"Masaya ka ba sa ginagawa mo?" punong-puno ng sakit na tanong ko sabay palis sa aking mga luha. Panibagong karma ko na naman ba 'to sa mga kagagahan ko noon? Ito na ba ang malaking sampal sa akin? Ito na ba ang dudurog nang sobra-sobra sa puso ko na matagal nang wasak? "Yes. I'm happy seeing you in pain. I'm happy seeing you hurt. That's all I want, Heaven, seeing you crying to satisfy myself for hurting me." Mas lalo lamang ako naiyak. Mas lalo lamang ako nasaktan sa naging sagot niya because the Tyler I know is a soft hearted person. A loving and caring on his girl. He's the boy who will not let his queen cry and hurt. Umaasa ba ako? Hindi dapat! Iba na talaga siya ngayon, ibang-iba sa Tyler na nakilala ko noon. Parang iba nang katauhan ang namamalagi ngayon sa kanya, masama na 'yon a

