Mainit ang araw sa labas. Kitang kita ko ang araw na sumisilip sa tall windows ng mansion pero sa loob ng bahay na ito para akong nasa loob ng freezer. Wala akong marinig kundi ang pag tick ng orasan at mahihinang tunog ng kutsara na tumatama sa porcelain plate ni daddy.
The breakfast was perfect as always. Scrambled eggs, freshly orange juice and a typical breakfast ng mga pinoy but everything tasted like acid in my mouth. Walang lasa at wala akong ganang kumain. Kahit ang gutom ko ay parang nilamon na ng takot sa aking ama.
Nasa harap ko si Daddy. Si Lysandro Leon de Alba. Maamo ang kanyang mukha taliwas sa kanyang ugali. Mas matalim pa siya sa blade kapag hindi siya nasusunod.
He looked polished as ever. Neatly pressed grey suit kahit wala naman siyang lakad. Ang suot niyang cufflinks ay may family crest, his hair is slicked back na parang wala siyang ginugugol na minuto sa pag aayos pero mukhang laging handa sa press conference. Amoy leather and peppermint siya para sa akin.
Nakabukas ang diyaryo sa harap niya at may hawak siyang tasa ng mamahaling kape.
"May paparating na exhibit si Santierra sa Fort," aniya bigla. Wala man lang good moning. Deretso agad siya sa kanyang utos. "Private invitation lang iyon. Hindi basta basta nakakapasok doon."
I knew what was coming and still, it made my stomach twist.
"Makipagkilala ka sa gallery manager," dagdag niya habang tumititig sa headline ng dyaryo. "Kumuha ka ng invitation. You know what to do."
I clenched the fork in my hand. Mas mahigpit iyon. Napapagod na kong sumunod sa kanya.
"No, Dad" may diin kong sabi.
Narinig ko ang paglapag ng tasa sa mesa. Banayad iyon pero ang tunog na iyon ay parang bomba sa aking dibdib. Tumigil ang mundo ko.
Dahan dahan siyang tumingin sa aking gawi. Ang tingin niya ay hindi parang ama o kahit boss. Para niya akong lalamunin ng buo dahil sa kawalan niya ng pasensya sa akin.
"What did you say, Aria? Hindi ba ay nag usap na tayo dito?"
Nilunok ko ang ang aking kaba at hinarap ko siya. Hindi ako umatras. Hindi ako umiwas.
"Ayoko na Daddy. Hindi ko kayang ihandle si Soren Santierra. Iba na lang Dad, wag lang siya."
Mabilis ang t***k ng aking puso habang sinasabi iyon. Ramdam ko iyon sa aking tenga. Nanginginig ako sa takot.
"Hindi siya tulad ng iba. He's not easily swayed. Hindi siya mahilig sa babae. Hindi siya madaling kausapin. At higit sa lahat...he looks at me like he already knows what I am—" I swallowed hard. "—and he hates me."
Halos hindi ko marinig ang huni ng ibon o tick tack ng orasan dahil sa sobrang kabog ng aking dibdib. Parang may bagyong hindi ko alam kung makakaya ko pang pigilan.
He studied me. Parang exam. Parang chess piece na kanyang nilalaro.
"Bakit, natatakot ka?" he asked, smiling slightly. Walang emotion.
"Yes." I said without blinking. "Mas natatakot ako sa kanya kesa sa kahit kaninong lalakeng pinapasuong mo sa akin."
"Good," he replied. "That means my challenge. Hindi lahat ng bagay ay makukuha mo ng madalian."
"No, Daddy. This isn't a challenge but suicide."
Bigla siyang tumayo. Malakas na kumalabog ang upuan niya.
I flinched. Napahawak sa baso ng juice na nasa aking harapan.
"You think you have a choice?" he said coldly.
I stood too, kahit nanginginig ang tuhod ko sa takot.
"You think dahil lang sa isang sampal kagabi ay bigla kang magkakaroon ng boses? Ng karapatan? Huh, Aria? Nag usap na tayo kagabi tungkol dito."
His tone shifted. Mas malalim at nakakatakot.
"This is not about you anymore." he said, voice low and deadly. "This is about survival ng pamilya at kapatid mo."
Lumapit siya sa akin. Isang hakbang lang ang pagitan namin. I could smell his aftershave. I could see the rage behind his calm expression. Then he leaned down, his whisper slicing through my ears like a blade.
"You either make Soren Santierra say yes...or you watch Arabella die slowly."
"Masarap iyon, di ba?" he added with a cold voice. " No more chemo. No more medicine, just pain and one long goodbye."
Natigilan ako sa narinig. Nabitawan ko ang baso ng juice. Tumilapon iyon sa sahig. Tumalsik ang mga bubog nyon.
"Tama na!" sigaw ko, halos maputol ang litid ko. Hindi ko kayang marinig ang sinasabi niya.
Parang pisi na napigtal ang aking emosyon.
He stepped back. Not in fear but in amusement.
"You're pathetic," he said with a smirk. "Always were. I should've known you'd hesitate when it really mattered."
"I will find another way," I whipered, my voice clearly shaking.
"Walang ibang way."
"Meron." pumiyok ang aking boses. Pinipigilan ang sarili kong takot. "Kung kailangan kong pumasok sa impiyerno para mailigtas si Bella ay gagawin ko. Pero hindi ko idadaan sa kama. Hindi kay Soren Santierra, hindi kahit kanino, Dad."
He stared at me.
He smiled. That goddamn smile.
"Then prepare to bury her, Aria. Tutal, ikaw lang din naman ang may gusto siyang mabuhay."
And with that, he turned aroud and left me standing there. I'm shaking.
Naiwan akong mag isa. Ngayon ko lang napansin na puro dugo pala ang aking kamay. Natalsikan ng bubog. I looked down on my bleeding palm. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking pag iyak.
Pain.
For once, it felt...real and honest.
I crouched down, picked up one sharp shard of glass, and stared at it.
For the first time, I wasn't scared of pain. I was scared of losing myself.
And for Bella? I would burn down the whole f*****g world for her. At alam iyon ng aking ama.
HINDI AKO mapakali sa aking higaan. Madalim na sa labas ng bintana ng kwarto ko pero gising pa rin ako. Ilang gabi na kong puyat. I've been tossing and turning in bed like some restless ghost habang paulit ulit sa isip ko ang pangalan niya.
Soren Aldric Santierra.
Yung paraan ng pagtitig niya sa akin ay para akong basura. Hindi pagnanasa o paghangaang nakikita ko doon kundi disgusto, at mas masakit pa iyon kesa sa mga lalaking tinitignan akong puta.
I hate it.
I hate how I can't figure him out. I hate how he made me feel...seen.
Tumayo ako. Nilapitan ang vanity table. Tinitigan ang sarili sa salamin.
Maganda pa rin naman ako. Same red lips, same soft curls, same dress na kaya kong gamitin para mapaikot ang kahit na sinong lalaki.
Pero kay Soren? Walang epekto.
Akala ng lahat, ginagamit ko ang aking katawan para makuha ang gusto ko.
Oo, ginagamit ko ang pang-akit, ang ngiti pero hanggang doon lang iyon. Wala pang nakaka-angkin sa akin. Wala pang nakakakuha ng bagay na matagal kong tinatabi para sa taong magiging akin. Sa lalaking mapapatunayan na totoo ang intensyon niya. Na mamahalin ako hindi dahil sa hitsura ko kundi dahil kung sino ako. Yung tanggap ako.
Iniingatan ko pa rin ang aking sarili. Sa likod ng lahat ng role na ginagampanan kong mga laro... may maliit pa ring bahagi ng sarili ko na pinipiling wag sumuko.
Pero ngayong si Soren Santierra ang target...hindi ko alam kung ang natitirang puro sa pagkatao ko ay mabubura na rin ba.
Because if I fail, Bella dies.
I opened my laptop, no more hesitation. Wala rin naman akong choice kung tatakbo ako palayo.
Santierra, Soren Aldric
The screen glowed as his name came up. Countless articles. Business profiles and art reviews about him.
CEO ng Santierra Logistics Group. Known for expanding the family empire in just five years. Ruthless siya pagdating sa negosyo pero tahimik sa media. Walang social life. Walang babae na napaugnay, not even rumors.
Mas lalo akong naintriga sa pagkatao niya. Wala siyang kahinaan? O sobrang tago lang?
One article mentioned his last exhibit.
The loudness silence. A solo show by Soren Santierra, featuring surreal oil painting of faceless kings, broken wings, and a cages made of gold. It's intimate yet violent and explosive.
Under the pseudonym "S.S", kilala siya bilang reclusive painter. Ang mga gawa ni Soren ay abtract pero may init sa bawat hagod ng brush, parang sumisigaw sa canvas ang mga damdaming hindi masabi at ito ay nakatago lang. Nakita ko na dati ang mga gawa niya sa gallery. Doon palang, may nararamdaman na kong kakaiba. Malalim ang lungkot sa mga larawan. Parang ang pait ng mga kulay pero maganda. O depende sa taong tumitingin ng painting niya? Depende sa intrepretasyon.
At ngayong alam kong siya pala ang nasa likod ng mga painting, mas gusto ko pa siyang intindihin.
Sino ka ba talaga, Soren? And more importantly, saan ako pwedeng sumingit sa mundo mo para makuha ko ang gustong gusto sayo ni Daddy?
I opened a blank document. This is the beginning of a silent war. Inilista ko ang mga nakalap kong impormasyon kay Soren. Ngunit sa dulo nilagyan ko ng unknown ang kanyang kahinaan. He's thirty three years old and still single.
I looked at his photo again.
Sharp jawline, dark eyes filled with distance and destain. Yung mga mata niya parang binabasa ang kaibuturan ko. At hindi ko gusto ang nababanaag ko sa mga mata niya tungkol sa akin. Kahit sa picture ay mukha pa rin siyang may disgusto sa presensya ko.
Kung ibang babae ang nasa pwesto ko baka umurong na at tumakbo.
Pero ako?
Hindi ako uurong.
I've lived in a world where I smile to survive. Where every step is a performance. But now? Ibibigay ko ang lahat para matapos na ito.
At kung hindi man ako ang unang babaeng papasok sa buhay ni Soren Santierra...ako ang una niyang magiging kaaway na hindi niya kayang balewalain.