'Yon nga lang talaga, sa tuwing naaalala ko kung gaano ko siya sinayang, ako ang naaawa para sa sarili ko dahil nasa tamang tao na ako pero . . . pero mas pinili kong pakawalan siya kaysa mahalin siya ng totoo. Hindi ka nga talaga makakapag-sinungaling sa sarili mo, dahil kahit anong deny mo na hindi mo mahal ang isang tao, na wala kang nararamdaman para sa kanya, ang puso mo mismo ang gagalaw para patunayan sa 'yo mismo na mahal mo nga talaga 'yong taong dinedeny mo. But . . . it's too late. At huli na nga rin talaga para muling ibalik ang dati, na kahit yata gustuhin kong patawarin niya ako at mawala ang galit niya para sa akin ay wala na talaga. Because his vision, his mind is clouded by the bad and evil thoughts that he put in his heart. Malalim akong napabuntong hininga sa mga naiis

