“Tao po!” Sabay-sabay pa kaming napalingo ng mga anak ko sa labas ng bahay ng marinig ang malakas na pag tao po ng kung sinong nasa labas ng gate. Walang pasok ang mga anak ko kaya tulong-tulong kami sa paglilinis ng bahay. Hindi ko na rin naman kailangan na utusan pa sila dahil alam na nila ang kanilang dapat na gawin. Basta magaan at alam kong kaya nila ang trabaho ay hinahati ko sa kambal gaya ng pagwawalis at pagpupunas ng alikabok sa mga kasangkapan. “Sino kaya ang bisita natin?” tanong ni Camilla. “Baka o-order lang ng pagkain kay Mama,” ani naman ni Cholo na siyang tumigil sa pagwawalis at lumabas ng bahay para silipin kung sino ang nagpapa-tao po. Wala akong order ngayon. Madalas na may nagpupunta talaga para umorder ay ang may mga edad na hindi masyadong gumagamit ng cellp

