Episode 34

1547 Words

“Maraming salamat po, Tita Juvy. Ang totoo po ay hindi ko alam kung paano kayo haharapin ni Kuya Lee sa mga nangyari. Humihingi po ako ng tawad. Pinagsisisihan ko po na nagpagamit ako kay nanay sa halip na sinaway siya sa mga hindi maganda niyang balak. Sana ay hindi po tayo nauwi sa ganito. Sana hindi po tayo nagkagalit-galit at hanggang ngayon magkakasama pa rin tayong nagkukuwentuhan at nagkakantahan.” Buong pagsisisi na pag-amin ni Jelly sa lahat ng mga naging kasalanan niya at ng nanay niya. Mula sa umpisa ay si Tita Julie pala talaga ang may pakana ng lahat ng lahat ng mga panlolokong nangyari. Kahit ako ay hindi makapaniwala na nagawa niyang magsanla at magbenta ng mga ari-arian na hindi naman kanya. Ayaw niya sa akin para kay Lee dahil may malaki siyang utang sa pamilya ni Mabel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD