Kabanata 6: Kakaiba

1124 Words
Tumutulo pa ang tubig mula sa manggas ng polo niya tungo sa lapag nang humarap siya sa may-ari ng resto. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at tumaas ang kilay ng babaeng negosyante. "Bakit mo tinulak ang empleyado ko? Pwede kitang idemanda sa pagsira ng gamit at pananakit." "I'm sorry about that," aniya. Pinasadahan niya ng kamay ang sariling buhok. "I'll pay for the damages." Sukat doon ay nakipag-areglo ang may-ari sa kaniya habang pinatingnan sa kalapit na private clinic ang crew. Maayos lang daw ang lalaki kaya siya na ang nagbayad ng check-up fee saka binigyan niya rin ito ng ilang halaga. Hindi na nagprotesta ang empleyado. Pagkatapos ng kahiya-hiyang pangyayaring 'yon, wala sa sarili siyang naglakad tungo sa parking lot. Kanina pa nakasunod at nakapalibot sa kaniya ang hamog ng anino na mas lalong kumakapal sa paglipas ng oras. Pero tahimik lang ito kaya hindi na niya inisip. Pinatakbo niya ang kotse pauwi sa kanilang bahay. Isang katutak na sermon ang natanggap niya sa ina pagtapak pa lang niya sa loob kaya napabuntong-hinga siya. Pagod na siya. Gusto na niyang magpahinga nang husto sa kuwarto niya at kanina pa namanhid ang kalamnan niya dahil sa lamig. "Nakikinig ka ba, Alkan?!" tanong ng ina niya. Tumingin siya rito. "Bibisitahin ko si Ate bukas," aniya para tumahimik na ito. Naningkit ang mga mata ng ina niya saka napahalukipkip. "Pumunta ka na sa itaas at baka magkasakit ka." Ngumiwi siya sa sinabi nito pero hindi na umimik. Humakbang siya paakyat sa hakdang at dumiretso sa sariling kuwarto. Nakasunod pa rin sa kaniya ang mga anino pero ilang metro ang layo mula sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit parang lumayo nang kaunti ang mga ito gayo'ng gustong-gusto ng mga ito na lumapit sa kaniya. Pero wala siya sa huwisto para isipin pa ang dahilan at dumiretso na sa kuwarto para magbihis at matulog. Kinabukasan ay nagpunta siya sa ospital para bumisita sa Ate Brigette niya. Kasama niya ang kuya niya na abala sa cellphone nito. Ka-text nito ang nobya at pawang ang tawa. May nobya itong pinakilala sa pamilya nang isang linggo kaya bago sa kaniya na makita ang mukha nitong palaging nakatingin sa cellphone. Tahimik siyang pumasok sa loob ng hospital room, kasunod niya ang kaniyang kuya. May doktor sa loob. Napatingin ito sa kanila nang pumasok sila. Ngumiti ang doktor. "It's nice to see you again," anito. Tumango siya habang sinuksok ng kuya niya ang cellphone sa bulsa. Tumingin ito sa doktor. "How's my sister?" tanong nito. "She's responding to our treatment. We did a lot of test but still, her condition is new. We haven't meet this kind of disease." Nangunot ang noo ni Alkan. "What do you mean, doc?" "Miss Brigette is currently in coma, but our her test results indicate no damage on her brain and other vital organs. We can't detect the possible reason for her condition." "Is there a chance for her to wake up sooner?" tanong ng kuya niya. "Let's hope that she will wake up soon," ang tanging sinabi ng doktor bago nagpaalam para umalis. Naiwan sila ng kuya niya sa loob kasama ang ate niya. Nasa bahay ang ina at ama niya para magpapahinga at maya-maya pa'y muling babalik ang dalawa sa hospital. Nag-volunteer na siya na dumayo sa ospital habang ang kuya naman niya, na nakabantay kahapon ay sumama na sa kaniya. "Balita ko... may nililigawan ka," sabi ng kuya niya at naupo sa sofa sa paanan ng kama. Naupo na rin siya sa one seater couch sa gilid ng kama at pinagmasdana ng payapang mukha ng ate niya. "Hindi. Wala na siya," aniya. "Hindi mo tinuloy ang panliligaw?" Nagkibit-balikat siya saka napabuntong-hinga. Naglapat ang mga ngipin niya sa inis habang inaalala ang sinabi ni Daniella sa kaniya kagabi. "Ayaw na niya." Ilang segundong natahimik ang kuya niya bago niya ito narinig na natawa. Napatingin siya rito. "Walang nakakatawa," aniya. "Mahina ka, bro." Ngumisi ang kuya niya. "May ginawa ka bang mali kaya ayaw na sa 'yo ng babae?" Umismid siya. "Wala." Tumaas ang sulok ng labi ng kuya niya saka humalakhak na naman. "Sabi ni Mama na sobra daw ang paglabas ng pera mula sa credit card mo. Pera lang ba ang habol?" Naningkit ang mga mata niya sa kuya niya saka napaiwas ng tingin. Hindi niya alam kung pera lang ba ang habol nito o talagang natauhan ito sa walang linaw na relasyong meron sila. Sa saya pa naman ng ngiti nito, hindi niya lubos akalaing iiwan lang din siya ng babae. Isa pa, wala naman siyang maalalang ginawang mali. "Let's not talk about her," aniya saka binalik ang tingin kay Brigette. "Kumusta ang masteral ni Ate?" "I gave medical records to excuse Brigette in all her masteral classes. Tinanggap naman ng Professor niya. Makababalik siya sa klase sa oras na magising na siya." "May pag-asa pa bang magigising siya?" "Let's not lose hope," ang tanging nasabi ng kuya niya. Ilang oras ang lumipas ay dumating na sa hospital room ang mga magulang niya. Dahil marami nang tao, nag-excuse naman siya at nagliwaliw sa loob ng hospital. Marami siyang nadaanang mga pasyente at hospital crew na napapatingin sa kaniya. Habang siya ay hindi makatingin sa mga ito. Kita niya kasi kung paano kumapit ang aninong hamog sa mga balat nito sa tuwing nasasalubong o nadadaanan niya ang mga tao. Tuloy, naisip niyang para siyang walking danger na dapat puksain ng isang hero sa pelikula. Minabuti niyang magpunta sa labas ng ospital at tumambay doon. Pinagsawa niya ang sarili sa pagtingin sa malawak na kabahayan sa malayo. Nang kumalam ang tiyan ay doon na siya nagpunta sa isang maliit na kainan sa tapat ng ospital. Sa lugar na 'yon na siya kumain habang panaka-nakang tinitingnan ang mga taong dumadaan sa labas ng kainan. Saka siya muling tumambay sa lugar na tinambayan niya kanina. Hindi nagtagal ay nagsawa na rin siya. Pumasok siya sa sariling kotse at tiningnan ang cellphone sa kamay. Napatitig siya sa maliit na bagay na 'yon. May parte sa kaniyang gustong makausap si Daniella at may parte sa kaniyang ayaw nang makipag-usap lalo't ang babae na mismo ang umayaw sa panliligaw niya. Napabuntong-hinga siya. Nagdesisyon siyang magmaneho sa lungsod. Patuloy lang sa pagtakbo ang kaniyang kotse at hindi niya alam kung saan papatungo, hanggang nakita niya ang sariling pinahinto ang kotse sa gilid ng isang coastal road. Dapit-hapon na sa oras na iyon at ang kulay kahel na kalangitan ang unang pumukaw sa atensyon niya. Nanatili siya sa lugar na 'yon hanggang sa tuluyan nang magtago ang araw sa kanluran. Sakto naman ang pagtawag ng isang unknown number sa cellphone niya. Sinagot niya ang tawag at nakarinig siya ng kagimbal-gimbal na pangyayari... Namatay ang kuya niya sa isang aksidente.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD