39. WHAT ABOUT THE TWIN. “SWIMMING! Swimming! Swimming! Wohoo!” Nagtakip na lang ng parehong tenga si Yanna. Napakaingay po ng bakla niyang kaibigan, grabe. Kanina pa kumakantang pasigaw, e. Nasa isang beach resort sa Pangasinan sila ngayon. Akala niya talaga family outing ‘to. Heto pala’t kasama pati ang barkada niya. Buti na lang Intrams nila. At least, wala silang mami-miss na klase. Nasa labas sila ng bungalow na pag-i-stay-an nila for two days. Kanya-kanyang pwesto. Siya, nakaupo lang sa wooden bench. May pond na nakapalibot sa bungalow nila. Ang ganda ng view. Kaso, hindi niya ma-appreciate. Sakto, sa Sunday ang balik nila, sa Sunday rin kasi ang Battle of the Bands na kasali ang boy friends nila—at boyfriend niya. Hay… Ang lalim lang ng buntong-hininga niya. “Wohoo! Bo

