Kabanata 38: Ester

1039 Words

Natuod siya sa kinatatayuan. Nakita na lang niya ang anino na gumalaw, naglakad-lakad sa loob ng kuweba. Paminsan-minsan ay napapadaan ito sa mga babae na kanina pa nanginginig sa takot. Kumunot ang noo ng lalaki sa nakita. Lumunok naman si Alkan. Sa totoo lang ay hindi niya kontrol ang anino kaya pinagpawisan siya nang malamig. Sana ay hindi mapansin ng lalaki na may sariling pag-iisip ang anino. Bumuntong-hinga ito saka tinaas ang kamay. "Tama na. Natatakot na ang mga babae. Naniniwala na akong kaya mong magmanipula ng anino." At parang nakikinig yata ang anino dahil nakita niya itong humakbang palapit sa kaniya. Tumindig siya ng tuwid sa kaba at hindi pinahalata ang panginginig ng mga tuhod niya. Bakit ba hindi siya tinatantanan ng mga anino? Akala ba niya na si Ambong lang ang nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD