32. MR. POSSESSIVE. “YESSS! Intrams! Sporst fest, beybeh! One week freedom! Yahoo! One to sawang galaan na naman ‘to! Hahahey!” galak na galak na pahayag ni Neil. Ang saya nila. One week kasi ang Intrams nila ngayon na karaniwan ay three days lang. Pero mas lalong sumaya si Yanna nang i-announce na wala na ang pa-contest na Mr. & Ms. Intrams ngayon. Hindi na niya inintindi ang dahilan dahil hindi naman mahalaga para sa kanya. Bukod sa ayaw niya ang rumarampa, makakalaban niya rin kasi si Lexi na muse ng IV-Love ‘pag nagkataon. Syempre, mape-pressure siya sa mga classmates niya para manalo, pero si Lexi, alam niyang gusto nitong manalo. Kaya mas mainam nang wala na lang. “Tara, baho, ditch! Date na lang tayo,” aya ni Derick kay Neil. “Urur! ‘Wag naman sa harap ng syota ko’t syo

