“Hindi na dumadaan si Camilla! Hindi na dumadaan ang anak ko!” galit na galit kong sigaw ng mula ng araw na malaman kong si Camilla ay anak ni Cherry na posible ngang buntis noong iwanan ko ang magpunta ako ng Korea ay hindi ko na muling nakita pa ang batang babae na dumaan sa harap ng bahay namin. Hindi pa ako nasiyahan at pinagpukpok ko ang gilid ng wheel chair kung saan ako ilang taon ng nakabilanggo. Galit na galit ako kay Mama. Siya na naman ang dahilan kung bakit ako nagagalit ngayon. Gusto kong magpunta kay Cherry pero hindi ko alam kung paano? Hindi ko alam kung paano ko hinihingi ng sorry ang lahat. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula para magpaliwanag ng lahat-lahat ng mga nangyari simula ng iwanan ko siya. “Lee, kumain ka na anak. Baka naman wala lang pasok si Camilla

