Prologue

308 Words
Gabing-gabi na. Mag-isa kong tinatahak ang eskinita papalabas sa bahay ng kaklase ko. Gumawa kasi kami ng presentasyon sa subject naming Filipino na bukas na irereport. Wala pa ako sa kalahati nang maramdaman ko na tila may sumusunod sa akin. Nagtaka ako pero hindi yun ang dahilan para matakot ako. Kalalaki kong tao tapos matatakot ako. Hindi uso yun. Dahil kita ko siya tuwing sinusubukan kong lumingon sa likod, alam kong natatakpan ng kanyang sumbrero ang mukha at talagang itim ang kulay ng lahat ng suot niya. Bawat hinto ko ay siyang hinto niya rin. Bawat lingon ko ay siyang tago niya rin. Akala niya, hindi ko siya nakikita. Nang papaliko na ko, sinubukan kong magtago para mahatak ko siya at malaman kung bakit niya ako sinusundan. At dahil mukhang hindi naman siya bihasa sa pagsunod ay nagawa ko siyang hatakin at isinandal sa pader nang makaliko siya. Nagulat siya. "Bakit?" Bakit mo ko sinusundan dapat ang tanong ko kaso baka matakot masyado, halatang kabado. Hindi niya ako sinagot dahilan para tanggalin ko ang sumbrero niya upang makilala sana siya. Nang matanggal ko na iyon, aminado akong babae siya pero natigilan pa rin ako. Sinong baliw ang susunod sa akin nang ganitong oras na? Malalim na ang gabi at posibleng mapahamak pa siya rito lalo na sinabi ng kaklase ko na maraming tambay dito. Ano ito? Stalker? Nakapikit siya ngayon. Walang umiimik sa aming dalawa. Tinitigan ko lang siya. Bigo akong makita ang mukha niya dahil maliban sa sumbrero niya na tinanggal ko, may mask at malaking salamin pa siya sa mukha. Nang idilat niya na ang mga mata niya, nagkatinginan pa kami ng mga ilang segundo tsaka niya inapakan ang paa ko. "Aray!" daing ko. Nakatakas siya agad. Sinubukan kong habulin kaso hindi ko na siya nagawang mahanap. Nagtago ulit siguro. Ano bang kalokohan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD