Prolouge
Prolouge
Go Sevy!
Sevy I love you!! tiling sigaw ng mga kababaihan sa loob ng gymnasium.
Halos magsipagtaasan ang mga kilay niya sa mga kalandian ng mga taga hanga ni Sevy na anak ng tito Seb niya.
Sarap tanggalan ng mga ngala-ngala eh para hindi na makasigaw..inis niyang sabi sa isip.
Andito kasi siya ngayon, at nanonood ng basketball dahil naglalaro nga ang Severino niya. Pinilit siya nitong manood ng laro , dahil siya lang ang available, she mean, siya lang ang may vacant time ngayon kaya siya ang nakaladkad ng malanding kumag na topakin.
Si Sevy ay anak ng tito Seb at tita Jewel niya. She called him lil bro dahil ahead siya dito ng three years. Pero kung titingnan ang hitsura ni Sev hindi mo mapagkakamalang eighteen eh. Mamang mama ito, and the looks damn! mapapamura ka na lang talaga. kaya hindi na siya nagtataka if bakit habulin ito ng mga kababaihan.
Maski nga rin siya hindi niya maiwasang hindi mapa-awang ang bibig kapag nakikita niya ito, wala eh, gwapo teh.
Sabagay kung ang mga magulang ba naman nito eh kay gagandang lahi, magtataka pa ba siya kung ang naging bunga ay ganun din.
"Bren!"
Nawala siya sa kanyang iniiiip ng may tumawag ng pangalan niya at alam niya kung sino ang nag mamay-ari ng boses na yun.
Kaya mabilis pa sa alas kwatro na tiningnan niya kung saan nanggagaling ang boses na tumawag sa kanya para lang mapanganga sa nakita.
She almost gasped ng makitang naglalakad na ito papalapit sa kinaroroonan niya habang inaayos ang buhok nito. "Shing na malupit! ba't ang hot naman ng kumag niya."
Parang gusto niya tuloy balutin ito at ng wala ng ibang makakita.
Aba'y tulo laway ang mga kababaihan na andoon. grrrrrrrrr... yaaay! maka react naman siya girlfriend lang ang peg.
"Hey! you okey?" tanong nito sabay upo sa tabi niya at basta na lang kinuha ang tumbler niya na may lamang kape at ininom ito.
"Hoy! kape ko yan, Severino!".. singhal niya dito at akmang kukunin sana ang tumbler niya pero iniwas kagad nito kaya ang ending hawak nito ang kamay niya habang ang isang kamay nito ay tinutunga ang kape na nasa tumbler niya.
Ang galing diba?
Pero in fairness naman ba't kinikilig siya..
"Ahhh! sarap.". saad nito habang nakangiti.. "Sarap mo talaga magtimpla ng kape nho.. pasok ka na kaya sa company ko at ikaw na taga gawa ng kape ko.".. pang-inis na turan nito.
"Yes! Si Sevy on his age ay may sarili ng kumpanya, astig diba? teenager pa lang ito puro pagbibusiness na ang nasa isip. Kaya sinuportahan ito ng mga magulang sa lahat ng gustong gawin nito and on his age masasabi niyang successful na ang kumag.
Minsan nga hindi niya alam kung papano nito napagsasabay ang pagmamanage ng company tapos pagaaral nito, Dagdag pa ang paglalaro nito as varsity player ng university nila, nakakabilib diba.
" Ano payag ka na?" he added.
Tinaasan naman niya ito ng kilay. .. "mahal ang singil ko sa sahod ko nho, dimo yun afford.. atsaka ikaw ha, kung maka Bren ka sakin, ate mo ako, ate, okey?" pananaray niya dito.
'Tssss, ate my ass!"
" Hoy bibig mo Severino ha! bad yan!" gulat na wika niya dito. pero ang kumag tatawa-tawa lang.
"Wala naman masama dun, tsaka ayoko ngang tawagin kang ate nho, hindi bagay!" sagot naman nito habang nagpupunas ng pawis.
"Mas matanda ako sayo kaya ate mo ako nho! tsaka anong Hindi daw bagay? anong gusto mo baby? love? babe? hon? jowa?-----
"Much better than ate."... putol nito sa sinasabi niya sabay tayo at basta na lang naglakad palayo sa kanya.
Awang naman ang bibig niya sa sinabi at inasta ng Sevy niya... pero nung makabawi mabilis ang mga paa niyang sinundan ito.
Inay por dios sa laki ng mga hakbang nito dahil malaking tao at matangkad ang kumag kailangan niyang tumakbo para lang mahabol ang may sapi niyang si Sev..
"Hoy! hintayin mo nga ako!" tawag niya dito, pero ni hindi man lang siya nililingon." Aba't talaga naman oo! Sevy saglit lang ha! nakakainis na! papapuntahin mo ako dito, kukulit-kulitin mo ako tapos iiwanan mo lang din pala ako, hindi mo na ako ginalang ha! bastos kang bata ka! sa susunod iignore na talaga kita tandaan mo yan!" sigaw niya pa dito.
Napahinto siya ng bigla itong huminto at inilagay ang dalawang kamay sa tagiliran nito at humarap sa kanya habang kagat-kagat ang ibabang labi.
"Tang-inang hinayupak, model lang ang peg.... ay! erase-erase,, naiinis ka Bren kaya bawal siyang purihin!.." Oh ba't ka huminto? go on! go lang! mauna ka na tutal nang-iwan ka na din naman diba, lubusin mo na!".. asar niyang sabi pa dito..
Kita naman niya ang pag buga nito ng hangin sa bibig na akala mo ay nafufrustrate. Pero imbis na magsalita ay pinakatitigan lang siya ng matagal.
" Oh, nanuno ka na ba diyan? kung wala ka ng sasabihin mauuna na ako, pagod ko lang humabol sayo!".. wika pa niya. Pero ang totoo lakas ng t***k ng heart niya teh.
She was about to walk to the other direction ng bigla itong magsalita.
"Talaga bang lil bro lang ang tingin mo sakin?" seryusong tanong nito.
Oh my gulay! ano ba dapat isasagot niya sa tanong nito?? Gusto niya si Sev, yes gusto niya, actually hindi lang gusto mahal niya, pero she was scared na baka pag nalaman nito eh, paglaruan at tawanan lang siya. Sevy is a kind of person na hindi mo basta-basta mababasa ang takbo ng isip. Kilala ito sa pagiging playboy at doon siya naiinis at natatakot.
Natatakot siyang masaktan.
Isa pa iniisip niya kung aaminin niya ang nararamdaman niya para dito baka maging reason pa yun para magbago ang takbo ng samahan nila bilang matalik na magkaibigan at ayaw niya yun.
She can't afford to lose Sevy and also their firendship.
"No need to answer my question! at least alam ko na!" saad nito.. "tsssss." Sev chuckled. .. "Akala ko kasi crush mo ako eh, buti na lang dahil ayaw kitang masaktan! I have to go bubwit, may ka date pa ako eh... I'll asked manong Tony na ihatid ka na sainyo.. bye!" sigaw nito at basta na lang siya tinalikuran.
"Hay*p na!" malakas na mura niya. pero naman, nasaktan siya dun ng bongga ha.... She lifted up her head para bumalik ang mga luha niyang malapit ng kumawala. Hindi siya pwedeng umiyak.
Brena hurriedly picked up her phone and composed a message. "No need to ask manong Tony, I have my car, enjoy!".
After niyang maisend ang message niya kay Sevy, naglakad na siya papuntang parking. Need na niyang makaalis sa lugar na yun, pero hindi muna siya uuwi ng bahay kailangan muna niyang magpalipas ng sama ng loob. Yung as in lipas na lipas... hays,,,,
...........................................................
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng bahay. Nag-iingat siyang makagawa ng ingay dahil lagot nanaman siya sa kanyang mommy.
Kalokohan niya kasi yung sabing one hour lang aba'y inabot ba naman siya ng eight hours.
She was about to close the main door slowly ng biglang lumiwanag ang buong living room and chadaaaa, her mom and dad was there, sitting pretty sa sofa habang matiim ang mga matang nakatingin sa kanya.
" Ow, so the lady Adson is finally here! saan ka nanggaling?" tanong sa kanya ng mommy niya.
"Nagpalipas lang ako mi ng time po".. she simply answered sabay halik sa pisngi ng mga ito.
"Palipas ng oras? aba anak dimo naman agad kami ininform na masyado ka palang maaga uuwi di sana nakapagprepare na kami ng breakfast mo diba?" saad pa ng mommy niya.
Pag mga ganitong linyahan mukhang alam na niya ang mangyayari.. ehhhhh scary.
She smiled widely sabay yakap sa mommy and daddy niya... "Sorry na po,, nagpalipas lang ako ng sama ng loob sa Severino na yun"... saad niya sa mga ito bago kumalas sa pagkakayakap sa dalawa.
Nagsipagtikawasan naman ang mga kilay ni Louie sa tinuran ng kaniyang panganay sabay baling sa asawa niyang si Blaze na ngayon ay nanghahaba ang nguso.
"Teka, kay Sevy? masama ang loob mo kay Sevy? why?" tanong naman ni Blaze.
Umupo naman siya sa sofa at nangalumbaba.. Dad? Mom? why I feel this? you know the hurting thing.. Alam niyo naman na gusto ko ang kumag na yun na akala mo camel kung maka inom ng kape ko, pero natatakot akong umamin po, Natatakot ako sa pwedeng mangyari lalo na sa friendship na binuo namin." Paliwanag niya sa kanilang dalawa.
"But know what mom I felt jealous pag may babae siyang pinupormahan, may babae siyang dinidate o nililigawan.. What should I do?" malungkot na sabi pa niya sa mga ito.
Louie couldn't help but to smile... "Know what, lady, erase that fear and you will be happy.. Being hurt by someone we love or even like is naturalal, and that is part of growing up. Kung hindi ka masasaktan, hindi ka magkakamali, hindi ikaw mag gogrow. right Adson?" baling nito sa ama niya na matiim lang din nakikinig sa sinasabi ng mommy niya.
" That's right love, sang-ayon nito. "Sometimes we need to get hurt for us to realize what is our worth, for us to be strong. Do not be fear sa mga bagay na nasa isip mo lang at hindi naman pa nangyayari. Why not give it a try diba? malay mo same lang pala kayo ng nararamdaman. No one knows love.. and your mom is right. You need to get hurt for you to grow. Parang baby lang yan na nag-aaral pa lang maglakad, madalas silang natutumba, nasasaktan pero bumabangon and started to walked again hanggang sa tumibay sila at matuto na silang maglakad mag-isa.. That make sense right?" mahabang litanya nito sa 'kanya na ikinatango - tango niya.
" Talked to him lady, sabihin mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo, everything about what you feel about him. Kung same kayo ng nararamdaman and that's better pero if hindi naman at least nasabi mo. Diba sabi ko nga, okey lang umiyak pero once, twice lang dahil kung araw-araw naman aba'y papangit ka niyan".. pabirong sabi pa ng daddy nya...
"Mommy!"
"Bilis-bilisan mo na ang kilos love. Aba'y kung hindi madaan sa santong dasalan aba'y daanin mo sa santong paspasan".. wika ng Daddy niya na ikinagulat nila.
"Hoy Adson! babae ang anak natin baka nakakalimutan mo, kung paspasin ko yang nguso mo eh" inis na turan nmg mommy niya dito na ikinatawa lang nilang mag-ama.
"Thank you, Mom and Dad, for always being there for me. You guys are the best!". wika ko sabay halik nanaman sa kanila.
"Asus! basta po, laging tatandaan na ang pagmamahal ay hindi ipinipilit, hayaan mong ma realize ng taong yun na mahal ka din pala niya... na ikaw lang sapat na.
" Tama love, tingnan mo ako, mommy mo lang sapat na, wag lang ako inanag kasi yung ears ko sugat na"..pang-asar ng Daddy niya sa mommy niya, kaya kinurot ito sa tagiliran.
" Aw, wife mapanakit ah.. mamaya ka sakin"
"Heh!bibig mo! lagyan ko yan nang masking tape eh."..
"Oh sure".... her dad naughtily said and winked at her..
"Sarap tusukin ng mga mata eh" rinig niyang wika ng mommy niya pero halata naman dito na kinikilig.
Brena couldn"t help but to smile widely habang nagkukulitan ang mga magulang niya.
She can say that she is so lucky for having a parent like them. They are one of a kind. Bawal ang secret sa kanila. Pinalaki sila ng kapatid niya na open sa kanilang mga magulang... Pinalaki sila ng parang magkakaibigan lang ang turingan pero andoon ang respeto at pagmamahal sa bawat isa.
Ganitong pamilya ang gusto niyang magkaroon. Masaya lang at nagkakaunawaan, walang away kung baga. At kung magkakaroon man siya ng asawa soon, sana ganito din ang samahan nila katulad ng kaniyang mga magulang na kahit matanda na, kitang-kita mo parin ang pagmamahalan sa isa't-isa.
Na kahit hindi man naging maganda ang simula ng mga ito pero tingnan mo naman ngayon, they both contented, happy and still love each other.
Sa tingin nga niya habang tumatagal mas lalong minamahal ng mga magulang niya ang isa't-isa and that was quite inspiring and amazing.
"Sana maging ganun din kaganda ang love story niya with Sev." .. well kung mamahalin din siya ni Sev then thank God, if hindi eh di fine! sa ganda niyang to maghabol? charoot lang...........