"Are you ok, anak? Kumusta ang pakiramdam mo?" si dad nang magkita kami sa baba, nagkakape siya. "I'm very well fine, dad," masigla kong sinabi, na parang walang nangyari kagabi. "Anak, kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo kagabi, sana ay makalimutan mo na 'yon," he sincerely said. Niyakap ko siya. "Thank you, daddy. I love you," 'yon lang ang gusto kong sabihin. "And I love you too, my dear." At 'yon lamang din ang gusto kong marinig. Huling araw na namin dito sa resort, 2 days lang ang bakasyon. Bukas ang uwi pabalik ng Manila. Ok na rin 'yon, gusto ko naman na ring umuwi. Masaya naman ako, hindi ko na kailangang magsaya rito. Pero dahil huling araw na lang din naman ay e-enjoy-in ko na ang araw na 'to. Hindi ako magpapaka-stress. Hindi namang puwedeng sila lang ang magsaya. Hind

