Episode 38

1039 Words

“Ang haba ng buhok! Partida may kambal ka na!” si Jelly na hinawakan pa ang mga bulaklak galing na naman kay Engineer Ardy. “Naku! Ilang ulit ko na ngang sinabihan si Ardy na huwag niya na akong pinapadlhan ng bulaklak. Sayang ang pera.” Sagot ko. Habang naghihintay kasi na matanggap sa trabaho si Jelly ay tumutulong-tulong muna siya sa tindahan ko para gawin naman daw siya. Makakatulong din talaga kasi kay Jelly ang laging naaabala para huwag kung anu-anong iniisip niya. Binibigyan ko siya ng sahod pero araw-araw niyang tinatanggihan. Huwag ko raw siyang alalahanin dahil hindi niya pa raw kailangan ng pera. Mas kailangan niyang may gawin sa buhay para malibang siya. Si Ma'am Juvy at Tita Jelly naman ay nalilibang sa pagtatanim ng mga kung anong mga halaman sa isang bakanteng lupa na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD