"What do you mean?" he replied. Hindi ko alam kung binibiro ba niya ako sa tanong niya, pero naiinis ako sa kanyang tugon! "Ano 'yong pag-aalaga na 'yon? Ano 'yong pag-aalala mong 'yon sa akin? A-at a-ano 'tong ngayon? B-bakit ang daming pagbabago na hindi ko sigurado kung may nagbago nga ba sa 'yo." Dapat ba akong masaktan ngayon sa mga akala ko na hindi ko alam kung tama nga ba? Siguro ay oo dahil wala naman siyang sinasabi na ayos kami, it's just that I assume immediately. "Ano bang satingin mo ngayon?" Binalingan ko siya ng tingin sa aking gilid. "And what do you think I think, Tyler? You know what, I'm tired of playing games. Sa rami ng nangyari sa pagitan nating dalawa mula pa noon, I just want something real right now, something true. 'Yong hindi ako magtitiis na itago 'yong saki

