Chapter 5
Gusto kong sumigaw at magwala sa galit ngunit walang ano mang salita ang nais kumawala sa aking mga labi. Tanging ang mga luha ko lamang at hikbi ang hinahayaan kong mag satinig ng lahat ng sakit na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad, ni hindi kona namalayan ang oras maging kung nasaang lugar ako at kung sino sino ang mga tao sa aking paligid. Nang mapagod ang mga mata ko sa kakaiyak naupo ako isang sulok at doon nagmukmok, napaisip ako, kailangan ko ng isang taong mahihingahan ng sama ng loob, kailangan ko ng makakausap. Dagli kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan ang kaibigan ko. Sa mga pagkakataong ganito, si Hazel lang ang tanging naiisip ko at ito lang din ang makakaramay ko.
" The number you dialled is either unattended or out of coverage area, please try your call later" paulit ulit na sabi ng operator sa kabilang linya.
Nakailang dial ako sa number nito pero talagang hindi ko ito makontak marahil ay abala ito sa ibang bagay. Nagpasya akong umalis nalang at umuwi na lamang. Aalis na sana ako ng mahagip ng aking mga mata ang isang bar sa di kalayuan. Hindi na ako nag dalawang isip pa, pumasok ako sa loob na di alintana ang ano mang pwedeng mangyari sakin sa loob.
This is not the typical bar i use to hang out and I know its very expensive here, but who cares anyway, I need a temporary outlet of my heart aches and pain. Mag oorder ako ng pinakamatapang nilang alak rito, siguro naman sabog na ako sa kalasingan after two to three shots lang. Masyadong mahina ang dozage ko when it comes to liquors so i know i wont be spending too much in here. Agad akong umupo sa counter para mag simula ng uminom.
"Waiter, bigyan mo nga ako ng pinaka matapang niyong alak dito," nginitian ako nito at agad namang tumalima.
"Thanks.." wika ko sabay ngiti rito.tumango naman ito.
Inamoy ko muna ito bago tuluyang inumin, at talagang sa amoy palang nito para na akong hihimatayin sa sobrang tapang. Kaya imbis na dahan dahanin ay inisang laguk kona lamang ito. Sa unang laguk ko palang dito naramdaman kona agad ang init na nananalaytay sa aking mga ugat sa lalamunan. At sa pangalawang pag laguk ko bahagya na akong tinamaan. Noong unay parang ayaw kopa nito, pero di nagtagal para nalang itong naging tubig na dumadaan sa aking lalamunan.
Hindi ko alam kung anong klaseng inumin ito ngunit nagsisimula na itong magustuhan ng aking katawan. Binibigyan ako nito ng nakakahalinang pakiramdam, isang pakiramdam na nagsasabing kalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko bagkus ay isipin ko ang bago at kakaibang pakiramdam na pilit pinapadama nito sakin. I know Im already drunk, but my mind keeps telling me to want more and drink more. Kinain nanga ng alak na ito ang buo kung sistema at gumagalaw na ako ng naayun sa gusto nito. Pero alam kong kaya kopang tumayo at maglakad, kaya kahit pagewang gewang na ay nilusob ko ang dance floor at doon ako nagwala sa kakasayaw na para bang itoy mahigpit ng ipagbabawal kinabukasan.
Mas lalo kopang pinag igi ang aking pagsasayaw ng makita kung may mangilan ngilan ng mga kalalakihang nakapalibot sakin. Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon para ako lang ang nag iisang ebang pilit pinag aagawan ng maraming adan. Nang mapagod ako ay umalis na ako sa dance floor at babalik na sana sa counter para uminom ulit ng mabangga ako sa isang matigas na bagay.
" Aray!" napasubsob ako sa isang matigas na bahagi ng katawan ng isang tao. Sa lakas ng impact ng pagkakabunggo naming dala
wa pakiramdam koy mas lalo pa tuloy akong nahilo. Matagal akong nakabawi sa pagkakasubsub dito kaya naamoy ko pa ang manly scent nito na sobrang bango at sobrang sarap sa ilong. Sa sobrang bango nito ay hindi ko agad naialis ang mukha ko sa kanyang malapad na dibdib.
"Oopps, im sorry Miss...are you hurt?"
"Damn it!" ang sarap sa tenga ng boses nito. His minty fresh breath quickly awakens my senses. Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at matamang tiningnan sa mukha, para bang sinusuri niya kung gaano ako nasaktan through my facial expressions. Nag angat ako ng mukha para masilyan ang mukha nito at napanganga ako ng makita kung gaano ito ka gwapo. Nag uumapaw ang kakisigan at kagwapuhan nito sa paningin ko.
Hindi ko alam kong dahil ba sa alak sa inunom ko at sa sobrang kalasingan ko kaya kaya naging sobrang perfect adonis ito sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit parang nagliwanag ang mukha nito sa paningin ko. Biglang nanghina ang mga tuhod ko na siyang kinabagsak kong muli sa kanyang dibdib mabuti nalang at maagap niya akong nasalo sa kanyang mga bisig.
" Oopps Miss ok kalang," himig nitong puno ng pag aalala.
"Wheres your table ihahatid na kita don."
"Ok lang ako, itong puso kolang ang hindi, so dont worry baby I can manage." Wala sa loob na nasabi ko sa kanya. Kahit pagewang gewang na ay pinilit ko paring i compose ang sarili.
Ngumiti ito ng maluwag, abot hanggang tenga at napatitig ng husto sakin matapos kung sabihin ang mga katagang yun. Kaya naman parang biglang kumawala ang puso ko at naiwan ito sa ere. Oh God, his smile, and his eyes it melts me like a candle.
"Stop it Jillian lasing kalang! magtigil ka! Youre not here para lumandi!
Saway ko sa sarili. I smiled back to him at pagkuway hinatak kona ang sarili papuntang counter dahil baka hindi kona makontrol ang sarili at baka ano pang masabi ko at isipin pa nitong pini flirt ko ito. Umalis na ako ng walang lingon lingon pa sa kanya.
" I need a drinks yong kagaya ng binigay mo saken kanina huh yong matapang." sabi ko.
" Sorry po Ma'am pero mukhang lasing na po yata kayu eh,baka hindi niyo na po kayaning umuwi, wala pamanndin kayung kasama. sabi nito
" Im not yet drunk ok, at saka magbabayad naman ako ah! .maangas kong sabi dito
" Sorry po talaga Ma'am baka mapahamak pa po kayu pag napasobra po kayu sa pag inom." paliwanag nito sa siya namang kinainis ko
"Im with someone, kaya kahit malasing ako ng husto rito walang problema, somebody will bring me home safely, so give me that f*****g drinks! inis kung saad dito. Ngunit patuloy laman itong nagmatigas na mas lalo ko lamang ikina inis.
"Sorry po talaga Ma'am."
"No, hindi moko naiintindihan eh, gusto kopang uminom, gusto kung malasing para makalimutan tong pesteng sakit na nararamdaman ko ok? napahagulgul na ako sa sobrang sama ng loob.
"Sorry po talaga Ma'am hindi napo talaga pwede eh lasing napo kasi kayu at marami ng nainom tapos wala pa po kayong kasama." mabigat man sa loob ay sumuko na lamang ako ng biglang...
" Give her what she wants, its on me.." ma autoridad na saad isang lalaki sa aking likuran.