sana kami next month, pero ito naman ang nangyari. Ang pangit lang ng break up namin.
Naisip ko naman na dadating din ang araw na maghihiwalay kami. Pero 'di ko naisip na sa ganitong paraan. Ang sabi ko pa sa sarili ko kapag naghiwalay kami ang gusto ko ay ako ang makikipa-hiwalay.
"Sinabihan nya ako daw ang pinaka walang kwenta na nakilala nya." Pagkukwento ko dito.
Napailing na lang sya at saka malalim na huminga.
"Ikaw din naman kasi bubuntis-butusin mo si Tiffany, ano ka ngayon?"
Speaking of Tiffany, may isang linggo na din itong hindi na pasok. Ang balita ko ay naghohome schooling na lang daw ito. Hindi ko na din ito nakikita.
"Ano iiwasan mo na lang ba ang problema mo?" Tanong pa sa'kin ni Stephan.
Tumingin ako sa kanya "Wala naman akong sinabi na tinatakbuhan ko si Tiffany."
"Anong ginagawa mo? Anong tawag mo dyan iniiwasan mo lang?"
"Hindi.... Hindi palang ako handa, natatakot din ako. Hindi din ako sigurado kung akin ba talaga 'yon"
Ewan ko ba pero kinakabahan ako kapag naiisip ko na ako nga talaga ang ama ng dinadala ni Tiffany kung sakali na totoo nga ito.
"Pano mo malalaman ang totoo kung sayo nga ba talaga 'yon, kung iiwasan mo?"
Hindi ako nakapag salita at nag-iwas nang tingin. Muli kong tinignan ang paligid. Nakabukas na ang mga ilaw sa poste.
Kilala ako ni Stephan, kapag 'di ko kaya ang isang bagay ay madalas tinatakasan ko na lang ito. Katulad ng hinaharap ko ngayon sa pamilya ko. Mas pinipili kong lumayo at sumama na lang sa mga kaibigan ko.
"Puntahan mo si Tiffany.... Kailangan ka nya." Sabi nya saka tuluyang tumayo. "Itapon mo 'to, kalat mo 'yan 'di ba." Sabay abot ng kinakain ko kanina na ngayon ay wala ng laman.
Umalis na ito at iniwan ako mag-isa, sandali akong nag-isip.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na ngayon ay nakasakay sa isang bus, bumaba ako sa tapat ng isang subdivision. Madali lang din naman akong nakapasok agad dahil sa kilala na din ako ng guard na nagbabantay sa archo.
Madalas kami sa bahay nila Tiffany, pinapayagan kasi sya ng mga magulang nya na magdala ng mga kaibigan nya sa bahay nila.
Nang malapit na ako sa bahay nila saka naman ako nakaramdam ng kaba na 'wag na lang tumuloy. 'Di pa talaga akong handa na harapin ang mga magulang ni Tiffany at lalo na sya.
Nakatayo lang ako sa malapit sa kanilang bahay habang nakatingin dito. Nasa gilid din ako ng halamanan.
Akmang aalis na sana ako ng matanaw ko ang isang pigura ng isang tanaw hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Mas malapit ito sa bahay nila Tiffany nakatayo habang nakatanaw. At mukang may inaantay ito doon.
Mike?
Bakit sya nan dito? Ang tumatakbo ngayon sa utak ko habang tinititigan ang direksyon nito. Mas lalo pa akong napagilid ng matanaw ko na nagbukas sandali ang gate nila Tiffany.
Lalapit na sana si Mike papunta sa direksyon ni Tiffany na kakalabas lang din ng gate nila, pero agad na sumenyas si Tiffany dito na tumigil. Si Tiffany mismo ang lumapit sa kanya.
Umiiyak si Tiffany nang lumapit kay Mike, niyakap naman ito ni Mike. Halo halo ngayon ang aking nararamdaman habang nakatingin sa kanila ngayong dalawa.
Pero mas nanaig sa'kin ang kuryusidad kung bakit na rito si Mike at bakit pinupuntahan nito si Tiffany.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanilang direksyon, dahil sa busy ang dalawa sa pag-uusap ay hindi nila siguro ako na pansin.
"How is Victor?"
Dinig kong boses ni Tiffany. Kilala ko ang Victor na tinutukoy nya, si Victor 'yung ampon ng Tita Belinda nya at ngayon ay nag-aaral din sa kapareho kong school, Humms student ito at nakasama ko na din minsan sa inuman. Nong gabi na magising akong nakayakap kay Tiffany.
"He's fine, nan don pa din sya sa bahay... Tingin ko wala na syang balak bumalik sa bahay ni Tita Belinda mo..."
Bahagyang nan laki ang mata ko at napalunok. Si Victor, kababata din nila Tiffany iyon at ni Mike. Kung hindi ako nagkakamali alam kong nagkakagusto si Mike kay Victor. Pero natatakot syang aminin dahil sa baka masira ang pagkakaibigan nila.
Nanatili akong nakikinig sa kanila at mas piniling 'wag muna magsalitabat pakinggan sila.
"Natatakot siguro sya na malaman ni Tita Belinda ang katotohanan." Dugtong nya pa.
"Mas mabuti na din 'yon, kesa palayasin sya ni Tita Belinda, hindi matutuwa ang pamilya namin kapag nalaman nila na si Victor talaga ang nakabuntis sa'kin at hindi si Craig... Pareho kaming malalagot kung magkataon."
Para akong mauubusan ng hininga nang marinig ko iyon. Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan at parang napako. Nanatili ang mata ko sa kanila habang nanlalaki.
"Pero nakokonsensya ako kay Craig." Si Tiffany.
"Huwag mong isipin 'yan, ang mahalaga ayos ka ngayon at si Victor, mas magiging panatag tayo kung tatlo lang tayo ang nakakaalam."
Naiintindihan ko na kung bakit. Kung bakit nya ako iniwan at kung bakit pinili nila na ako pa ang sirain.
Muling yumakap si Tiffany kay Mike, at nagpasalamat pa habang umiiyak ito.
Napatigil si Tiffany sa pag-iyak ng mapatingin ito sa direksyon ko. Kanina pa ako nakatayo sa likod ni Mike pero may distansya. Mabilis itong napaayos ng tayo.
"C-Craig?" Nangingig ang boses nito ng banggitin nya ang pangalan ko, napatingin din si Mike sa direksyon ko.
Napalingon din si Mike sa direksyon ko habang may gulat ang ekspresyon ng muka nito.
"K-kanina ka pa dyan?" Sabi ni Mike, akmang lalapit ito sa'kin ng umiling ako dito habang tinaas ang isang kamay habang pinipigilan ito.
"Craig magpapaliwanag ako." Sabi muli nito.
"Ano pa ang ipapaliwanag mo? Narinig ko na."
Natahimik ito at muling tinignan si Tiffany, muli niyang binalik ang tingin niya sa'kin.
"I didn't do anything wrong with you, Mike."
Madiin ang pagkakasabi ko non para maramdaman din niya ang galit na namumuo sa'kin ngayon.
"Really? Tiffany?.... Hindi ko pa din alam kung paanong nagawa niyo sa'kin to ni Mike? Tinuring ko kayong kaibigan." Hinabol ko ang paghinga ko. "Lalo kana, Mike."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis na sinuntok si Mike sa muka, napatakip naman si Tiffany ng muka at napasigaw pa ito ng makita niyang natumba si Mike.
"Maging maayos lang kayo, nagawa nyong sirain ang buhay ko? Nagawa nyong gagu-hin ako?" Bulyaw ko sa mga ito.
"Craig... Please 'wag dito. Maawa ka kay Tiff-"
Hindi na natapos ni Mike ang sa sabihin nya ng muli ko syang suntukin sa muka. Mabilis ang pinigilan ni Tiffany at tinabihan si Mike.
Wala pang ilang minuto ay lumabas na ang mga magulang ni Tiffany, I didn't bother myself to look at them at itinuon lang ang tingin sa dalawang taong nasa harapan ko.
"Wala kang maloloko dito, pareho nating alam na hindi talaga si Tiffany ang gusto mo protektahan si... Victor ang gusto mo protektahan."
Kita kong nag-igting ang panga nito, sobrang sakit na kaya nyang sirain ang buhay ko 'wag lang ang taong totoong gusto nya.
"Anong nangyayari dito?" Ang Daddy ni Tiffany.
"Please Craig..." Nagmamakaawa ang tingin ni Tiffany sa'kin. Pero wala na akong pakielam sa kanila.
"Bakit Tiffany? Natatakot ka bang malaman nila?" Tumingin ako sandali sa mga magulang ni Tiffany sandali at binalik ang tingin sa kanya.
Umiiling ito sa'kin habang pilit na nagmamakaawa. Natuon ang tingin ng mga magulang ni Tiffany sa kanya.
Tumalikod na ako saka nagsimulang humakbang habang puno nang galit...
Nakaupo ako ngayon sa harap ni Stephan habang nakatulala. Hindi ko piniling dumiretso ng bahay dahil alam ko naman ang mangyayari once na makita ako nila Mommy ng ganito.
Kaya mas minabuti ko na dumiretso na lang sa bahay ni Stephan. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Balak nya pa sanang sumugod sa bahay nila Mike para turuan daw ito ng leksyon. Pero pinigilan ko ito at sinabi sa kanyang tapos na.
"Anong balak mo ngayon?"
Sumimsim ako sa iniinom ko.
Hindi din naman ako nagtagal sa kanila at umalis na din, dahil sa may kailangan din sya gawin. Sinundo lang ako ni James, nakamutor ito at hinatid ako papuntang bahay.
Nang matapat kami sa subdivision namin ay doon na lang mismo nagpababa sa mismong gate sa archo at bumaba na.
Alam kong maraming tanong ang gusto nya sabihin sa'kin, pero mas pinili nyang manahimik na lang muna.
"Mag-iingat ka, salamat." Paalam ko sa kanya. Tumango sya sa'kin at ngumiti.
"Magiging ayos din ang lahat."
Pinagmasdan ko muna ang mutor nitong papalayo na ngayon sa subdivision, bago magsimulang maglakad.
Nangyari na ang nangyari. Sabi ko na lang sa aking utak habang bagsak ang aking balikat na naglalakad ngayon.
Malapit na ako sa bahay ng mapansin ang nakaparadang kotse sa harapan ng bahay. Nagtaka ako dahil ngayon ko lang nakita ang kotse na iyon at iba ang ginagamit na kotse ni Dad kapag pumapasok ito sa opisina niya.
Isa pa ay masyado ng gabi, kaya papaanong magkakaroon ng bisita sa bahay, magaalas dose na ng gabi. Walang Hatchbacks na kotse si Dad.
Hindi ko na lang pinansin ang kotseng nakaparada sa labas ng bahay at tumuloy na sa pagpasok ng bahay.
Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin ang mga maletang nakatapat malapit sa hagdan.
"Buti naman at nan dito nakauwi kana."
Mabilis akong napatigil at napatingin sa direksyon nila Dad na ngayon ay nakaupo sa sofa, tila nag aantay ang mga ito.
Ang nakakapagtaka lang ay hindi lang sina Mommy ang nag-aantay sa'kin.
"Kanina ka pa inaantay ng Lolo mo, 'di mo man lang ba sya babatiin?" Sabi pa ni Dad.
Napatingin ako sa katabi ni Dad. Niminsan ay hindi ko pa nakita ang Papa ni Daddy, puro sa larawan lang nilang pamilya at ni minsan ay 'di pa ako nakapunta sa lugar nila.
Maputi ang buhok nito na halos ilang hibla na lanng din ang meron. Nakasalamin din ito at nakapormal na damit.
"Hindi ko na tatanungin kung bakit ka ginabi ng uwi dahil sanay naman na ako sayo at alam ko na din naman ang dahilan mo." Sabi ni Dad.
Nanatiling nakatingin lang ako sa kanila at mas piniling 'wag magbigay ng reaction.
"Nagpunta ang pamilya nila Tiffany dito at humingi ng tawad sa nagawa ng kanilang anak." Si mommy saka ngumiti sa'kin.
"N-Nagpunta sila dito?" Pag-uulit ko.
"Yes, they told what happened." Kalmadong sabi ni Mommy.
"Sapat na ang mga nalaman namin, you are being too much, Craig Lui."
Muling na baling ang tingin ko kay Dad.
"Ngayong gabi ay.....sasama kana kina Dad," Nanlaki ang mata ko dito at mabilis na nagsalubong ang aking kilay. "Pauwi ng probinsya."
Napatingin ako sa mga maletang nakita ko kanina
"W-What?..." Nagkuyom ang kamao ko. "No, I will not go with them."
"Disisyon ko to at ako ang masusunod.... Anak lang kita Craig." Madiin na sabi ni Dad.
Napatitig na lang ako sa kanya, mas naramdaman ko ang pagod ng katawan ko. He's my Father and whatever his decision sya ang masusunod and I can't do anything para tutulan sya.
"Tope! Isakay mo na sa kotse ang mga gamit ng apo ko." Nakangiting sabi ng Papa ni Dad habang nakatingin sa'kin ito.
Kumpara kay Dad ay mas muka naman itong mabait.
Nadako ang tingin ko sa tinawag nitong Tope na nakatayo kanina sa gilid ng Sofa kanina.
Napakurap pa ako ng magtama ang mata namin noong Tope. Malinis ang pagkakahawi ng huhok ng lalaki na iyon, kayumanggi din ang kulay ng kanyang balat.
Nang matapat ito sa'kin ay saka ko lang na pansin na mas matangkad ito ng konti sa'kin, wala ka ding mapapansin na ano mang reaksyon sa muka nito at seryoso lang na nakatingin sa'kin,
Nilampasan lang ako nito at kinuha ang mga maletang tinuro sa kanya.
___________________________________________________