bc

Officer's Resistive Wife

book_age18+
11
FOLLOW
1K
READ
brave
comedy
high-tech world
enimies to lovers
reckless
virgin
asexual
assistant
gorgeous
stubborn
like
intro-logo
Blurb

What if...

Kailangan mong magpakasal sa taong kinaiinisan mo abot hanggang langit para huwag makulong ang Ama mo.

Sa dami ba naman kasi ng lalaki sa mundo bakit sa pulis pa!

Ito ang kailangang harapin ni Candice Joy Aguilar.Ang makapag asawa ng isang pulis na hinding-hindi niya pinangarap dahil para sa kaniya ang mga pulis ay matutulis,bukod pa sa dalawa ang kargada minsan tatlo pa.Sangkatutak ang mga babae ng karamihang pulis na kilala niya.

Ngayong magkakaasawa siya ng kabaro nito panigurado sakit ng puso,ulo,atay at balunbalunan lang ang mapapala niya sa pagpapakasal kay Police Officer Bayron Ledesma.

Ngunit may choice ba siya?Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para magpasya itong hiwalayan siya.

Ngunit lingid sa kaalaman niya,Obsessed sa kaniya noon pa man si Bayron kaya wala itong planong hiwalayan siya.

"No retreat,No surrender!" sabi nga sa kasabihan.

Ano kayang mangyayari sa dalawang Aso't pusa na, tubig at langis pa sa bangayan?

Sinong unang susuko?

chap-preview
Free preview
1 Candice Joy Ledesma
Natutulog pa ako ng marinig ang commotion sa labas ng bahay. Hindi naman sa kalahi ako ni Marites kaso nga lang napakalakas naman kasi ng hiyawan at sigawan sa labas. Ano ba naman iyan.!.Kauma umaga may shooting na naman siguro.Agad akong bumangon at hinagilap ang pangbahay kong tsenilas na nasa ilalim pa ng kama ko ang kapares.Isinuot ko ito at paramg zombie na naglakad papunta sa pintuan ng bahay namin.Naroon na si Nanay at Tatay nakaupo sa upuang kahoy sa balkon sa harap ng bahay namin.Nakatanaw sa katapat na apartment.Naroon ang mga nagbabangayan. "Ano daw ho iyan?" tanong ko kay Nanay habang inaalis ng hintuturong daliri ko ang natuyong muta sa mata ko.May kaunti lang naman. "Ayan,sumugod iyong asawa ng pulis na pumupunta diyan sa nangungupahan sa tapat natin.Akala namin ay mag asawa yang nangungupahan diyan,Kerida pala ng pulis.!" mahabang sabi ni Nanay. Nakatuon ang mga mata namin sa babaeng medyo mataba na ang pangangatawan.Kaya marahil dinagdagan na ng pulis ng isa pang ikakama.Kasi di ba iyon naman ang sabi ng mga lalaking may asawa?Hindi naman daw papalitan,daragdagan lang. "Lumabas ka riyang malandi ka.Talagang ibinahay ka pa ng magaling kong asawa..Aba antayin niyo at ipatutulfo ko kayo.Mga walang hiya!" sigaw ng ginang.Nagkanda haba-haba naman ang mga leeg ng mga kapitbahay namin na katulad ko nakikiusyuso rin ng shooting ngayong umaga.May mga kumukuha pa ng video. "Hoy Renato.Alam kong nariyan ka.Andito ang motor mong damuho ka.Lumabas ka..Babasagin ko iyang bintana niyo " banta ng ginang.Naghanap ito ng bato.Hindi kasi makapasok sa loob dahil nakapadlock ang gate.Pero rehas na bakal lang iyon,kung tutuusin pwede siyang umakyat sa bakod dahil kaunti lang naman ang matalim na bakal na patusok.Maiiwasan naman niya iyon,nga lang dahil sa may kalakihan ang ginang di nito marahil ginawa. Nakadampot na ito ng dalawang malalaking bato. Agad na binato nito ang bintana.Basag ang dalawang peraso nang jalousy window nito. " Ano?! hindi ka talaga lalabas Renato?uubusin kong basagin yang bintana niyo!" sigaw ng ginang. sa hitsura nito mukhang napasugod ito ng wala sa oras dahil nakashort lang ito ng maong at simpleng maluwang na blouse.Di rin nakapag ayos ang ginang.Marahil hindi umuwi ang asawa nito kagabi.Matic na,nasa kerida. Bumukas ang screen na pinto ng apartment.Iniluwa noon ang isang matangkad at matikas na lalaki pero di naman kagwapuhan.Sapat lang. "Veron..huwag kang mag eskandalo rito." Mahinahing Ani ng lalaki na hinagod ng tingin ang buong paligid.Dahil alam naman niya na marami ang mga matang nakatingin sa kanila. "Anong huwag mag eskandalo?Punyeta ka..ibinahay mo pa talaga ang GRO na yan.Baka may STD na yan.Punyeta ka talaga!" Napangiwi ako ng marinig ang walang prenong bunganga ng ginang.Ang babae sa tapat namin na laging naka pekpek short, GRO pala.Pinagpapantasyahan pa naman iyon ng mga padyak drivers.Malamang pati nitong tatay ko.Maganda naman kasi talaga ang legs noon ni ...Sino nga iyon. "Asan ang Lena na iyan.Buksan mo ito at ingungudngod ko makapal niyang mukha sa semento." sigaw na muli ng ginang.Kinalampag na muli nito ang gate. "Pag usapan natin ito sa bahay.Umuwi na tayo." Ani ni Renato sa asawang galit na galit.Napailing na lang ako.Iniwan ko na sila Nanay at Tatay sa balkon. Kaya ako ayaw ko sa mga uniformed personnel. kahit pa gaano sila kaguwapo.Wala silang dating sa akin.Pare- pareho lang na mga babaero. Hindi lang naman ngayon nangyari ang ganyang eksena dito sa street namin.Ilang beses na ba?Di ko na mabilang ang mga babaeng sumusugod sa apartment na iyan mula ng magkaisip ako.Paupahan na ang katapat naming bahay na iyan 6 na helira ng two story apartment noon pa man.Mulat na mulat ang mata ko sa di mabilang na ganyang eksinang nasaksihan ko. Tumuloy ako sa banyo at naghilamos ng mukha.Nagmumog na rin ako. Dumiretso ako sa hapag at tiningnan ang pagkaing natatakpan sa mesa na niluto ni nanay.Kumuha ako ng mug at plato.Nagtimpla ako ng kape at naglagay ng pagkain sa pinggan ko.Kumain akong mag isa.Tutal busy sa pa sa pag usyuso roon sila Tatay.Tulog pa sigurado ang dalawang nakababata kong kapatid na lalaki.Palibhasa sabado ngayon walang pasok ang dalawa.Senior high school ma ang sumunod sa akin na si Clark at Grade 10 naman ang bunso na si Christian.Talagang puro kami Letter C na magkakapatid.Mag isang babae lang akong anak.Panganay sa magkakapatid.23 years old na ako at namamasukan bilang pharmacy assistant sa isang drugstore sa bayan. Patuloy pa rin ang ingay sa labas.Tapos na akong kumain kaya nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko.Si Nanay na ang sabay-sabay na maghuhugas noon mamaya. Dumiretso ako sa banyo,nagsepilyo at naligo.Naghanda na ako sa pagapasok.Isang Cream blouse and pants ang uniform namin sa Pharmacy. Pagkatapos ng Senior HighSchool ay kumuha ako ng Pharmacy Services.Gusto ko agad magtrabaho dahil sapat lang ang kinikita ng Tatay ko sa pagiging warehouse personnel nito minsan umi-extra din itong truck driver sa malalapit na destination. Ang nanay naman ay tumatanggap lang ng mga tahiin sa bahay gamit ang lumang makina niyang pantahi.Swerte pag maraming magpapatahi lalo pag pasukan na kailangan ng mga uniporme.Kadalasan puro repair lang.Tailoring naman lang kasi sa tesda ang tinapos ng Nanay ko.Dahil naubos na ang oras nito sa pagiging housewife at pag aalaga sa amin. Kaya ngayon pinag bubutihan ko ang pagtatrabaho.Kahit maraming nanghihinayang na sa hitsura ko dapat daw sa akin nasa bangko or sa magandang trabaho.Kasi hindi naman sa pag angat ng sariling bangko,ako yata ang pinakamaganda sa Sona namin.Wala nga lang akong hilig sa mga pageant na iyan.Lagi akong muse sa school noong nag aaral ako.Medyo mahiyain nga lang akong rumampa at di ko gusto ang pagpiyestahan ng tingin ng mga tao sa swimsuit na iyan.Hindi ako over confident.In short wala akong landi sa katawan. Wala pa nga akong naging boyfriend since birth.Tingin ko sa mga lalaking lumalapit at nagpapahangin sa akin ay mga gusto lang umisa.Manigas sila. "Oh papasok ka na anak?" tanong ni Nanay. "Opo." sagot ko habang sinasaklay ang knapsack kong kulay pink "Sige ingat ka." ani nito at nagbeso ako kay nanay.Ganun din kay tatay. Kinuha ko ang helmet kong kulay Fuschia pink din na spyder ang brand.At syempre ang Scooter ko na mio sporty na Pink din ang kulay.Di talaga ako kumuha ng ibang kulay.Nagrequest talaga ako sa kinuhanan ko ng motor ng kulay Pink.Installment ito dahil di ko naman afford ang bumili ng Cash. Di masyadong halata na fan ako ng color Pink. Kailangan ko ng motor dahil mahirap ang magcommute.Lalo hindi pare pareho ang shift ko sa Pharmacy. Pagdating sa boundary ng Papasok sa city na pinagtatrabahuhan kong pharmacy ay may barikada ng checkpoint.Hindi naman ko kinabahan dahil kompleto naman ako sa Papel.May lisensiya rin ako.Ang hindi ko lang talaga gusto itong mga Uniformed Personnel na ito na dadaanan ko.At baka parahin pa ko nito.ang mahirap kung anu-ano na naman ang maipuna ng mga ito kahit wala namang violation.Maiirapan ko talaga ang mga ito.Hindi ko talaga gusto ang mga ito noon pa man.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook