bc

The Downfall of a Temptress

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
dominant
boss
heir/heiress
drama
bxg
lies
like
intro-logo
Blurb

Akala ng lahat ay laro lang ang ginagawa niya. Isang babaeng eksperto mang-akit ng mga lalaki. Pero para kay Lysandra Aria de Alba, bawat halik ay utos at bawat ngiti ay bitag. Ginagawa niya ang lahat ng ito para sa kapatid niyang may sakit. Pero nang sumunod niyang target ay si Soren Aldric Santierra, isang tyrant CEO at magaling na pintor na mas malamig pa sa gabi at mas malalim pa sa kanyang mga obra-biglang nagbago ang laro. Hindi siya madaling akitin at lalong hindi siya naniniwala sa katulad ni Aria. As a secret arise and threats grow darker, Aria must decide. Will she betray the man who might able to save her, or will she finally fight back against the monster who raised her?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
The grand ballroom of the Salude estate pulsed with wealth and power. Kapansin-pansin ang mamahaling chandelier na may kumplikadong desensyo ang nakasabit sa kisame, kumikislap ang liwanag nun sa marmol na sahig habang umaalingawngaw ang mahihinang tawa ng mga politiko, negosyante, at kilalang tao sa lipunan. Kasabay niyon ang mabining tugtog ng violin sa ere. Ang buong party ay pormal at elegante pero napapansin ko na hindi lang ito para sa kaarawan ng congressman. Para itong bukas na pamilihan. A place where alliances were formed, where deals were made and where enemies smiled at each other for the sake of reputation. Nasusuka ako sa ganitong klaseng kalakaran. Kahit kelan hindi ako masasanay sa ganitong tanawin. Si Congressman Edgardo Salude, ang celebrant nitong party ay hindi basta-bastang politiko. Siya ang may ari ng tobocco trade sa buong region. Sa kanya umiikot ang kalakalan ng tabacco sa norte mula sa taniman hanggang sa export permits. Kung hindi mo siya kakampi, hindi ka uunlad sa ganitong negosyo. And guess what? Kailangan siya ng aking ama. Gusto ni Daddy na mapasakamay ang kontrata para sa exclusive logistics deal ng Salude Tobocco. Kung kami ang mapipili na taga byahe ng produkto nila, lalaki ang kita, lalawak ang impluwensya, at mas lalalim ang koneksyon niya sa gobyerno. At ako? Ako ang "panabla". Ako ang susi para mapalapit sa anak ni Congressman Salude. Si Martin Salude. Aminado akong may itsura si Martin. Tall, well-dressed, may charm kahit may pagkapilyo. Pero hindi siya matalino tulad ng ibang negosyante. Mas gusto niya ng atensyon kesa negosasyon. Daddy said if I could keep him interested long enough, he'd convince the congressman to consider us over other competitors. Our rivals had better infrastructure, but we have me. Kilala si Martin bilang pinaka paboritong anak ni Congressman Salude bukod sa nag iisa itong anak, ito din ang magmamana sa negosyo ng ama. "Smile. Laugh. Let him touch you if he must to get the goddamn deal, Aria" iyon ang bilin ni Daddy habang sinusuot sa akin ang mamahaling kwintas. Para iyong kadena sa aking leeg. Nakakasakal. Pinagmamasdan niya ang repleksyon ko sa salamin gamit ang matapang niyang mga mata. Aminado akong takot ako sa aking ama. Simula pagkabata ay nakita ko ang kalupitan niya kahit na kaming pamilya niya ay hindi nakaligtas. So here I was...wrapped in red wine silk dress, my lips painted the same shade. Naka suot ng stilletos, at kanina pa sumasakit ang talampakan. I smiled while drinking three glasses of wine and listen to stories about Martin's car collection. I endured his hand glazing too low on my back. I'd pretended not to notice the sneers from women whispering behind their glasses. To them, I was exactly who they thought I was. Lysandra Aria de Alba. A flirt. A gold-digging manipulator and Daddy's favorite pawn. Hindi ko sila masisisi. Sa tagal ko na sa ganitong setup parang naging second skin ko na 'to. Pati sarili ko ay hind ko na rin makilala. "Ang sexy mo talaga, Aria," bulong ni Martin habang pinipisil ang aking bewang. Ngumiti ako ng pilit. "You're a sweet talker," sabi ko, kahit gusto na siyang duruan sa mukha. And as I laughed at a joke I didn't hear, my eyes scanned the room. Searching for an escape, a distraction, anything. Basta makawala lang ako sa pandidiri sa sarili ko. That's when I saw him. Soren Aldric Santierra. Nakatayo lang siya malapit sa bintana, may hawak ng isang basong scotch sa kamay. Tahimik lang siya sa gilid. Hindi nakikisali sa kaguluhan. Suot niya ang black tailored suit na sobrang linis tignan, simple iyon pero commanding. Kahit wala siyang sinasabi parang siya ang pinaka maingay sa buong silid. The tyrant CEO who built his empire by swallowing compitators, and a famous painter whose oil-stained hands created pieces that cost of fortunes under the initials "S.S." No one knew why he painted. No one dared ask. They just paid and stayed out of his way. I watched him watching the room. Quiet and observant. Like none of this mattered to him. Parang wala ni isang tao ang karapat dapat sa atensyon niya. Walang kailangan pagtrabahuan para lang mapansin. And for one moment, I wondered what it would feel like to be that free. To stand in a room like this and owe no one anything. But that was a fantasy. Because a few minutes later, Martin dragged me upstairs, whispering filth in my ear. And I need to followed, because I had to. That's what pawns do. They move where they 're told. Kahit masakit pakinggan. "Martin, not here" mahinang sabi ko habang pilit niyang hinahatak ang kamay ko paakyat sa madilim na hallway sa second floor ng kanilang bahay. "Sandali lang ito, Aria," bulong niya, halatang tinamaan na ng alak. "Nobody will see us. Just a quick one, baby." Napapikit ako. Hindi dahil gusto ko ang gagawin namin kundi dahil gusto kong kalimutan kung bakit ko ginagawa ito. Para sa deal. Para kay Daddy. Para sa negosyo. Paulit ulit kong mantra. Hinayaan kong hawakan niya ang bewang ko, pero nang maramdaman kong paakyat na ang kanyang kamay sa aking hita, agad ko siyang pinigilan. "Not so fast, Darling" bulong ko in a sultry voice kahit na gusto ko ng masuka sa tono ng boses na ginamit ko. Martin chuckled. Clearly turn on. "I can't wait any longer, Aria. I want to taste you. Please don't stop me. Sabi nila, magaling ka daw magpaligaya. Gusto kong malaman kung totoo ba." Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko pwedeng gawin. Kailangan kong ituloy ito. Kailangan kong magbulag-bulagan for the sake of that damn deal. "We're not done talking, Martin," bulong ko, kunwaring sweet. "Di ba sabi ko, we'll talk about our contract first. Business muna bago pleasure." "Ibibigay ko agad ang kontrata na hinihingi mo. Madali lang iyong gawin. Kahit mamaya ay ibibigay ko din agad sayo, basta ba akin ka ngayong gabi." Magsasalita na sana ako ng pagpayag sa gusto ni Martin. Kaya lang, at that moment, naramdaman ko na may malamig na presensyang lumapit sa kinatatayuan namin. Then, a calm voice broke the air. May diin iyon. "Quite the scene" Pareho kaming natigilan ni Martin. Paglingon ko, nakatayo si Soren Aldric Santierra sa may dulong hallway. Arms crossed and one eyebrow slightly raised, parang matagal na siyang nandyan, nanonood. Walang kislap ang mata. Umayon ang itim niyang suit sa dilim ng hallway, eleganteng nakakatakot. He didn't look surprised or angry. He just looked...unimpressed and disgusted. "Soren?" tanong ni Martin, medyo napaatras. "I-I didn't see you there." He didn't reply to him. Ang titig niya ay nakafocus lang sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit nandito siya sa second floor? "I didn't think you'd take it this far, Miss de Alba," he said quietly. "Even for you, Martin." Napatigil ako. Nanigas ang katawan. "I wasn't-" I tried to speak pero natigil din agad dahil sa naglalarong emosyon sa mata niya. Hindi niya kailangan magsalita ng madami. Nandoon na lahat sa tingin niya. Parang sinisiyasat niya ako hindi bilang threat kundi bilang babaeng mababa ang dignidad. Sino nga naman matinong babae ang papayag na sa hallway makipag s*x? Soren took a slow step forward. Hindi siya galit. Mas nakakatakot pa nga dahil hindi ko mabasa kung ano talagang iniisip niya. His calm and delibrate. He had that kind of presence that made people shut up and make space. Ang bawat hakbang niya ay parang sadyang hindi lumikha ng ingay pero ramdam mo. Hindi ko alam kung bakit kapag malapit siya ay grabe ang kabog ng dibdib ko. "Your father's looking for you, Martin," he said without emotion. Martin awkwardly stepped back "Yeah. Thanks, bro. I wasn't just- yeah. I'll-uh-I'll go," at mabilis siyang nawala, parang bata na nahuling nagnanakaw ng kendi. Gusto kong matawa sa kaduwagan ni Martin. Hindi ko alam kung napahiya siya na nakita siya ni Soren sa kompromisong posisyon. O nakakahiya akong kasama kaya iniwan na lang niya akong mag isa dito? And just like that. He left me with this beast. Now, it was just the two of us. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko. Nakakailang. Para akong hubad sa harap niya kahit fully dressed ako. I stood straighter, brushing off imaginary wrinkles sa dress ko. My dress clung to my curves. I was made to be looked at, after all. I had warm, golden skin, long legs, and a small waist that my father always said was my strongest asset next to my smile. My face? Soft features but sharp eyes. Almond shape, hazel brown, framed by thick lashes and wavy dark brown hair that fell just past my shoulder. Maraming nagsasabi na kamukha ko si Mommy. Kaya confident ako sa itsura ko. I knew how to walk into a room and own it but for some reason, in front of him, I always felt like I was shrinking. "You don't talk too much, do you?" I asked, trying to steady my voice because of my nervousness. Hindi ko alam kung aalis na ba ako o hihintayin pa siyang may sabihin sa akin. Ang awkward. Tahimik talaga siyang tao. Soren tilted his head slightly, then said, "Only when silence gets boring." May sarcasm ba doon? O banat lang? Hindi ko na alam. "What do you mean? I'm not here to play games," dagdag ko. Tinutuwid ang dress. Hindi maintindihan ang sinabi niya. He didn't flinch. "I didn't say you were but don't mistake silence for blindness." Ano daw? Medyo lito. Tumalikod na siya bago pa ako makapag react, pero bago siya tuluyang lumayo ay lumingon pa siya sa akin. "But then again, maybe attention is all you've ever wanted." At iniwan niya akong mag isa sa malamig na hallway ng mansion, hawak ang dalawa kong kamay na magkasalikop at ang bigat ng mga salitang hindi niya direktang binanggit. Attention is all I 've ever wanted? Ayoko nga ng atensyon. Kung pwede nga lang umalis dito at mamuhay ng payapa ay matagal ko ng ginawa. Bakit ba ako nasasaktan sa sinabi niya? Hindi na dapat ako nasasaktan dahil matagal ko na itong ginagawa. Dapat ay manhid na ko sa sasabihin ng iba pero pagdating kay Soren Santierra ay hindi ko maiwasang masaktan. Mayroon sa mata niya na kapag nababanaag ko'y iba ang diin ng sakit sa aking dibdib. Kahit anong paliwanag ko sa mga tao sa paligid ko ay hindi rin naman sila naniniwala. Pagod na kong e-explain pa ang sarili ko sa ibang tao. Kung anong gusto nilang paniwalaan tungkol sa akin ay hinahayaan ko na lang. Sarili ko na lang din ang kakampi ko sa sitwasyon kong ito. Wala na si mommy para maging katuwang ko sa mundong ito. Ang kapatid ko na lang na si Bella ang meron ako. Gagawin ko ang lahat para gumaling siya sa sakit niyang cancer kahit katawan ko pa ang gamitin ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.0M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
765.2K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.9M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
993.2K
bc

A Warrior's Second Chance

read
367.7K
bc

Not just, the Beta

read
352.7K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook