"Sa akin, hindi po ayos, sir. Ayoko pong makaabala, maintindihan niyo sana 'yon. Sige po, mauna na ako. Kailangan ko nang umuwi," muli, hindi ko na naman siya hinintay na makapagsalita pa, tinalikuran ko na siya at lumabas na ako ng opisina. Habang naglalakad, namumuo ang mga luha sa mga mata ko. Nahihirapan akong huminga. Hanggang sa hindi pa rin talaga matigil sa paglandasan ang mga luha ko habang nasa loob ako ng elevator. Because thinking that this is his simple way to break me, makes my heart broke into a million pieces. Hanggang kailan ba niya ako sasaktan? Hanggang kailan niya ba ako gagamitin? At hanggang kailan ba ako iiyak? Hanggang kailan ko siya iiyakan? Hanggang kailan ako iiyak ng dahil kay Tyler? I'm physically strong but I'm mentally exhausted and weak. Sadyang tinatataga

