Episode 40

2065 Words

Wala pang alas-dies ng umaga ay halos ubos na mga paninda ko. May seminar kasi sa malapit na covered court at dito bumili sa akin ng pang-merienda. Wala na akong kasama dahil natanggap na nga sa trabaho si Jelly. Masayang-masaya ako para sa kaibigan ko dahil nakakabalik na nga siya sa tunay niyang mundo. Hindi siya natanggap sa ospital gaya ng plano niya pero natanggap siya sa isang hotel and restaurant bilang isang receptionist na kung saan alam ko talagang magagampanan naman niyang mabuti. “Ubos na yata mga paninda mo?” si Lee na bigla na lang din talagang sumusulpot sa tindahan ko. Kapag wala siyang ginagawa ay talagang narito siya. Hindi naman siya nakakaistorbo. Nakakatulong pa nga siya kung tutuusin pero kapag kasi narito siya ay nakakailang lalo kapag nagpapang-abot sila ni Ar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD