Chapter 4

1637 Words
My cold husband Chapter 4 --Tasha POV-- Nagmamadali akong nagtungo sa sala dahil sa sinabi ni Manang Delia na galit na galit pa rin si daddy dahil ang tagal kong lumabas ng kwarto kung saan nadatnan nila kami ni Kyfier na magkasama. Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si tita Colline at may iba pang lalaki na nandun hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita. "Ayan na siya!" Narinig kong sabi ni dad nang makita niya ako kaya lumapit ako sa kanila. Sinulyapan ko si kuya kyfier na ngayon ay nakatungo lang. Habang si tita Colline naman ay nakangiti sa 'kin. Anong nangyayari sa mundo? Nang dahil sa kagagawan ko ang dami nagbago sa araw ko hindi ako nakapasok. Si dad galit na galit. Si kuya Kyfier naman halos ayaw akong tingnan. "Dahil sa ginawa niyo ipagpipilitan kong maikasal kayo ngayon." panimula ni dad na sabay kami napatingin ni Kyfier sa kanya. "No! I-i mean... Tito, i'm sorry but...walang nangyari sa'min wala akong natatandaan na--" naputol ang sasabihin ni Kyfier. Kahit ako hindi nakaimik. "Enough! Kyfier! Sa tingin mo anong ginagawa niyo dalawa sa iisang kwarto na kapwa nakahubad? Huh! Gusto mong paniwalaan ko na walang nangyari sa inyo ng anak ko? Oh! God she's just eighteen at ayaw kong naaagrabyado ang anak ko. Sa ayaw at sa gusto mo pirmahan mo kung ano man ang pipirmahan mo sa mga papel. Panagutan mo ang anak ko!" halos umalingawngaw ang boses ni Papa sa buong bahay. Kahit ako ay nanginginig na rin sa mali na ginawa ko. Na gu-guilty ako. "T-totoo dad...w-walang nangya---" Hindi na rin niya pinatuloy ang sasabihin ko nang magsalita na naman ulit siya. "Attorney pakilabas ng papel na pepermahan!" utos ni dad. "Baka naman nabigla ka lang Fernan. Hayaan na lang natin ang mga bata para magdesisyon sa mga bagay na 'yan." ani mom na pilit na pinapakalma ang daddy .. Inilabas na ng atty.ang ang mga papel at pinaunang pinagpirma si Kyfier. "Dapat alam mo na ang dapat na gawin Kyfier. Since ikaw ang mas matanda sa anak ko" mariin na naman na sabi ng dad ko. "Sige na hijo permahan mo na!" Tinapik siya sa likod ni tita Colline. Sabay siyang napasulyap sa'kin at hinawakan ang ballpen. Hindi ko akalain na magiging Serapina ako sa araw na 'to dahil pinirmahan niya 'yon. "Now it's your turn hija!" ani dad at ngayon sa akin naman siya nakaharap ngayon at iniabot ang ballpen. Sandali kaming nagkatitigan nang abutin ko ang ballpen mula sa kanya. Bakit ngayon na-gui-guilty ako? Dahan-dahan kong inilapat ang mga kamay sa papel at pinirmahan kung ano man ang nakasulat don sa papel. And now i'm officially Kyfier's wife. Am I happy now? Yes, masayang masaya ako dahil nakuha ko ang gusto ko, pero sa paraan na mali. "Thankyou attorney!" Nakipagkamay pa ang dad sa attorney hindi ko na alam kung ano pa ang pinag usapan nila. Lutang pa rin ako sa mga sandaling ito hindi lang makapaniwala na ngayon asawa ko na siya. He is my husband now. "Congratulations my dear, isa ka ng ganap na Serapina. I'm so excited gusto ko kaagad ng apo!" Sabay kaming napaubo ni Kyfier nang sabihin ni tita Colline 'yon. "Ngayon mag asawa na kayo sa bahay na muna kayo," masayang wika ni tita Colline "No, Ma. No need, sa condo ko na lang kami tutuloy." walang emosyon na wika ni Kyfier. Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Sa condo niya na ako titira. Araw-araw ko na siyang makikita. Hindi ako makapaniwala na magsasama na kami. Sa isang iglap lang magsasama na kami. Gumising ka Tasha asawa kana niya ngayon. Nananaginip ba ako? Kung nananaginip lang ako pwede ba wag na akong magising. "Pack all your things!" utos nito sa akin Nahinto ako sa pag -iisip nang magsalita siya hindi ko alam kung ano gagawin ko masyado akong nataranta sa bigla niyang pagsalita sa harapan ko. "Go! Ano pa hinihintay mo?" Napatingin ako kay tita Colline at nakangiti siyang senenyasan ako na ayusin ko na ang mga gamit ko. Nag aalangan akong umakyat at nag ayos ng mga gamit ko tinulungan na rin ako ni manang Delia. "Iba talaga ang ama mo kapag nagalit." biglang salita ni manang Delia sa likuran ko . Hindi ako nagsalita lutang pa rin ata ako sa mga nangyari nang matapos kung ayusin ang mga gamit ko ay bumaba ako at nadatnan ko parin sila sa salas na nag uusap ..nang makalapit ako ay agad na nagsalita si daddy. "Ingatan mo ang anak namin Kyfier, asawa ka na niya ngayon. Ayoko sana na umalis kayo sa bahay pero mag asawa na kayo, desisyon mo na ang masusunod." Naiiyak ako sa sinabi ni daddy. Pero hindi ko lang pinahalata 'yon. Tumango naman siya pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko. Pagkatapos ay nagpaalam na rin kami. Habang papasok kami ng sasakyan binitawan na niya ang kamay ko at hindi man lang niya ako pinagbuksan ng pinto nang makapasok ako ay agad kong inayos ang seatbelt. "Happy ka na?" kinabahan akong napasulyap sa kaniya nang mariin niyang hinampas ang manibela. "You ruined my life Tasha!" Iyon lang ang sinabi niya pero tagos sa puso ko 'yon. Talaga naman na sinira ko ang buhay niya dahil sa ginawa ko pero hindi ako susuko gagawin ko ang lahat para magustuhan din niya ako. Pinaandar na niya ang kotse na hindi na muli nagsalita pa. Pagkadating sa condo ay hindi man lang niya kinuha ang mabigat kong dala-dala na maleta. Nauna rin siyang maglakad sa'kin. Ang lakad niya ay halos takbo na iyon sa akin. "Kuya kyfier! Hintay naman!" sigaw ko habang sinusundan ko siya. Huminto naman ito at hinarap ako. "Can you f*****g stop calling me Kuya! I am not your f*****g kuya. For god sake. I am now your husband!" Napangiti ako sa sinabi niya ang sarap pakinggan mula sa kanya ang salitang 'yon. Kahit pa nga sa galit na pagkasabi ay masaya na akong marinig sa kaniya na tinuturi niya rin akong asawa ngayon. Nauna na naman siyang maglakad sa'kin. Pinagtitinginan na lang kami ng mga tao na nadadaanan namin. Oo na maganda ako kaya wag niyo na akong pagtinginan. Alam ko naman na bagay kami' napangiti ako sa isipan kong 'yon. Sa wakas nakapasok na din ako sa condo niya na pinapangarap ko dati na sana makapasok ako sa condo niya and now i'm here standing... at dito na rin titira kasama siya. "S-saan ko 'to ilalagay?" tanong ko sa kaniya habang bigat na bigat na sa pagdadala. Patingin tingin ako sa kabuuan ng kaniyang condo. Kulay white and black ang themes panlalaking panlalaki. "Bahala ka kung saan mo ilalagay," Tinalikuran na niya ako at pumasok sa banyo habang ako naghahanap nang mapaglagyan nang aking mga damit pinili kong pumasok sa kwarto at nakita ko ang ibat ibang uri nang mga gamit ni'ya ..meron si'yang car collections ang cute. "Saan ko ba ilalagay ang mga damit ko?" Binuksan ko ang isang closet pero puno 'yon nang kanyang damit. Napasulyap ako sa isa pang closet, binuksan ko at tamang tama walang laman. Pero may nakita akong isang damit. Damit ng babae, hinawakan ko at tiningnan. Isang dress ng babae. Sakto naman na pumasok siya sa kwarto at nakita niya ang hawak ko. "Sino nagsabi sa 'yo na pakialaman ang mga gamit ko?" Mabilis siyang lumapit at hinablot ang hawak hawak kong damit pambabae. "Ahm. Ah ilalagay ko sana ang mga gamit ko dito sa closet na 'to." nauutal kong wika nang titigan niya ako pagkatapos niyang hablutin ang damit sa kamay ko. "Sa susunod, magpaalam ka muna sa 'kin. Bago mo pakialaman ang mga gamit na pagmamay-ari ko. Baka inaakala mo, dahil kasal tayo, ay puwede mo na gawin lahat ng gusto mo. Nagkakamali ka, dahil kailanman ay hindi magbabago pagtingin ko sa 'yo. Isa ka lang pagkakamali sa buhay ko na dapat ay hindi nangyari. Kasuklam suklam ka." Sunod sunod na tumulo ang luha ko sa walang hinto niyang pagpapasakit ng salita sa akin. Tama siya. Isa lang akong pagkakamali na dapat ay hindi nangyari. Tinalikuran niya ako kaya tuluyan kong pinakawalan ang luha ko. Inayos ko na lang ang mga damit ko at iba ko pa na mga gamit. Pagkatapos kong ilabas ang luha ko. Narinig ko siya na may kausap sa phone Kaya dahan dahan ako na lumapit sa kinaroroonan niya lihim kong pinakinggan ang mga sinasabi niya. "Althea let me explain! Ahm walang nangyare sa'min. Hindi ko alam lasing ako kagabi at kinaumagahan magkatabi na kami. Please ...listen to me. I don't love her. f*****g no! Napilitan lang ako na pakasalan siya." Unti -unti na lang tumulo ang luha ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Alam kong si Althea ang kausap niya. Hindi niya ako mahal ang sakit marinig 'yon mula sa kanya. Agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang yabag niya patungo sa kinaroroonan ko. Pakunwari akong abala sa pag aayos nang mga gamit ko at humarap sa kanya. "Ahm ku-kuya kyfier! ahm tapos na akong mag ayos gusto mo ba ipagluto kita!" Tiningnan niya lang ako ng masama. "Huwag kang umasta na totoong asawa kita, pareho natin alam na hindi kita mahal at sa sobrang obsses mo sa 'kin, kaya nagawa mo ang kahiya hiyang bagay sa buhay mo. You're just my wife in name only, in paper only, my heart and love will never be yours. Never!" Tinalikuran niya ako pagkatapos ni'yang sabihin yon pero kahit masakit hinabol ko siya papalabas na siya nang pinto .. "K-kyfier...s-saan ka pupunta?" Sa wakas ay hinarap naman niya ako. "Somewhere! Malayo sa 'yo!" Hindi na niya ako nilingon pa. Walang paalam akong iniwan sa condo niya. Ang sakit niya pa lang mahalin dahil paulit -ulit sa isip ko ang sinabi ni'ya "My heart and love will never be yours" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD