Naging maayos naman ang lahat. Napapalaki ko ng maayos ang kambal ko sa tulong na rin ni tatay na talaga namang bumawi sa amin. Si tatay ang naging provider naming mag-iina kahit pa minsan ay tinatanggihan ko dahil baka sobra na ang ibinibigay niya sa amin ng mga apo niya. Iniisip ko rin kasi na may sarili rin siyang pamilya na sinusuportahan. Wala naman akong narinig na reklamo kay tatay lalo pa sa mga taon na kailangan ng gatas ng mga anak ko. Hindi uubra ang breast feed dahil dalawa sila kaya mas mainam na nakabote silang dalawa. May inupahan pa na yaya si tatay para maging katuwang ko sa pag-aalaga sa dalawang bata ngunit ng mag-aral na sina Camilla at Cholo ay kinausap ko na ang yaya na kaya ko ng alagaan ang dalawang bata. Nagkakaedad na rin kasi si tatay at madalas ng magkas

