Masaya siya ngayon sa ginagawa niya, masaya siyang nakakasakit, masaya siyang naa-aragabyado ang iba, masayang-masaya siya at parang kailanman, hinding-hindi na siya magpapakita pa ng kahinaan at pag-aalala sa iba. Dahil mas gugustuhin niyang siya ang nantatapak ngayon kaysa siya ang tinatapaktapakan ng ibang tao. I understand him, I understand his anger, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang gawin ito? Bakit kailangan niya pang gumanti? Bakit hindi na lamang niya 'yon kalimutan at ipaubaya na lamang sa itaas ang karma na nararapat sa taong nakasakit sa kanya? Dahil kahit hindi niya hilingin na makarma ako sa lahat ng mga maling nagawa ko sa buhay niya, handa akong tanggapin ang karma na nararapat sa akin, ang kabayaran na deserve ko. Is he my karma? Kung siya n

