"Mahal ko man siya o hindi, hindi ko pa rin ititigil ang paghihiganti ko sa kanya!" mariing sabi ko rito bago tuluyang iwan na siya roon. Uuwi na ako at ayoko nang makipag-argumento pa sa kaibigan dahil baka pati rin kami ay magkasira ng dahil sa babaeng 'yon. Nang makauwi ako ng mansyon, mga bodyguards at mga kasambahay lamang ang sumalubong sa akin. Dapat pala ay kanina pa ako umuwi at hindi na sumaglit sa opisina, nasira lamang ang mood ko nang makausap si Blair. Nang makapasok na 'ko sa loob ay katahimikan nang malaking mansyon ang namayani. Halos nakakabingi ang katahimikan. Parang kulang ang isang tao para mapuno ng ingay ang buong kabahayan. Ginala ko ang paningin sa bawat sulok ng bahay, mga mamahaling gamit, mga magagandang palamuti ang mga nakikita ko, 'yon lamang din siguro ang

