love of my life
kabanata 1
natalie tara na malalate na tayo sa flight natin,sigaw ni nicole
oo na ito binibilisan ko na po,saad naman ni natalie.frend ang bagal mu talagang kumilos kainaman kana mandin daig mu pa ang sobrang taba kung kumilos ah ah ah,kantiyaw ni nicole
nagkibit balikat na lamang si natalie sa turan ng kaibigan niya..pagkaraan ng ilang oras nakarating na dn kami sa maynila ng walang aberyang nangyari sobrang namangha ako sa lugar ang tataas ng building andun yung hope ko na maging maayos ang aming gagawin dito sa maynila,siya nga pala may kapatid ako dito sila naman ay nakatira sa silang yung isa ko naman na kapatid ay isang kasambahay dn siya ang magpapasok sakin sa kakilala niya.umalis ako sa probinsya namin ng hindi ko pa natatapos ang aking pagaaral nasa secondary lang ang aking natapos.
Derecho kami dun sa papasukan kung trabaho bilang isang kasambahay may anak sila 1 6 months yun pala ang aking aalagaan ako ay labing anim na taon gulang lamang naging matatag ako dahil sa hamon ng buhay hindi ako masyadong maalam magtagalog sa umpisa pero natutunan ko dn sobrang bait nila sakin lage ako sinasama kapag aalis at mamasyal sila pero hindi ako tumagal sa kanila at lumipat ako ng ibang mapapasukan bago ako pumunta sa bago kung amo dumaam muna ako sa ate ko sa silang nagkausap kami..
natalie tapusin mu ang iyong pagaaral kahit highschool lang malapit lng ang school dito merun uniform dito yung kapatid ng kuya mu hindi muna problema ang uniform libre naman ang school kasi public lang naman siya,ani ng ate ko
Hindi ako nakinig sa kanya at tumuloy pa rin ako dun sa papasukan.pagdating ko roon andun pa yung papalitan namangha ako sa bahay mamahalin ang mga kagamitan,nagumpisa na yung papalitan ko tinuro niya lahat sakin ang mga gagawin,pero nagulat ako dahil may aalagaan ako na matanda kulang na lang ng ilang araw matitigok na yung matanda nahintakutan ako at nagdesisyon na tatapusin ang aking pagaaral.muntik pa ako maligaw dahil hindi ko pa kabisado ang lugar na iyon buti na lang may magandang loob na tumulong sakin upang ako ay makauwi sa bahay ng aking ate ko.Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction niya dahil bumalik ako pero alam ko magiging masaya siya kapag nalaman ang desisyon ko at hindi ako nagkamali todo support siya sakin..
Sabi ko naman sayo eh tapusin mu muna kasi ang pagaaral mu dahil ay ang magiging sandata mu sa hamon ng buhay,payo ng ate ko
Opo na nga,ang sagot ko naman
kabanata 2
Unang araw ng pasukan wala pa ako kakilala kasi transferee lng ako.May lumapit sakin at nakipagkilala kasi transferee lang dn siya at nagpakilala siya.
hi,,bati niya sakin
hello,, ang sagot ko naman
ako pala si baby jane,ani niya
ako naman si natali,ani ko
at nagshake hands kami mula noon naging magkaibigan kami puro babae lang lahat ang mga naging kaibigan ko hindi kasi ako ganun kaganda kaya cguro ganun at member dn ako ng nbsb pangako ko dn sa sarili ko na kapag kasal na dn ako saka ko ibibigay ang aking iniingatan..
nung una nahihirapan talaga akong magtagalog kasi galing akong visaya lage nila ako napagtatawanan kapag sumasagot ako sa recitation namin kasi nga po bisaya ang aking salita..kaya tahimik lang ako kapag hindi ako tinatawag ng teacher namin..Habang tumatagal nadagdagan ang aking kaibigan 6 na kami.she,baby jane,ako,mjane,dai,joce pinamagatan namin ang aming grupo na fairytales kasi mahilig kami magday dreaming..
Dumating ang intrams namin sumali ako sa sayaw at nagpakitang gilas ako napansin na nila ang beauty ko hehe..Natapos ang activities namin ng may saya at ngiti sa aking labi dahil napatunayan ko sa aking sarili na kahit hindi ako maganda marami naman ako kayang gawin..
Isang araw wala ang teacher namin sa science tuwang tuwa mga classmate ko kasi wala yung teacher namin,merun isang grupo na pumasok sa room namin,na starstruck ako sa isang lalaki at nakatitig lamang ako at hindi ko maalis alis ang aking paningin at nahuli niya ako nakatingin sa kanya bigla kung pinaling sa kabilang side ang aking mukha dahil sa hiya..mula noon lage na siyang pumapasok sa room namin kasi marami dn siyang mga kaibigan na kaklase ko at napag alaman ko na may gf na siya at matagal na sila,maganda yung girlfriend niya compare sakin kaya nawalan ako ng pag asa pero masaya na ako na nakikita ko siya kasi tinamaan niya talaga ako first time ko maramdaman ang ganun pakiramdam,nalaman ko dn ang pangalan niya favorite niyang color ay pink kasi lage siya nakasuot na pink na damit hehe..hindi lang pala ako ang tinamaan niya pati yung kaibigan ko na si mjane may tama dn sa kanya kaso nga may gf na siya kaya hanggang tanaw na lang kami..hindi ko siya magawang kausapin kasi nahihiya ako ganun pala talaga kapag tinamaan ka,binansagan namin siyang mr.pink kasi ayaw namin na malaman niya na tinamaan kami sa kanya..
si she at mjane ay magaling samin kumanta
she at mjane turuan niyo naman kami kumanta ni baby jane,ani ko sa kanila
uo cge after launch magpraktis tayo ng vocal voice,sagot naman ni she
ok cge,sabay kami ni baby jane sumagot
oy nga pala si mr pink break na sa jowa niya,ani ni joce.
talaga bakit naman sila nagbreak parang matagal na sila db?ang tanong ko
yun ang balita dito sa school,ang sagot naman ni dai..
si mr pink kasi ang hearthrob ng school tapos yung jowa niya hearthrob dn ng school,ang sabi naman ni joce.
eh d wow sila na,bitter kung saad..
Ang routine ko pagkagaling sa school magiigib ako ng tubig,magsasaing,pagdating nman ng sabado at lingo lalaba at maglilinis kasi nahihiya naman ako sa ate ko at sa kay kuya hindi dn naman sila mayaman,nagsikap ako sa aking pagaaral para masuklian ko naman ang pagpapatira nila sakin,minsan kapag wala akong pasok nagsisideline ako maglaba at plansta dun sa kakilala ni ate bebang ko..Kaya yung kita ko dun hindi ko ginagastos para may pambili ako ng mga project at pamasahe na dn..ayaw ko kasi na magiging pabigat pa ako sa ate ko kaya ayan nagtitiis ako maglakad para lng makatipid,ganun talaga ang buhay kelangan natin magsikap at magtiis para makasurvive..
kabanata 3
natalie sali tayo sa sayaw may gaganapin daw na concert si sir para may fund daw tayo,aya samin ni dai
ala nakakahiya naman,sabat ko naman
bakit ka namn mahihiya marami tayo kada section at year merun representative may kulang pa kami na dalawa wala na nagpresinta kaya sali na kayo ni baby jane,kumbinsi samin ni joce
ok cge na nga,sagot ko
yehey!!!sabay na sigaw nila
Tamang tama kasali dn si mr pink
Habang nagsasayaw kami hindi ko mapigilan hindi lumingon at tumitig sa kanya ang gwapo niya kasi hindi nakakasawang tignan pero lage dn naman niya ako nahuhuli nakatingin,hiyang hiya naman ako sa sarili ko..ok na ako kahit nakikita ko lang sa malayo pero minsan gumagawa dn siya ng effort para makausap niya ako kasi kung ako ayaw ko kasi nahihiya ako sobra naman ako kinikilig kapag lumalapit siya sakin..hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya kapag nahuhuli niya ako nakatingin sa kanya..
Isang araw merun nagtangkang nagsabi na pd ba daw ako ligawan..
Natalie kung pd ka daw ligawan,sigaw nung kaklase ko
hiyawan sila kasi nga hindi nga ako maganda..
Hindi.ang sagot ko
Nakita ko sa gilid ng mata ko paran nalungkot siya..mas priority ko kasi muna ang pagaaral hindi talaga ako pumapasok sa ganyan baka lokohin lang ako at talaga naman hindi ako maganda..kulang ang aking selfconfidence sa ibang bagay masaya naman ako sa buhay ko na ganito ako,ganito ang life ko..
Malapit na ang closing ng school 4th year highschool na kami sa sunod na pasukan kaya naman todo aral ako pero hindi pa rin ako nakapasok sa top10 palibhasa teansferee ako hindi naman ako nagpapahuli lage ako sumasali sa mga activity dagdag points dn yun..Nagkatuwaan namin mag cutting classes naligo kami sa ilog
Wala tayo ngayon teacher maligo tayo sa ilog merun dito malapit na ilog,anyaya samin ni joce
talaga merun?tanung ko
uo merun lakarin na lang natin.sagot sakin ni dai
oy baby jane sama tayo tara,aya ko rin
si she kasama dn ba siya?tanung namn ni baby jane
uo sama sama nga tayo maliligo tara,turan ni joce
ok cge tara lets go..ani ko
sobrang dami namin memories na hindi kelanman malilimutan..hindi uso samin ang love life..
closing na kaya mamimiss namin ang isat isa..
Nagyakapan kami para hindi magkikita samantalang hindi pa naman kami graduate hehe
ay grabe kung makayakap parang hindi na magkikita eh,litanya ko sa kanila
siya cge babosh ingat kayo,paalam namin sa isat isa..
kabanata 4
kinuha ako nung kaibigan ko para paklihan muna siya ng 2 months kasi magbabakasyon siya sa kanilang lugar uuwi siya kaya ako muna ang papalit sa kanya habang wala pang pasok..sobrang bait nung mga amo kung babae at amo kung lalaki,ako muna nagaalaga dun sa bunso niya anak mababait dn naman sila naaliw ako sa pagaalaga at paglilinis hindi ko naiisip ang naramdaman ko kay mr pink atleast ok na yun umiikot lang ang buo kung maghapon sa paglilinis at pagaalaga wala akong oras para sa sarili ko,malapit na ulit ang pasukan hindi pa ako nakakapagpaenrol tumawag sakin ang ate ko.nagkaroon na pala ako ng celpon yung may anthena pa hehe nakita ko sa screen sinagot ko
hello te,ani ko
papasok ka natalie?bungad sakin ng ate ko
uo naman,ang sagot ko naman
siya may pasok na kahapon pa,inform sakin ng ate ko
naku ay siya late na ako,sabi ko naman
ay uo nga,sagot naman ng ate ko
Hindi pa kasi nadating si ate nem bukas pa siya dadating sa sunod na araw pa ako makakapasok,ang sabi ko kay ate
Pagkarating ni ate nem nagayos na dn ako ng mga gamit ko,buti na lang binigyan nila ako ng bag at mga notebook kaya nalibre ako tapos binigyan dn ako ng pera,
nakauwi na ako sa ate ko at sinabi ko sa kanya na may pera ako..
gawin mu yan puhunan sa pagtinda tinda ng yema at polboron naggagawa ang nanay ni loi..sabi sakin ni ate
sinimulan ko magtinda sa school nung una nahihiya talaga ako pero no choice ako kesa naman manghihingi pa ako sa ate ko eh d magtinda na nga lamang..mabenta naman kasi may mga pera naman sila hindi katulad ko kung hindi magsisikap hindi makakatapos ng pagaaral
lage pa rin napasok si mr pink sa room namin minsan bumibili siya sakin,minsan mga frends niya nabili dn..kinikilig talaga kapag nasa paligid siya pero hindi ko lng pinahahalata sa kanya pero patuloy pa rin ako tumitigtig sa kanya minsan talaga pulang pula mukha niya lalo kapag napapahiya or nasosobrahan sa tawa ayun namumula na siya,minsan sa uwian nakikita ko siyang kasama gf kaya nasasaktan ako pero wala naman ako karapatan para maramdaman ko yun kasi nga pangit ako huhuhu.
Katabi ko si she sa upuan nakikita niya ako nakatingin kay mr pink,
Talagang inlove na inlove ka kay mr pink eh,kantiyaw sakin ni she
nagkibit balikat lamang ako hindi ko kasi maintindihan ngayon ko lang yun naramdaman..
kabanata 5
focus ako ngayon sa aking pagaaral para makasali ako sa top para maging proud ang ate ko sakin hindi naman ako nabigo naging 5th honorable mention ako hindi na masama araw na ng graduation hindi makakaatend ang ate ko kasi ikakasal dn yung isa ko pa ate,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko..sinabi ko kay ate nem ang sitwasyon ko siya lang ang matatakbuhan ko siya ang tumutulong sakin para may extra ako pera kinukuha niya ako kapag wala siyang kasama
natalie pinaghirapan mu makatapos sa pagaaral minsan lang dn yan mangyari sa buhay mu huwag ka magalala ako ang magsasabit sayo sa graduation muh,tugon ni ate nem sakin
napaluha ako dun sa sinabi niya talagang naging paran kapatid ko na siya..Hindi ako ganun kasaya kasi wala yung mga mahal ko sa buhay,muntik pa tumulo ang luha ko habang paakyat ako ng stage kasi ang pinagalayan ko ng aking pagsisikap ay hindi nakarating pero naintindihan ko naman.
Tara punta tayo ng paseo treat kita,sabi sakin ni ate nem
Sobra sobra na ang ginawa mu para sakin ate nem kelan kaya ako makakabawi sayo..
Ano ka ba ok lang yun masarap sa pakiramdam na nakakatulong ako sayo..wala yun tara na..aya ni ate nem
ok cge,sagot ko sa kanya
Naging masaya kami at kasama niya ako sa bahay ngayon kasi wala na ulit sila makuha kaya ako muna ang kasama niya wala naman naging problema masaya kami pareho sa buhay..
Bakasyon naman sa school kaya naisipan niya ulit na umuwi sa kanila,Pagkatapos ng trabaho nagpapaalam ko kay sir para lumabas at nagaayos ako ng aking mga requirements sa pagaaply sa company..Natapos ko naman bago bumalik si ate nem
Nagkaroon kami ng comunication ni mr pink hindi matandaan kung paano basta ang alam ko masaya ako ngayon na nasasabi ko sa kanya ang feelings ko..bulag ako noon sa feelings ko sa kanya hindi ko alam kung ano pumasok sa utak ko at tinanggihan ko ang alok niya..
isang araw nagtext siya tinanung niya kung pd ba ako maging gf niya?
Nagulat ako kasi hindi ko iniexpect na tatanungin niya ako ng ganun,
Bakit ako? hindi tayo bagay gwapo ka at pangit ako?tanung ko sa kanya
nagreply siya.
kung ayaw mu eh d wag.mr pink
Syempre pakipot pa ako nun kahit pangit ako hindi naman ako ganun ganun lang basta sasagot napakarude naman niya hindi nga siya nanligaw eh..
walang ibang nakakaalam kundi sarili ko lng ayoko kasi majudge ng tao.
Mula noon hindi na ulit kami nagkaroon ng comunication nagpatuloy ako sa pangarap ko nagapply ako bilang production operator kasi gang dun lang ang kaya ng natapos ko naregular ako at kumikita na umalis na dn ako sa ate ko,nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan sa trabaho..nakilala ko si chubby siya kasi ang pinakamataba samin,gelay,coral,cla..dun ko naramdaman kung paano maging super masaya,breaktime na
restday na natin bukas ano ganap natin?tanung ko
tayo dun sa boarding house niyo maginuman tayo dun,sambit ni chubby
tara...sabay sabay namin sambit
Doon nagumpisang natuto ako uminum ganun pala kasaya kapag nalalasing as in masaya..
Kasama ko sa boarding house si gelay sa laguna kami nakatira magkatabi kami naging super close kami..lahat ng secreto niya at secreto ko alam niya..
Kabanata 6
Year 2009
nag organize si juvy ng swimming mga batchmate lahat sumama ako excited ako kasi kasama si mr pink sobrang saya makikita ko na naman siya 2 years after nawalan kasi ako ng balita sa kanya..wala pa rin ako naging bf
Hindi natuloy yung swimming namin pero natuloy sa tagaytay nagkausap kami..
Kamusta?tanung niya sakin
ok naman ako.sagot ko naman
May sinasabi siya pero hindi ko na naiintindihan sa tindi ng nararamdaman ko na excitement
Habang andun kami hindi siya umalis sa tabi ko at pinahiram niya pa ako ng balabal niya kasi lumalamig na..Hindi kasi siya mabuka na tao pareho kami tahimik nahihiya dn ako sa kanya..
Jed..tawag sa kanya ni juvy
yun pala may gf na pala ulit siya and 2 years na sila..
Bigo na naman ako sa kanya,nanghinayang ako na sana ako yung naging gf niya..pero cguro talagang hindi kami
nagkaroon ulit kami ng comunication nagkikita kami ng patago para hindi malaman ng gf niya.
may nagtext tinignan ko galing sa kanya
from mr pink
pupunta ako jan sa tita ko malapit jan sa bhouse niyo magkita tayo
to mr pink
ok cge ano oras.natalie
from mr pink
7 pm
to mr pink
ok cge
excited ako kasi makikita ko siya..
Pagkarating niya niyaya niya ako dun sa bahay ng tita niya
sino tao dun?tanung ko sa kanya
tayo lang.sagot naman niya
natakot ako kasi ako lang ang inaasahan samin marami pa ako pangarap sa buhay 21 years old na ako pero nbsb pa rin fling lang hindi naman kasi siya nagliligaw
uwi na tayo gabi na malamig na.sabi niya sakin
sumunod na lang ako kesa naman ano pa mangyari samin takot ako..
Mula noon hindi na ulit siya nagparamdam gustong gusto ko na ulit siya makita tawag ako ng tawag,minsan magttext yung hihingi lng ng load ako naman load agad..Hindi ko sinasabi kay gelay kasi ayoko majudge pero nalaman dn niya..
Ano ka ba natalie niloloko ka niya,ani ni gelay
Wala naman kami gusto ko lang naman siya makita..sagot ko sa kanya..
Bahala ka nga,ani ni gelay
May mga panahon pa na ang gf niya ang nakakasagot galit na galit..nakokonsensya naman ako,minsan kapatid niya isang beses nagkita kami ng kapatid yung virginity ko lang dn ang habol niya kasi hindi siya naniniwala virgin pa ako,pero walang nangyari samin kasi takot na ulit ang bumalot sakin kaya ayun hindi na ulit nagparamdam..Pagmay swimming kami sumasama talaga ako kasi nga gusto ko siya makita pero minsan kasama dn yung gf niya,sobrang sakit na kahit alam niya na may feelings ako sa kanya ganun pa dn ang ginagawa niya..Pilit ko siyang kinakalimutan tinuon ko yung atensyon ko sa mga kaibigan ko..
kabanata 7
May mga nililink sakin kaso hindi naman sila nanliligaw kasi pangit ako at isip bata kung magisip,takot akong pumasok sa isang relasyon kasi never pa ako nakaranas magkabf kaya hindi ko alam kung paano..
Nagorganize ulit yung kabacthmate namin naginuman kami mejo may tama na ako
Hatid na kita,ang sabi niya sakin
huwag na kaya ko naman umuwi,sabi ko sa kanya
takot ka ba sakin?tanung niya
Hindi bakit naman ako matatakot sayo wala naman ako bf.sagot ko
ako na maghahatid sayo sabi niya
pero dinala niya ako sa bahay na walang tao at doon niya ako hinahalikan kamuntik ko ng maibigay pero mabait pa rin si Lord hindi niya ako hinayaan na sa kanya ko maibibigay..
Nakauwi na ako sa amin siya pa dn naghatid sakin naalala ko yung halikan namin bakit wala ako maramdaman na kakaiba,dun ko narealized na hindi ko pala siya totoo mahal walang spark,cguro kasi ako lang naman yung may feelings may gusto lang siya kunin sakin kaya siya ganun sakin..mula noon inignora ko na siya sa aking isipan,may mga dumating pero hindi rin nagtagal manligaw
may mga feelings naman kaso takot pa rin ang bumabalot sakin..
Ay pepe...nakakagulat ka naman gelay dahan dahan ka naman jan muntik na malaglag puso ko sayo eh..
Hay naku ang lalim kasi ng iniisip mu kaya ka nagugulat abot hanggang langit..
Tara punta tayo Ng Rob window shopping tayo para naman malibang ka para kang binagsakan ng langit chin up gurl..litanya ni gelay
Alam mu gelay ngayon ko lang dn narealized hindi siya kawalan sa buhay ko,.
Hi,,,,,biglang sigaw ni mike
Ay putik!!!ano ba bigla bigla ka na lang nasigaw mike malapit pa naman ako sa pintuan ng boarding house namin talsik sayo ang laman ng tenga ko eh..gwapo si mike kaso nga lang may anak na siya na nung una tinago pa niya feeling binata laging nagpaparinig na siya na lang daw ang gawin ko bf bibigyan niya daw ako ng magandang lahi kasi nga hindi naman ako maganda pero malakas lang talaga cguro ang s*x appeal ko at ipapamana niya daw yung kalsada..
kaya ito na naman siya nangungulit na ulit..
natalie...tawag ni mike sakin na nakangiti na ubod ng tamis kita na ang dalawang dimples niya..
Infairness naman sayo mike napakagwapo mu talaga..sita naman sa kanya ni gelay
Bakit hindi naman ikaw ang nililigawan ko itong si natalie,,himig tampo ni mike kay gelay
Naku naku tigilan niyo na yan at ikaw naman mike asikasuhin muna lang yung anak muh..ang sabi ko
Bye....kumaway pa ako kay mike na nakabusangot ang mukha..
Kita ko kay gelay inip na inip na,mainipin kasi siyang tao at mainitin dn ang ulo may bf dn siya kaya happy siya kasi may love life ang lola muh..
Pagdating namin sa robinson ang daming sale..
Naggrocery muna kami sa mga needs namin
ng bigla akong nakabangga..
Ouch....pd ba tumingin ka sa dinadaanan mu kung saan saan ka kasi nakatingin..palatak niya sakin
Sorry po maam,,hingi ko ng paumanhin pero muka siya maldita puro drawing naman ang kanyang kilay..grabe na talaga ngayon pati kilay drawing na lang,kilay is life ika nga..
Hinila na ako ni gelay..
Halika na hayaan muna siya jan..hindi mu naman yun sinasadya napakaarte lang..ginaya pa ni gelay ang reaction nung babae..
Napalakas naman ang aking tawa sa ginawa ni gelay..
ikaw talaga ang galing mu dn manggaya..nagkatawAnan kami pareho masaya lang kami..Gelay kain na tayo sa jolibbee na lang tayo kumain restaurant ng masa yun lang kasi ang afford namin,,
Ok cge tara na,,sang ayon sakin ni gelay
Ako na ang nagorder si gelay naman naghanap na ng uupuan namin..
Dala ko na yung order namin,kumaway siya sakin
Grabe tagal ko nakahanap ng pwesto natin sakit sa paa mandin,wika niya
uo nga dami ngayon tao kahit nga dn sa pila tagal dn ang order
kain na tayo....
habang kumakain kami nagsalita si gelay
sama ka sakin natalie..sabi niya sakin
saan?tanung ko
Dun sa kapatid ng jowa ko bday kasi para may kasama ako..masayang wika ni gelay
ala ay nakakahiya naman hindi naman ako sanay pumunta sa bdayhan,,ang sabi ko
Dali na sama kana sakin kakain lang tayo doon,,wika niya na may kasama ngiti
Cge pero hindi ba nakakahiya sinama mu pa ako ay ikaw lang naman ang imbitado,,sabi ko sa nahihiya tono..
Okey laang yun minsan lang naman eh,,,wika niya na masayang masaya ang mukha..
kabanata 8
Pagkalabas namin. galing trabaho derecho kami sa batangas kasi taga dun ang kapatid ng jowa niya..
Sinundo kami ng jowa niya pagkababa namin ng bus
Tahimik ako habang naguusap sila kilala ko na dn naman yung jowa niya..nakilala ko mga kapatid ng jowa niya at mga pinsan puro na sila lasing..
Hi,,mervin nga pala
hi,,Edward
hi,,richard
hi,,micheal kuya ng jowa ni gelay
Heloo,,natalie po
lahat sila nagshake hands
Mahal,,kain na muna kayo rinig ko sigaw ni moller jowa ni gelay
Tara kain na tayo,,sabay tayo ni gelay
Habang kumakain kami nagkakasiyahan sila at napaling ang atensyon ko sa dalawang nagaaway
biglang binato yung celpon..Niyaya na siya umuwi ni richard asawa niya pala yun..
Tapos merun dn isang couple na walang paki sa paligid basta nakaupo sa harap yung babae lasing na yung lalaki walang iba kundi si mervin Sa isip ko ang totoy pa nung lalaki..
Tinapos na namin yung pagkain at naghanap kami ng matutulugan at hindi kasya dun sa kabilang bahay..Kinabukasan bumalik ulit kami dun sa bahay nila
Lasing na lasing ako kagabi hindi na tuloy ako nakasama sa inyo,wika ni mervin sa kanyang kuya moller
Ay uo nga..sagot ng kuya niya
Gusto niyo ba maglomi?tanung samin ni moller
Ay uo nga masarap dito ang lomi,segunda naman ni mervin
Ay kayo,,sabay namin sagot ni gelay
Kita ko sa mukha ni mervin ay tuwang tuwa kala mu walang gf samantalang kagabi hindi na hihiwalay yung gf niya sa kanya sa isip ko lang naman yan sinasabi..
Natalie dito kana sa likod umupo tabi tayo,ani ni
mervin
Saan pa ba ako uupo no choice naman ako,ang sagot ko naman na may kasamang ismid..
Nagbibiruan sila kasi kwela dn naman si moller
bigla nagsalita si mervin
Bakit pagnatawa ka hindi nawawala mata mu bakit sakin pagnatawa ako nawawala,biro sakin ni Naku naman,yan lamang ang aking nasabi sa biro niya sakin..
Ano number muh?tanung niya
Binigay ko naman..
Mula noon lage na siya nagttxt pero bago kami nagkakilala may sinagot na ako sa mga nanliligaw sakin,
Mejo may edad na siya kaso wala siya trabaho umaasa lang siya sa mga kapatid and then nagkikita dn kami ako pa yung nageeffort para magkita kami at talagang pinilit niya ako na ibigay ko sa kanya kasi sabi niya pakakasalan daw niya ako,ako naman noong panahon na yun ay walang plano pa magpakasal nung una hindi ako pumayag,hanggang sa nakuha niya ang loob ko at napapayag sa gusto niya.
Samantalang gabi gabi tumatawag sakin si mervin sinasabi ko naman sa kanya na mag bf na ako tapos may gf dn siya hindi pa rin siya tumigil
sa kakatawag..masaya naman siya kausap..
Natalie pagisipan mu mabuti kasi kung kay mervin buhay kana sa kanya madiskarte pa hindi katulad niyang bf mu parang walang pangarap sa buhay,hindi man lang nga napunta dito para sayo naku Natalie kung ako sayo kay mervin kana,,,payo sakin ni gelay na may kasama sensiridad ang boses
Sa tingin mu tama kaya ang magiging desisyon ko ,,gelay
Ay uo naman,sagot niya sakin
Kabanata 9
Kinagabihan tumawag sakin si mervin sinagot ko
hello...
hi...
Papayag ako sa sinasabi mu pero hiwalayan mu ang gf mu hihiwalayan ko dn ang bf ko..ang wika ko sa kanya na may halong kaba.
Ok cge deal,susubukan lang naman natin kung magwowork out pero kapag hindi eh d hindi na natin itutuloy..sabi niya sakin hindi ko alam ang isasagot..
Bago ako matulog nagdasal muna ako humingi ako ng sign at pinagdasal ko na sana sa magiging desisyon ko hindi ko pagsisihan at hindi ako mabibigo..
Kinabukasan wala ako pasok sa trabaho
Nagtxt ako dun sa bf ko kasi hindi ko kayang makipaghiwalay sa personal baka hindi ko kaya kaya sa txt na lng,
Hindi siya pumayag,panay ang tawag niya umiiyak siya ayaw niya ako pakawalan,pero buo na ang desisyon ko si mervin ang pinili ko..
Nagpalit ako ng number kasi hindi ko kaya na tumatwag siya at umiiyak na bumalik ako sa kanya..
Sa isang banda si mervin ay nakipaghiwalay dn sa gf niya..nung una hindi rin pumayag pero buo na dn ang desisyon niya..
Naging kami ni mervin sinabi ko sa kanya na ayaw kung may hikaw at ayaw ko madumi kuko ayaw ng mahaba ang buhok lahat yung pinabago ko
Unti unti naman niya ginawa..
Nung una wala naman talaga ako nararamdaman para sa kanya pero marami siya oras at effort sakin..marami kami magagandang memories na magkasama..
isang araw nag aya siya sakin
Babe sama ka samin ng mga kuya micheal sisimba kami sa manaog may pasok ka ba sa lingo sabado ng gabi kasi ang biyahe?magkasama kami ngayon
Cge yan ang gusto ko magsimba sa kahit saan simbahan..sagot ko
ok cge sabhini ko sa kuya,..ani niya
Nakasama ako sa pagsimba at naging masaya kami sa aming relasyon tanggap niya ako at tinanggap ko dn lahat ng flaws niya..
Isang araw galing ako trabaho may text siya
Babe pumunta dito yung ex ko at dito natulog,yan ang kanyang sinabi..
Ah talaga?baka naman magkatabi pa kayo matulog?tanung ko na galit na
Hindi kami magkatabi dun siya natulog katabi ng ate...reply niya sa text
Hindi ako naniniwala,sumisikip dibdib ko hindi ko mapigilan hindi magalit..
Hindi ako nagrereply sa text niya..
Kabanata 10
Mervin pob
puntahan ko kaya si natalie hindi siya nagrereply sakin at mukhang makikipaghiwalay siya sakin,hindi ako papayag dadalawin ko siya sa restday niya mahal na mahal ko siya ayaw ko mawala siya sakin..sobrang marami na kami pagsubok ang nalampasan ngayon pa ba,dumalaw lang naman yun ex ko wala naman nangyari samin kasi frends dn naman yun ng ate..hayyssst sana makinig at maniwala si natalie sakin hindi ko dn naman yun iniexpect eh..
natalie pob
Bahala nga siya sa buhay niya sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon
faithful naman ako sa kanya tapos ganun lang ang gagawin niya sakin...nakakaiyak naman..
araw na ng restday ko nagulat ako biglang dumating si mervin at niyakap ako at nahingi ng sorry..
Babe sorry pero wala naman talaga nangyari samin mahal na mahal kita,seryosong wika ni mervin
Hindi ako nagsasalita,,ganyan ako kapag galit tahimik lang ako
Nilalambing niya ako
sino ba naman ako para hindi siya bigyan ng chance..
Ok cge pinapatawad na kita at bibigyan kita ng isa pa chance pero kapag naulit yun hindi na kita mapapatwad,,yan ang sabi ko sa kanya
Yes po,babe salamat hindi ko sisirain ang tiwala bibigay mu sakin..love you love you sabay halik..
Dinala ko siya sa ate ko para ipakilala kasi 2 years na kami hindi pa siya nakikilala ng ate ko kasi db ayaw ko majudge ng tao kaya ayan umabot kami ng 2 years bago ko siya pinakilala..
Pero dun pala magsisimula ang aming problema sa ate ko kasi hindi siya gusto ng ate ko para sakin,tutol ang ate ko sa kanya pero minahal ko na dn si mervin sa kanya ko lang naranasan ang mahalin at magmahal siya nagturo sakin kung gaano kasaya ang magmahal ng may kapalit dn na pagmamahal..pinaglaban ko siya sa ate ko at magkasama kami ngayon pero hindi kami live in nadalaw lang siya kapag restday ko
Babe gaano mo ko kamahal,,tanung ko sa kanya na may halong lambing
Babe sobrang mahal hindi ko kakayanin kung maghihiwalay pa tayo,,sagot niya na puno ng pagmamahal,
Hinalikan niya ako at hindi naman ako tumanggi hanggang sa umabot ng kalaliman..bala kayo magisip niyan hehe
Araw na ng pasok ko panggabi ako sa trabaho nagmamadali ako kasi baka mahuli ako ng bus pero nagkamali ako ng apak at natapilok ako nagkaroon ako ng sprain pero nakapasok pa ako kinabukasan nagkulay ube na yung paa ko,tumawag ako kay mervin
Helo,,Babe umiiyak na ako kasi sobrang sakit na siya
Babe ano gusto mu gawin ko,gusto mu puntahan kita jan kunin kita kasi merun dito manghihilot ipahilot mu yan para hindi malamnan..wika na may pagalala ang tono ng boses niya
Ok cge,pero samahan mu muna ako sa doctor kasi kelangan yung med cert.,sagot ko sa kanya
Nakatulog ako sa paghihintay sa kanya nagising ako sa paghalik niya sakin ang sweet naman..
Dinala niya ako sa manghihilot..
Huwag mu ko ewan dito ka lang sa tabi ko,,sabi ko ng may kasama lungkot
Ok cge,,sagot niya
Hawak hawak ko yung kamay niya kasi baka sobrang sakit,hindi nga ako nagkamali ah ah napaihi ata ako eh..
Tawa siya ng tawa sakin,
sumama naman ang mukha ko kasi tinatawanan niya ako..Hinatid niya ako kinabukasan sa tinitirhan namin ni gelay kasi nga masakit pa yung sprain ko..1 month ako nakaleave tuwing lingo niya ako dinadalaw sa bahay.
masaya ako kasi pinatunayan na naman niya kung gaano niya ako kamahal na 1 call away ko lang siya anjan na agad siya..thankful ako kasi hindi naman siya ganun kagandang lalaki pero ang importante mahal niya ako at natutunan ko