Chapter 4
Matapos ang mahabang kwentohan at kulitan ay masaya akong umuwi ng bahay, bitbit ang mga masasayang alala kasama si Hazel. We really did missed each other, kaya naman hindi na namin namalayang late na pala bago pa kami nakauwi. Masyado naming na enjoy ang company ng isat isa, kung hindi pa tumawag si Mark eh hindi pa sana kami uuwi. Madalang konalang makasama ang best friend ko, kaya naman masyado akong nangulila dito at kapag ganoong may pagkakataon hindi namin sinasayang at talagang sinusulit namin ang kwentohan at bonding namin.
Iyon ngalang, talagang hindi mo maiaalis sa kanya ang sobrang kakulitan isama pa ang nakakabingi nitong sermon sakin patungkol sa feelings ko kay sir. Ganunpaman, gustung gusto ko parin ang pressence nito dahil ito lang ang tanging taong laging nandyan lage para sakin. Alam kong para na itong sirang plakang paulit ulit na naninermon sakin at nagpapayo tungkol sa feelings ko kay sir Steven pero ipinagkikibit balikat konalang ang sinasabi nito lalot lagi naman akong talo sa kanya pagdating sa ganoong usapin. Matagal na niya kasi akong pinapayuhang kalimutan nalamang ito at ibaling nalang sa iba ang atensyon ko na sya namang kinaiinis nito dahil magpahanggang ngayon ay hindi ko magawa.
Mapayapa kong inihiga ang sarili sa aking kama pero kahit dis oras na ng gabi hindi mawala sa isipan ko yong kani kanina lang naming usapan tungkol kay sir. "Papaano ngaba kung tama ito?, Paano ngaba kung magising nalang ako isang araw na may kasintahan na ito o kaya namay mag aasawa na ito? Paano ko tatanggapin ang kabiguan kong yon?
Biglang ikina lungkot ng puso ko ang mga ganoong katanungan ng isip ko,dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko napag handaan ang mga ganoong bagay.
Isa lang ang tiyak ko sa sarili, nagmamahal ako ngunit hindi alam ang patutunguhan ng damdamin kong ito. Anot ano paman ang mangyari ipapasa Diyos ko nalang wala naman akong dapat i expect wala naman kaming relasyon. Nakatulugan ko ang mga ganoong isipin ng hindi ko namamalayan, mabuti nalang at weekend kinabukasan at wala akong pasok.
Tanghali na ng magising ako at dahil sa pagpupuyat ko kagabi ay medyo sumasakit pa ang ulo ko. Kagaya ng nakasanayan, bumangon na ako para ihanda ang sarili, naglinis ako ng bahay naglaba at nagluto. Pagkatapos kung kumain ay inilista kona ang mga kailangan kung bilhin mamaya sa grocery store at sa palengke. Ilang sandali pay naisipan kunang lumabas para kahit naman papaano ay makapag unwind at makapamasyal sa mall.
Tumungo ako sa pinakamalapit na mall at doon inaliw ko ang sarili sa pamamasyal at paglilibot sa ilang bahagi nito. Kahit papaanoy naaliw naman ako at nagawa ko namang mag enjoy kahit mag isa lang ako. Naroong papasok ako sa department store at titingin tingin lang sa mga sales nilang mga items at mamimili ng kung anu ano tapos pag napagud ay uupo sa tabi at kakain ng kung anong trip kung kainin. Masaya naman pero ramdam ko ang lungkot sa tuwing nakakakita ako ng mga couples na sweet na sweet habang magkasamang namimili at yong iba ay magka akbay pa at magkahawak kamay habang naglalakad. Kapag ganitong expose ako sa mga ganitong mga eksena ay diko maiwasan ang mainggit at maawa sa sarili. Para kasing kasalanan kopa kung bakit di manlang ako nagkaroon ng boyfriend.
Noon talagang choice kung hindi mag boyfriend dahil gusto ko talagang magtapos muna ng college mahirap na at baka sumabit pa. Kaya kahit may mga mangilan ngilang nanligaw sa akin noon talagang hindi ako nagpakita ng interes kahit kanino man sa kanila hanggang sa sila nalang din ang kusang sumuko. Sabi ko sa sarili ko, saka nalang pag nakapag tapos na ako. Kung kailan ready na akong magpaligaw at mag boyfriend saka naman wala ng naglakas loob na ligawan ako. Kung kailan binuksan ko ang puso ko saka naman nawala ang chance ko na magkaroon ng lovelife.
" Inlove nga ako pero ako lang ang nakaka alam at mukhang wala pa yatang pag asa pag nagkataon...hay ang malas nga naman talaga oh,.."
Hindi na ako nakatiis, masyado ng masakit sa mga mata ang mga nakikita kung mga sweet couples sa paligid. Pagkatapos kung kainin ang snack ko ay nag decide na akong umalis na sana sa kinauupuan ko. Akmang aalis na ako ng may mamataan akong isang pamilyar na bulto ng isang lalaki sa di kalayuan at may kasama itong maganda at sexy na babae. Kaya nagmadali ako sa paglalakad upang sundan ang tinatahak nilang landas. Gusto kung makasiguro kung siya ngaba yon.
Dinala ako ng aking mga paa sa isang cafe. Nakita ko ang dalawang pigura na aking sinusundan na nakaupo na sa kanilang reserve seats sa dulo, kaya mas pinili ko yong lugar kung saan hindi nila ako masyasdong makikita.
"Its confirm,si sir Steven nga pero sino kaya yong kasama niyang babae?" bulong ko sa sarili.
I use my phone para makita sila kahit nakatalikod ako sa kanila, nagkonwari akong nag seselfie lang at nakita kong sweet sila at very accommodating si sir sa babae, at yong babae naman very sweet sa kanya. May pagkakataon pa ngang sinusubuan niya ito ng pagkain. I feel badly hurt watching that scene. Kitang kita ko kung gaano kasaya si sir kasama ang babae. Abot hanggang tenga ang mga ngiting ibinibigay ng mga labi niya para rito, yung ngiting punung puno ng kaligayan, mga ngiting ngayon kulang nakita sa mga labi nito sa tanang buhay ko na kasama siya.Kung ibang tao lang sana ang mga ito baka naging masaya pa ako at nakaramdam ng kilig sa ganoong sweetness nila sa isat isa pero nasaktan ang puso ko.
Hindi ko namalayan ang kusang pagpatak isa isa ng mga luha ko na syang sinalu naman ng isang tasang kapeng nasa aking harapan. Masakit ang makita siyang masaya sa piling ng iba. Masakit magising sa katotohanang hindi ako ang nagpapaligaya sa kanya ngayon. Pero kahit sobrang nasasaktan na ako sa mga eksenang nakikita ko hindi ko magawang kahit kumarap manlang o umiwas ng tingin sa kanila bagkus ay lalo kopa silang pinanood na para bang sinusulit ko ang bayad ko para sa isang magandang palabas sa isang sinehan. Pakiramdam ko tuloy , parang pinupunit ang bawat parte ng puso ko sa sobrang sakit. Sa isang iglap biglang gumuho ang lahat ng mga pangarap ko na kasama siya.
" Oh c'mon jillian why are you hurt so badly? Walang iyo! at walang kayo! so dont act like a jealous girlfriend! and dont act as if you have the right! sigaw ng utak ko.
Masakit marinig mismo sa utak ko ang katotohanan dahil hindi ako naging handa para sa mga ganitong bagay. Akala ko simpleng feelings lang ang meron ako para sa kanya, hindi ko manlang namalayang lumalalim na pala ito. Marahil dahil sa tagal na ng panahong nakatago lamang ito sa loob ng puso ko.Sobrang sakit ng nararamdaman ko kaya hindi na kinaya ng puso ko at nagkusa na itong i guide ang mga paa ko papalabas ng mall.
Umalis ako sa lugar na yon at walang lingon lingong humakbang papalayo. Sa sobrang sakit ng puso ko at sa sobrang gulo ng utak ko hindi ko na namalayan kung saan na ako dinadala na mga paa ko. Basta hinayaan kolang ang mga ito na dalhin ako kahit saan nito gusto. Parang lumulutang sa hangin ang isip ko habang naglalakad. Dahan dahan lang ang aking paglalakad at pag hakbang ngunit ramdam ko ang bigat ng mga paa ko.