Sevy’s POV
“Wala pa rin.”
He muttered to himself as he stared at his phone screen, still blank, Brena’s name still at the top of the conversation, right above the word:
Seen.
Sinend niya 'yon kagabi, hoping kahit "ok" lang ang sagot niya. Kahit one emoji. Kahit isang punctuation.
Pero wala.
Ang sakit.
He tossed the phone onto the couch and let out a heavy breath. Malamig ang umaga pero mas malamig ang pakiramdam niya sa loob. Walang tulog, walang gana. Pero may meeting siya with Kyle in an hour kaya pinilit niya ang sarili niyang bumangon.
Nag-shower. Nagdamit. Pero habang nagsusuot ng relo, hindi niya maiwasang mapatigil.
Naalala niya yung suot niyang hoodie kagabi.
It still smelled faintly like her perfume. That sweet, familiar scent na hindi niya inaamin pero palagi niyang hinahanap tuwing mag-isa siya.
He shook his head. "Tang*na, Sevy. Tama na." kausap niya sa kanyang sarili saka nilisan ang kwarto.
Pagdating niya sa office, lahat ng makakasalubong na employee niya ay binabati siya pero tanging tango lang ang binabalik niya sa mga ito. Wala siya sa mood and inis pa siya. At alam niya kung sino ang makakawala ng lahat ng yun.
"Si Brena."
“Bro, ‘yung mga updated financials sinend ko na sa drive, check mo nalang if naka-align ‘yung sa marketing ni Louise,” sabi ni Kyle habang nakatayo sa harap ng desk ni Sevy.
“Yeah, sige. Later.”
“Okay ka lang?”
“Hmm? Oo.” He nodded, pero hindi na siya tumingin sa kausap. Eyes still locked on the laptop screen, fingers hovering over the keyboard pero walang natatype.
Kyle raised an eyebrow. “You’ve been staring at that spreadsheet for 15 minutes. Baka kasi ‘yung iniisip mo hindi naka-Excel format.”
Sevy gave a weak chuckle. “Sorry. Medyo sabog lang utak ko ngayon.”
Kyle didn’t push. He just gave a small nod and placed an energy drink beside him. “If you need anything, bro… alam mo na."
Pag-alis ni Kyle, Sevy finally let himself lean back in his chair.
Pinikit niya ang mata niya.
Gabi-gabi nalang siyang ganito.
Since the game, since that night—ang hirap kumilos ng normal. Kasi kahit anong gawin niya, it all keeps circling back to her. To Brena. Sa mga mata niya kagabi. Sa galit. Sa sakit.
And the worst part?
She didn’t even fight.
She didn’t message. She didn’t call. Parang tanggap na tanggap niya na wala na sila.
Parang… siya lang ang naghihintay.
He opened a private tab. Searched “How to win back a girl who’s better off without you.”
Pathetic.
He closed it right away.
Lunchtime
He didn’t eat. Wala siyang gana. Pumasok sa matalino niyang brain na what if? what if magsakit-sakitan siya, baka puntahan siya sni Bren.". natawa siya ng bahagya sa naisip. "Nababaliw ka na talagang tunay Severino.".
Kaya instead na kung anu-ano pa ang isipin niya, binuksan na lang niya ulit yung shared drive nila for their old college projects—yung branding campaign nila for a milk tea business. He clicked a folder labeled “Bren x Sev – Final Pitch.”
Doon niya nakita yung video presentation nila—kilig-kilig pa si Brena noon habang nag-voiceover kasi siya yung kinuha ko na magvovoice over para sa project namin and she is very much willing to help us, kaya naman super saya niya nun that time. Bukod sa tinulungan na nga siya, nakasama pa niya ng matagal si Brena. Kita niya kung paano kinikilig ito sa bloopers sa dulo.
“‘Wag mong i-cut ‘to ha!’” sabi niya sa video, sabay tawa.
Napangiti siya, pero maya’t maya ay parang may gumuhit na sakit sa loob ng dibdib niya.
He missed her.
But he also knew she didn’t owe him anything anymore.
Kinahapunan, nag-decide siyang i-check personally ang café nila sa baba ng building. It was part of their small expansion project, and usually, si Brena ang humahawak ng mga ganitong on-ground visits.
She was better at people. Mas magaling siyang mag-manage ng staff, mas maalaga sa branding. Siya, mas numbers and structure.
Pero ngayon, kahit andun siya physically, parang wala rin.
“Sir Sevy, okay lang po ba kayo?” tanong ng barista na dati pang kilala si Brena.
“Yeah. Okay lang,” he said automatically.
Pero habang lumalakad siya palabas, he caught a glimpse of a chalkboard menu sa gilid—handwritten calligraphy, may heart sa dulo ng word na signature drinks.
Alam niyang sulat ni Brena ‘yon.
Parang suntok sa sikmura. Bwesit talaga.
Pumikit siya, bumalik sa ala-ala niya nung busy sila para sa pag open ng caffe na 'to. Brena is busy arranging everything while he was busy staring at her. At nung nahuli siya nitong nakatingin, binato lang naman siya ng basahan sa mukha na ikinangiwi niya.
Napangiti siya sa ala-ala niyang yun.
"Hay Brena ng buhay ko." he whispered, then walked toward the couch.
He sat again on the same couch. Couch na paboritong upuan nilang dalawa. O while waiting sa 'kanya na bumaba from office. My Phone is in my hand.
Iniopen ko iyon to checked, baka sakali, baka sakaling meron na.
Pero wala, as in wala talaga.
One last try, he thought.
Then he typed:
“If I could undo it all, I would.”
Pause.
Then, after a minute of staring at it—
Delete.
Because the truth is, he couldn’t undo it.
And now, the only thing left to do… was figure out how to earn his way back.
Even if she never makes it easy.
Pagkatapos niyang i-delete ang mensahe, ibinagsak niya ang telepono sa gilid ng sofa. He leaned forward, elbows resting on his knees, hands tangled in his hair.
Napapikit siya nang mariin. Hindi niya alam kung mas gusto niyang umiyak, sumigaw, o basagin nalang ‘tong katahimikan sa loob ng coffee shop.
"Hay tangina lang talaga." mura niya, pero sa totoo lang hindi niya alam ba't siya nagmumura... hay buhay ....
He stood up, and walked towards the bar counter .
"Can you give me beer pleae." saad nya sa barista na naroon.
Mabilis naman siyang binigyan ng beer nito..
Kinuha niya agad 'to at nilagok.
"Shing ba't parang walang lasa." ika niya .. Bakit tila lahat ng inumin niya ay walang lasa..
Kaya instead na inumin pa yun ay naisipan na lang niyang bumalik sa taas, sa office niya at dumeretso ng balcony para magpahangin.
Humugot siya ng hangin sa balcony. Manila lights blinking around him. Everything felt so alive—cars, buildings, people. But him? Naka-hold.
Naka-pause.
He stared up at the stars. Isa, dalawa, tatlo.
Wala siyang hiling.
Ayaw niya ng wish. Gusto niya ng action.
Ang problema? He had no idea where to start.
His phone buzzed.
Not her.
Kyle ulit.
Bro, need mo ba ng yosi? I’m outside. Buksan mo.
Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto.
Pagpasok ni Kyle, agad nitong sinuri ang hitsura niya.
“Putcha. Ganito ka na ba talaga kalala?”
He gave a tired laugh. “Mukha ba akong iniwan?”
“Hindi lang iniwan. Mukha kang iniwan tapos binagsakan ng steel gate.”
Sevy laughed—this time, pilit na pilit na lang ang tawa niya. Ayaw niyang tanggapin pero yes, he was slowly breaking down.
Kyle handed him a stick of cigarette, pero hindi niya kinuha.
“Di na ako nagyoyosi, bro.”
“Good. Brena would kill you if she smelled that.”
Sabay silang natahimik. Mula ng nakita siya ni Brena na humihithit ng sigarilyo at galit na galit sa'kanya ay tinigilan na niya ang pagyoyosi. Ayaw na niyang magalit pa ulit pa sa 'kanya ang babae.
“Alam mong mahal mo siya, ‘di ba?” tanong ni Kyle, diretso.
“Alam ko.”
“Then why the hell did you let her walk away?”
Hindi agad nakasagot si Sevy.
After a long pause, he muttered, “Kasi I thought… she’d always stay. Kahit gaano pa ako kabagal, kahit hindi ako sigurado, kahit hindi ko pa kayang sabihin lahat... I thought she’d wait.”
Kyle nodded slowly.
“Well… maybe she did. For a while. Pero bro, kahit ang pinakamatibay na babae, napapagod din.”
And that hurt more than anything.