Nasa bahay ako nina Lee dahil hinatid ko ang mga anak. May pupuntahan daw silang amusement park para may bonding sila ng mga bata. “Bakit hindi ka sumama, Che? Tara na at sumama ka na,” pagyaya sa akin ni Lee. “Naku, kayo na lang muna. Paano kayo makakapagbonding ng mga bata kung kasama ako? Kayo na lang muna para mas mapokus ang atensyon nina Cholo at Camilla sa inyo.” Ang tapat kong paliwanag. Mas mabuti talagang huwag muna akong sumama kasi nga ngayon lang sila magba-bonding na mag-aama kasama pa ang pamilya ng kanilang tatay. Ayokong mahati pa ang atensyon ng mga bata kaya mas mabuting sila-sila muna. “Sure ka ba?” untag ulit ni Lee. Tumango ako ngumiti. “Sure na sure Lee. Kayo na muna ang bahala sa mga bata. Mag-enjoy kayong mabuti.” Ang sagot ko. “Baka naman may iba kang plan

