Nakacross arm lang ako habang nakatingin dito sa labas ng bintana nitong classroom. Nabaling lang ang atensyon ko kay James ng magsalita sya.
"You know what, Craig. We can still see each other naman after ng school year o kaya sa mga bakasyon try mo dalawin kami dito. After all dito ka pa naman din nakatira."
Last day na nang exam namin, dalawang araw na ang lumipas nang makita ko ang Lolo ko, they give me a chance na matapos muna ang exam namin, kaya hindi natuloy ang pagalis ko nong gabi na yon.
"Yes, tama naman si James. Dalawin mo kami dito." Singit ni Scarlet habang sinisimot nito 'yung sandok ng hawak nyang Ice cream.
Alam na din naman nila ang nangyari kasi sinabi ko na din naman sa kanila at nakwento.
Pagkatapos ng exam namin mamaya ay aalis na ako. Atleast they give a chance na makapag paalam sa mga friends ko, matatagalan nga lang bago kami muli magkita-kita.
"You know what, bago ka umalis dumiretso muna tayo sa madalas natin puntahan. Magcelebrate tayo." Sabi ni Nicole.
"Tapos na din naman ang Exam, we should have small party."
Kinahapunan after ng exam ay dumiretso kami sa madalas namin pagtambayan. Since I was in High school ay kilala ko na sila, magkakaiba man ang aming section ay kilala ko na sila.
"Cheers!!!!" Sabay taas ni James sa kanyang baso, ganon din ang ginawa namin at pinag untog ang mga baso naming mga hawak.
"Syempre hindi mabubuo ang kasiyahan na ito ng wala ang iba nating mga kaklase at kaibigan" Scarlet shouted, bago ito tumapat sa pinto binuksan iyon para papasukin ang mga taong nasa labas.
Napakunot ang nuo ko sandali bago nakita ang mga inimbitahan nila at natawa 'yung iba ay mga old classmate namin.
"Hindi pwedeng hindi tayo masaya ngayon, Craig. Sandali kana lang namin makakasama." Sabi ni Nicole, niyakap ako nito. "Mamimiss kita, wag mo ko kakalimutan huh?"
Pabiro ko naman itong binatukan habang nakayakap sya sa'kin. Mamimiss ko ang mga ganitong ganap namin.
"Hindi naman talaga."
"Pinuntahan mo ba si Mike? Did you tell him?" Tanong pa nito.
Umiling ako. "Para saan pa?"
"Bobo ka din Nicole ano? They are not okay, hindi maganda ang break up nila. Then you ask your stupid question?" Si James.
Natawa na lang ako dito, kahit kelan talaga ay may pagkamataray itong si James.
May mga bumabati samin at tumatango naman ako sa mga iyon, nakikipagkwentuhan din at nakikipagtawanan. Parang mas nahirapan tuloy ako umalis.
Tumingin ako sa cellphone ko at muling minessage si Stephan. Sya na lang din kasi ang wala dito.
"Hindi ba si Felix 'yon?" Tanong ni Scarlet habang nginunguso ang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa aming pwesto.
Sinundan naman namin ng tingin 'yung tinuro nya.
"Sino nag-imbita sa kanya." I asked.
Alam nilang nagkaroon ng something samin nitong si Felix, pero hindi din nagtagal dahil ghinost ko ito after namin ni Mike magkalapit sa isa't isa.
"Me, I invite him." Sagot ni Timothy na nasa tabi lang pala namin. Nakipag kamay siya samin. He's my close friend also, kaya lang ay humms Smaw ang kinuha nya.
"Talaga lang Timothy huh? Ba't ngayon ka lang? Kanina pa ako nagtetext sayo pero wala ka man lang reply ni isa." Inis na sabi ni Nicole dito.
"Sorry naman, may dinaanan pa."
Naupo kami sa isang mahabang sofa at sa harap ay isang table. Kakaupo palang namin ng makita ko si Felix na papalapit na sa aming pwesto habang ngiting-ngiti ito.
He greeted us, bago na upo sa sofa saktong madyo maluwag din sa pwesto kaya dito sya sa tabi ko na naupo.
"Hi." Napatingin ako kay Felix nang madinig ang boses nya. Nagkukwentuhan din kasi ang mga katabi namin sa sofa. I didn't greet him back but I just smiled at him.
"How are you? Its been a long time since the last time we talk right?" Kaswal na tanong niya.
Meron ding akward kahit papano, naalala ko kasi 'yung bigla na lang wala akong paramdam sa kanya. Tapos mi-nuted ko pa sya sa messenger nong time na 'yon.
"I'm fine... You?"
"Ayos lang din. Nahuli ako kanina ni Ma'am Dhang na nangongodigo kanina." Pagkukwento nya habang natatawa kanina.
"Ah talagang parang proud ka pa."
"Hindi natawa lang ako kasi akala ko 'di na niya ako papakuhanin ng test."
Sandali pa kaming nagkwentuhan bago natagpuan angs sarili ko na hinahalikan sya. Wala na pala ang mga katabi din namin.
"S-stop..." Bahagya ko syang tinulak at kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa. Kanina ko pa kasi nararamdaman na nagriring ang cellphone ko pero hindi ko lang pinapansin.
Saktong pagbunot ko ng cellphone ko ay namatay ang tawag. Agad akong tumayo ng mabasa din ang mga text ng ate at ni mommy, tinignan ko din ang oras.
Mag-aalas nuwebe na ng gabi.
"Where are you going?" Dinig ko pang sabi ni Felix habang inaayos muli nito bahagya nyang nagusot na Polo.
Hindi ko sya pinansin at dumiretso kina James na nakikipagtawanan.
Nagpaalam ako sakanila at yumakap sandali bago tuluyang lumabas. Nakita ko pa si Stephan na papasok palang nagpaalam ako dito at mabilis na umuwi ng bahay.
Hindi na ako nagtaka nong makitang nasa labas sina Mommy habang nag aantay ang mga ito sa labas.
"Son, where have you been?" Si Mommy. Hindi naman ako sumagot at nakatingin lang sa kanila.
"Magpabango ka nga, amoy alak ka na naman Craig. Nakakahiya kina Dad." Dinig kong bulong ni Dad. Hindi ko sya pinansin.
"Nakapagpaalam ka ba ng maayos sa mga kaibigan mo?" Tanong ni Lolo habang nakangiti sa'kin ito.
Nagmano ako sandali sa kanya. "Yes."
"Halikana? Anong oras na din....at kanina pa kami nag aantay sayo dito." Nagpaalam ito kina Mommy at sandaling yumakap sina Daddy dito.
"Magpapakabait ka don, Craig. Son ' wag mong bibigyan ng sa'kit ulo ang Lolo mo." Hinaplos ni Mommy ang ulo ko saka ako yumakap. Hindi ako yumakap at hinayaan lang sya.
Sumakay na si Lolo sa back seat at nagsimulang paandarin ang makina nitong kotse. Sandali lang ako nakatayo sa labas at habang tinititigan ang kotse.
Hindi ko gustong umalis.
"Come on, Craig." Tawag muli sa'kin ni Lolo.
"Magpapakabait ka don, Craig." Kita ko na bahagyang na mugto ang mata ni Mommy.
Sumakay na ako ng kotse sa back seat, tumingin ako sa labas. Hindi ako nagsalita at habang nakatingin lang ng diretso, haggang sa tumaas na lang ang bintana ng kotse.
I didn't even say goodbye to them, hindi ko din sinubukan tumingin sakanila ng magsimula nang umandar ang kotse.
Nagbasa ako ng mga messages nila James sa'kin, tinanong pa nila kung nakaalis na ako. Nagreply na lang ako sandali sa kanila.
"Bilisan na natin, mahuhuli na tayo sa flight. Tope." Sabi ni Lolo.
Napatingin naman ako sa harapan at muling nakita 'yung kasama ni Lolo nong pumunta sya dito noon. He is now wearing a hodie jacket habang diretsong nakatingin sa daan.
Nakarating naman agad kami sa airport, hindi kami matatagalan sa byahe at makakarating kagad don sa probinsya nila.
"Do you want to drink coffee sir?"
Napatingin naman ako sa flight attendant na nasa gilid ko, saka umalis. Umiling ako. "No, thanks." I said.
Bumaling naman sa katabi ko ang flight attendant at binigyan ito.
"Nagkakape ka?" Tanong ko sa katabi ko. He didn't answer and even look at me.
Attitude? Alam ko naman na dinig niya ang tanong ko dahil 'di naman ako malayo sa kanya.
"What is your name again?" Tanong ko muli sa kanya. "...Tope right?"
Pero 'di niya pa din ako tinignan. May pinapanood ito sa kanyang cellphone.
"Tope... Can you give me that book?" Turo ko don sa hawak ng kabila nyang kamay na libro.
Para sa engineering ang libro na hawak nang kabila nyang kamay.
"Hindi pwede." Tumigil sya sandali sa kanyang pinapanood at tumingin sa'kin.
He had a dark eye, makapal at itim na itim ang kilay niya ganon din sa kanyang pilikmata na makapal. He had also small red lips.
Muli nyang binaling ang tingin nya sa kanyang pinapanood.
"You are working to my lolo right?"
Hindi na naman sya sumagot.
"To inform you lang ano, apo ako ng pinagsisilbihan mo." Sabi ko pa muli.
Sandali naman syang napatigil at bored na tumingin sa akin.
"Tsk..." Padabog niya sa'kin na binigay ang libro. Ngumiti lang ako sa kanya ng nahagya saka umirap.
Binaling ko na ang atensyon ko sa libro na hawak ko. Tips iyon para sa mga gustong mag engineering. Sinimulan kong basahin ang libro na hawak ko.
Hindi ko naman na malayan na nakarating na pala kami sa aming distinasyon. Hinayaan ko lang ang Tope na tinutukoy ni Lolo na magdala ng mga maleta ko.
"Craig! Pwede mo ba tulungan si Tope magdala ng mga maleta mo?"
Napatigil naman ako sa pagtitipa ng aking cellphone bago napatingin kay Lolo, papalabas kami ngayon ng airport.
"I think kaya nya naman mag-isa." Sabi ko ng mapatingin ako don sa Tope.
Naglakad na ulit ako. Kaya nga sya nagdala ng alalay para tulungan kami tapos papatulungan nya ako don sa trabaho non. 'No way'
"Did you already told them, nakarating na tayo Tope?"
"Opo, sinabi ko na po. Ang sabi ni Kuya po ay nakaputing Van daw po sila." Sagot naman nong Tope kay Lolo. Kinalikot nya din sandali ang cellphone nya.
May tinatawagan sya habang lumilinga-linga sa paligid.
"Can you make it faster. Nangangalay na ang binti ko." Sabi ko at pumadyak pa sandali. Luminga-linga din ako sa paligid. Nakita ko pa sa peripheral vision ko na napatingin sila Lolo sa'kin.
"Ayon po sila,"
Napatingin din ako sa tinuro ng Tope. Hinayaan ko munang mauna sina Lolo bago sumunod sa kanila.
Sumakay agad si Lolo at sumunod naman agad ako dito, hinayaan ko yung Tope na sya mismo ang magtabi ng mga maleta ko.
"Pwede bang magmadali na tayo makauwi. Nakakapagod ang araw na ito." Sabi ni Lolo at pinahinga ang ulo nya sa sandalan, pinikit din nya ang kanyang mga mata.
Anong oras na din at halos alas-tres na ng madaling araw. Kahit ako ay pagod na isinandal ko din ang aking ulo at pumikit.
Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa aking balikat kaya dahan-dahan akong napamulat.
"Anong oras na" Tanong ko.
"5:45." Tipid na sagot nong Tope bago umalis at magsimulang maglakad.
Papasikat na din ang araw nang ilibot ko ang paningin ko. Ang ingay din ng mga manok sa palagid.
Nagsimula akong lumabas at sumalubong sa'kin ang marahang paghampas ng hangin sa aking muka. Tinignan ko ang tinatahak ngayon nila Lolo.
May malaking bahay ngayon sa aking tapat, kung titignan ay masyadong malaki itong bahay na ito kumpara sa bahay namin sa Maynila.
"Where will be my room here?" Tanong ko ng makapasok kami sa loob. Tinignan ko din agad ang mga kadalasan na furnitures sa sala.
May mga photo frames na nakasabit sa pader, habang sa bandang center ay may bilog na glass table at sa gilid nito ay paikot na sofa. The house is elegant lalo na pala sa loob, meron din na may kalakihang chandilier sa taas.
"Bago ka ihatid sa magiging kwarto mo ni Tope, I just want to discuss something apo ko."
Napatingin agad ako kay Lolo.
"What is it?"
"Mga alituntunin ko dito sa aking pamamahay..." Nag-iba ang tono nito at tila naging isang strikto. "Una ayoko ng naghahari-harian sasarili kong pamamahay a side sa'kin. This is my house and my rules "
"Ayoko na uutusan mo ang mga kasama natin dito sa bahay. Kompleto ka, wala kang pwedeng gawing katulong dito." He said.
Napalunok ako at nagtatakang tumingin.
"Ikalawa, you should know your limits." While looking directly sa aking mga mata. "Bukod sa'kin ay wala nang pwedeng maging amo dito."
"Tope, tawagin mo si Craig sa pangalan nya not sir.... Naiintindihan mo?" Tumingin siya kay Tope. "Kayo lahat, hindi niyo sya tatawagin na sir o kahit ano. Craig ang itawag nyo sa kanya."
Tahimik lang ako habang nakatingin sa Daddy ni Dad.
"Really? Apo mo ko" Di ako makapaniwala.
"Yes, apo lang kita at dinala ka dito ni Dad mo dahil sa ugali mo. Ang trabaho ko ay disiplinahin ka.... I will not tolerate that kind of attitude."
Akala ko he's nice pero hindi pala.
"Tope ihatid mo na sya sa kwarto nya. Magpapahinga na ako." Tumalikod na sya samin at umakyat na sa hagdan.
Hindi din naman nagsalita 'yung tope at naglakad na din.
"Wait 'yung maleta ko, 'di mo ba kukuhanin?" Tanong ko dito.
Tumigil sya sa paglalakad saka humarap sa'kin. He smiled at me.
"Hindi ikaw ang amo dito." Sabi nito saka muling naglakad.
Naiwan akong nakanga-nga habang tinitignan sya. 'Yung ibang mga kasama din namin sa bahay ay umalis na rin habang 'yung iba ay bumubulong pa.
Binuhat ko paakyat ang mga gamit ko at sinundan siya.
Tumigil sa isang pinto at binuksan iyon.
"Dito ang magiging kwarto mo." Turo nya sa katapat nyang pinto. Naglakad na sya at nilampasan ako.
Pero wala pang ilang segundo ng tumigil sya.
"May nakalimutan ako." Sabi niya saka kinuha 'yung librong hiniram ko sa kanya kanina. "Akin 'to."
Napairap na lang ako sa kanya habang pinagmamasdan syang naglalakad papalayo sa'kin.
_______________________________________________
Happy Reading everyone.