2 Bayron Aguilar

1410 Words
Mula sa una kong destino bilang ordinadong pulis sa Probinsya sa wakas ipinatawag ako kahapon sa Headquarters para sabihin ang bagong destino ko.Pabor sa akin ang mailipat sa siyudad.Ilang taon na rin ako dito sa una kong destino na isang municipality na malayo layo sa siyudad.4 na taon na ata ko rito,mahigit pa.Bago ako umalis ay nagpadespidida pa ang mga kasamahan kong pulis dito.. Konting inuman lang at pangakong magtatawagan pa rin.Lalo't 3 oras lang ang byahe papunta sa bago kung destino sa siyudad. Wala akong girlfriend sa ngayon.Mula ng mag asawa ng iba ang longtime girlfriend kong si Sharon ay di na ko nag kainteres pang tumingin sa mga babae.Hinahanap ko kasi lagi ang mga qualities ng ex ko sa mga bago kong pinopormahan ngunit kadalasan di ko na itinutuloy lalo di ko mahanap ang mga katangiang nagustuhan ko kay Sharon noon.Si Sharon ay isang Bank teller sa bangko.Matangkad,Maputi,Maganda at higit sa lahat Napakalambing sa akin. Siya ang babaeng gusto kong makasama habambuhay.Nakilala ko siya sa dorm ko noong College,pinormahan ko.Di naman ako nabigo dahil nalaman kong may gusto rin ito sa akin matagal na.Mula noon ay naging masaya ang buhay ko.Ginagawa namin ang ginagawa ng mag asawa.Okey lang sa akin na di ako ang una niya.Di naman big deal sa akin iyon.Akala ko ay kami na.Hindi pala. Totoong nasa destino ako naglalagi buhat ng magtapos ako at makapasa bilang pulis, pero nangungupahan ako malapit lang din sa presinto para mas madali ako makakapagresponde pag may mag biglaang tawag. Noong una ay okey naman ang kumunikasyon naming dalawa. Gabi gabi kaming nagvivideo call.Hangagang sa dumalang ng dumalang.Madalas di siya online.Kung sagutin man ang phonecall lo ay madalas na marami itong excuses na kesyo busy siya..hanggang nalaman ko na lang may bago na itong account.Kaya pala madalas na di ito online sa social media.Nakakilala na pala ito ng isang mayamang negosyante at nagpakasal na ito roon. Nahirapan man akong tanggapin pero kinaya ko.Ipinagpalit lang nito ang ilang taon naming relasyon sa mayamang Negosyante.Wala din naman akong magagawa kung hindi na niya ako mahal.Marahil may pagkukulang din naman ako,dahil sa loob ng ilang taon na iyon na naging kami ay di ko pa ito naipakilala sa.mga magulang ko.Ang totoo Laging wala ang mga magulang ko dahil sa Negosyo namin sa ibat ibang panig ng bansa.Kung naghintay lamang siya na kilalanin ang pamilya ko baka nalaman niya na mas mayaman pa ako sa napangasawa niya.Dangan lamang ay wala akong hilig mamahala ng Negosyo pero may share ako at stocks sa mga negosyo nang pamilya namin.Mas gusto kong manilbihan sa bansa bilang isang pulis.Pangarap ko ito mula ng bata pa ako.Sa aming magkakapatid ay ako lamang ang naiba ang propesyon.ang tatlo ko pang kapatid na lalaki ay siyang namamahala sa iba pa naming negosyo. Ang magsuot ng Uniporme ng Anumang sangay ng Sandatahang lakas ng bansa ay ultimate dream ko.At dito nga ako dinala ng kapalaran sa pagiging pulis. Winelcome ako sa bago kong assignment ng mga katrabaho ko.Sana walang maging problema sa bago kong destino.Mas masaya dahil nasa siyudad na.Pero mas marami rin ang obligasyon na dapat gampanan.Mas matao,mas marami ang krimen na puwedeng mangyari at respondihan namin araw-araw. Palagi pa kaming ipinatatawag para mag escort sa mga matataas na opisyal ng lungsod,Magbantay sa paaralan,highway at sumama sa.mga LTO operation.Ronda rito,ronda roon.Mas naisip ko mabuti pa sa dati kong destino hindi ganito karami ang trabaho namin. Pero sa ngalan ng tungkulin bawal ang humindi. Niyaya ako mag unwind ng mga kasamahan kong pulis pero tumanggi muna ako.Bukod pa sa wala akong hilig sa mga nag iiba iba ng sindi ng ilaw.Mas mabuting itulog ko na lang sa bago kong nirerentahang apartment.Doon na lang ako iinom ng isa o dalawang bote pang patulog.Di naman talaga ako manginginom.Pwera lang pag nakumbida ng katrabaho o kakilala pag kaarawan nila. Maaga ang call up namin ngayong umaga dahil sa alalay kami sa LTO checkpoint.Ang mga baguhang pulis ang naatasang tumingin sa papel ng mga motorista.Nakamasid lang ako sa mga ito at sa mga motoristang dumaraaan habang hawak ang service rifle sa harapan ko nakasabit sa balikat ko. Ngunit nang mahagip ng mata ko ang isang babae na may blonde na buhok at medyo nililipad ng hangin.Pink ang scooter at pink din ang helmet ay di ko mapigilan na sundan ito ng tingin.Pinahinto ito ng isang pulis.Bumaba sa scooter ang babae.Napako na ang mata ko sa kaniya.Mula sa pagbukas ng U-box ng motor nito hanggang sa bawat galaw nandoon lang ang mata ko.Ngunit ni hindi man lang ito ngumiti kahit na pasimplemg tinanong ng kasama kong pulis.Ni hindi nito napansin ang gandang lalaki ko.Ang ibang kababaihan halos magpapansin na sa amin tuwing may checkpoint,pero iyong magandang kaaalis lang ay wala man lang ni sulyap na ibinigay.Para lang kaming hangin. Lumapit sa akin si Sir Leo. "Ang ganda nung chicks..single pa.kaso nga lang suplada." ani ni Sir Leo sabay nguso sa kaaalis lang na scooter.Ngumiti lang ako sa kaniya.Wala naman akong maisagot.Sana ako na lang ang tumingin sa lisensya niya para alam ko kung saan umuuwi.Ngunit ng maalala ang unipormeng suot nito ay naisip ko agad na sa isang pharmacy ito nagtatrabaho. Hahanapin ko na lang sa downtown.Kahit saang branch ng botika pa iyon.siguradong mahahanap ko ang babae.Hindi maalis sa balintataw ko ang maganda nitong mukha.Paulit ulit na sumasagi kahit di ko man sadyang isipin. Katatapos ko lang mag out ng magawi ang tingin ko sa kalapit na kainan.Isa iyong turo-turo style.Palibhasa mahigit dalawamg linggo pa lamang ako rito kaya di ko pa masyadong kabisado ang mga pasikot sikot. Bumilis ang tahip ng dibdib ko.Inaanyayahan ako ng mga paa kong lumapit sa puwestong iyon.Di ako maaaring magkamali.Siya iyong babae kanina sa checkpoint.Nakalugay na ang blonde nitong buhok na hanggang dibdib.Likas na matangkad ito.5'7 sa tantiya ko.Ito ang pinakamatangkad sa grupong iyon ng mga kasama nito.May lumapit na isa sa mga katrabaho kong pulis.Mukhang kinilig ang mga kasama nito sa presensiya ni Joselito. Binati pa ng mga ito si Joselito.Pero di man lang nag angat ng tingin ang babaeng gustong gusto ng mata kong masilayan. Bumalik si Joselito sa loob ng presinto.Sinundan ko ito. " Sir,kilala mo ba iyong mga nasa mesa sa kaliwa?" tanong ko rito. Tinanaw nito ang sinabi kong mesang pinanggalingan niya kanina. "Hindi ko personal na kilala sir.Pero nakikita ko na iyan laging kumakain diyan sa kainan ni Aling Norma.Mga pharmacist diyan sa botika sa unang kanto." nasiyahan ako sa sinabi nito.Ngayon lang ulit ako nagkainteres sa babae ng ganito. "Salamat Sir" tinapik ko ang balikat nito. Tutal out na ko.Nagbihis na ko ng civilian bago lumabas ng presinto.Nagsuot ako ng facemask at pasimpleng pumasok sa kainan.Plano ko magtake out ng ulam para mamayang hapunan. Pasimple kong sinipat ang babaeng nasa pinakadulo.Siya talaga ang inilapit ko rito. "Nakita mo ba ang tingin saiyo noong pulis kanina?" dinig kong sabi ng medyo kulot ang buhok.Kausap nito ang maliit na babae ngunit cute naman talaga ang mukha.nasa 5'1 lang ito sa tantiya ko.Ibig sabihin ito iyong kursunada ni Sir Joselito. "Matagal na iyang patingin tingin sa akin.Kaso wala namang sinabi." sabi ng maliit na pero cute. "Baka miyembro ng mga torpeng pulis" sabi ng isa at tumawa pa. Itinuro ko kung alin ang bibilhin kong ulam.Pero pasulyap sulyap sa magandang babae.Mukhang di naman nito halata ang pasimple kong tingin rito.Abala ito sa pagkain ng pansit palabok at sa cellphone nito.Tumigil ito at hinarap ang dalawang katrabaho. "Hoy..tigil tigilan niyo iyang kapapantasya sa mga pulis matulis na iyan.Sinasabi ko sainyo,luluha lang kayo ng dugo." anito sa dalawa. Napatitig naman ako rito sukat sa narinig.Sumulyap naman ito sa akin at parang wala ring bumalik sa pagkain. "Grabe siya oh!Di naman lahat ng pulis ay matulis or babaero.Huwag kang judgemental." ani ng isa. "Oo nga Candy..Huwag mong lahatin." ani ng isang cute. "Okey bahala kayo..kilig now,Cry later..Basta ako never akong magkakainteres sa mga pulis na iyan,sundalo,airforce or navy pa iyan.No..no..no...way!" ani nito. Medyo nagulat ako roon sa sinabi nito.Kaya pala ni tingin ay di man lang ako tapunan dahil sa nakauniporme ako kanina ng pulis.Ngayong nakacivilian na ako at least sinulyapan ako. mabigat ang mga hakbang na umalis ako sa kainan.Ngayon na nga lang ulit ako magkakainteres sa babae sa Manhater pa ata..parang nabroken agad ako doon ha.Laglag ang balikat na umuwi ako ng apartment. Pero d pa rin maalis ang mukha ni Candy sa isipan ko. Candy...matamis sana.Kuns singtamis san kagaya ng pangalan nito ang ugali nito eh di sana nagpaimpress na ko.Wala eh...Bokya na naman ata ako nito.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD