"Alam ko kung ba't ka umiiyak, nagselos ka kanina kaya ka umalis, tama ba? Kitang-kita ko 'yon sa mukha mo kanina, eh, halatang-halata. Pero, huwag ka nang umiyak diyan, si Serena? Wala lang 'yon. Isa lang 'yon sa mga naka-s*x noon ni Tyler." "So, should I be happy because of that?" I said in a sarcastic tone. Nainis ako sa sarili ko sa paraan ng pagkakasabi ko no'n, baka na bakas sa boses ko ang sobrang pagkaselos. Naka-s*x, huh? Pero anong ginagawa niya rito ngayon? Ibig bang sabihin, hanggang ngayon ay ka-s*x niya pa rin ang babaeng 'yon? Tsk! Mukha namang patay na patay din sa kanya 'yong Serena na 'yon. "Ikaw lang para sa kanya, maniwala ka sa akin." Natatawa siyang umiling. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman din naintindihan ang sinabi niya. Masyado yata akong naapektu

