“Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong ko kay Jelly ng magising na siya sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Matapos ko nga siyang iuwi sa bahay ay pinaliguan ko siya ng mabuti. Sinuklayan ko ng maayos ang kanyang mahabang buhok at nagpatawag pa ako ng home service manicure at pedicure para sa malinisan ng mabuti ang kanyang mga kuko. Ang sabi ko sa kanya ay magpahinga muna siya ng mabuti. Kumain siya ng kumain at matulog ng sapat. Halos hindi nga ako natutulog dahil binabantayan ko siya. Baka kasi umalis siya ng walang paalam at kung saan na naman mapadpad. Ngumiti si Jelly at naupo na sa isa mga bakanteng bangko sa dining table sa kusina. Nagkakilala na sila ng kambal kagabi. Sobrang saya ng kambal na meron pala silang Tita ngunit si Jelly ay halos himatayin pa sa kakaiyak. Iyak

