“Miss Cherry Alonzo So?” Napatingin ako sa isang lalaking may dalang isang bungkos ng puti at pulang rosas. Kasakuyan kong pinupunasan ang mga dahon ng saging na ginagamit kong sapin sa bilao ng mga umoorder ng bila-bilao. “Ma'am, tanong ko lang po kung kayo si Miss Cherry Alonzo So?” ulit niya ng tanong sa akin habang binasa ang pangalan ko sa maliit na papel na kanyang hawak. “Cherry Alonzo ang pangalan ko at wala ng karugtong na So, sir.” Ang sagot ko sa nagtatanong bagamat wala naman akong kapangalan. Nag-iisa lang akong Cherry Alonzo sa lugar na ito. “Ma'am, kayo lang din po kasi ang itinuturo ng lahat ng mga napagtanungan ko kaya sa inyo po ito. Delivery po galing asawa niyo na si Mr. Lee Charle So.” Pahayag ng delivery rider kaya ng iabot niya sa akin ang mga bulaklak ay wala

