Chapter 5

1811 Words
My cold husband Chapter 5 Napabalikwas ako nang higa nang may marinig ako'ng mga yabag nakapatay ang ilaw kaya binuksan ko 'yon. sinulyapan ko ang orasan alas dose na pala nakatulog ako kakahintay sa kanya. Tumayo ako tiningnan kong kanino ang mga yabag na 'yon dahil wala naman iba na papasok kundi si Kyfier lang. Hindi ako nagkakamali si'ya nga ang nasa kusina umiinom nang tubig "Bakit gising ka pa?" Tanong niya na hindi sumusulyap sakin. Napagmasdan ko pa ang bawat lagok niya ng tubig. "Nagising lang ako akala ko kasi kung sino ang naglalakad." "Matulog ka na" mahina niya na sabi, "gusto mo ba ng kape ipagtimpla kita." lumapit ako sa kanya dahil nandun ang pagtitimplahan ng kape. Naamoy ko na ngayon ang alak niya na ininom. Uminom nanaman siya. "I said. Go to sleep. Hindi ko kailangan ng coffee. I can make it on my own. Talaga ba na makulit ka!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso .. napalunok ako sa gulat at pagkabigla. sa isang iglap nagbago ang awra niya. natakot ako na baka bigla nalang niya ako suntukin. "Alam mo bang nakipaghiwalay si Althea sa'kin ngayon nang dahil sa'yo." mariin ni'ya parin ako'ng hinawakan sa magkabilang balikat. Ramdam ko ang galit at kita ko sa kanyang mga mata ang pagkamuhi saakin. Nag aapoy ang mga mata ni'yang nakatingin sa'kin. "You're so selfish tasha. Sarili mo lang iniisip mo. You spoiled brat !!" Mas lalong dumiin ang mga kamay niya sa balikat ko. Nag-umpisa na dumaloy ang luha ko sa aking mga pisngi. "Aw ..kyfier nasasaktan ako." Impit ng boses ko. Napangiwi ako. Unti-unti naman ni'ya niluwagan ang pagkakahawak ni'ya sa balikat ko. Hindi siya ang Kyfier na nagustuhan ko. Ang lalaking minahal ko. Sa mga kinikilos ni'ya ngayon nagbago siya sa paningin ko. Ang dating akala ko'ng tahimik at masarap kasama ay nagbago na. "Mas masakit di'yan ang nararamdaman ko. Fuckyou!" Bigla si'yang napahampas sa ulunan ko na pader ang akala ko ako ang hahampasin ni'ya pero nagtutuloy iyon sa likuran na pader. I feel sorry nang maramdaman kong hawak hawak na ni'ya ang kanyang kamay na pinaghampas ni'ya. May kaunting dugo na dumaloy dun.. "K-Kyfier du-dumudugo yung kamao mo." Dahil takot talaga ako sa maraming dugo at natataranta ako kapag nakakakita nang dugo bigla nalang umikot ang paningin ko. Nagising ako umaga na. Naalala ko ang nangyari kagabi dumudugo ang kamay ni kyfier napabalikwas nanaman ako nang bangon nakita ko si'yang nag -aayos nang kanyang suit sa salamin. Papasok na siya ang aga naman. "Buti naman at nagising kana. Akala ko tuluyan ka na di'yan." Napasulyap ako sa kamay ni'ya may bandage na nakalagay dun. "O-okay na ba yung kamay mo?"Hinawi ko ang kumot at tumayo mula sa pagkakahiga. "Maligo ka na."ani ni'ya na hindi parin tumitingin sa'kin nanatili lang si'yang nag aayos parin nang kanyang suit. Binalewala niya ng tanong ko. Inuutusan ni'ya ako'ng maligo bakit ano ba meron? woooahh may pasok nga pala ako ngayon. I forgot. Dali-dali akong nagtungo sa banyo at mabilis na naligo paglabas ko nasa kwarto pa rin siya, hindi ko alam na nasa kwarto pa rin siya. Ang akala ko nakalabas na or nakaalis na pero nandito pa rin si'ya. Haler! Tanging tuwalya lang kaya ang suot ko. Nakita kong pinasadahan niya ako nang tingin at agad din naman ni'yang tinanggal ang paningin ni'ya sa'kin. "Hurry up ! Nakatunganga ka pa diyan. May balak ka pa ba na gawin akong audience sa pagbibihis mo?" Ako pa daw 'to nakatunganga. At ano daw? Gagawin siyang audience. Sino kaya to hindi pa umaalis sa kwarto ko. At isa pa siya din naman nakatunganga na nakatingin sa'kin tss! "Paano ako magbibihis kung nandito ka ? Agad kong sagot. "Bakit natatakot kang makita ko 'yan ? Hindi ka nga natakot noong gabing hubad tayong dalawa. Nakita ko na rin 'yan. Wala naman laman." aniya, Makahulugan ni'yang sabi, Napakunot ang noo ko. Ibig sabihin nakita niya ang katawan ko sa gabi na 'yon napalunok ako sa sinabi ni'ya. Hindi naman si'ya gising nang panahon na 'yon tanging ako lang ang nasa ulirat. Di kalaunan ay lumabas din naman si'ya kaya dali-dali na akong nagbihis. Pagkalabas ko ay nandun parin si'ya hindi parin si'ya umaalis I flip my hair bago lumapit sa kanya. "Ahhrm!" Napatikhim ako dahil busy siya sa kanyang phone. Natigil din naman 'yon at tumingin sa'kin. Nakita kong tumitig siya sa mukha ko. Ngayon ba nagagandahan ka na sa'kin? Lihim akong napapangiti. "Ahhm tapos ka na ba?" Nagulat ako sa sinabi niya huwag mo sabihin ihahatid niya ako sa school. "I-ihahatid mo'ko ?" "Huwag mo bigyan ng meaning 'to doon din naman ako papunta. At para sabihin ko sa'yo dapat na walang makakaalam na mag -asawa tayo sa school ni'yo" Mahaba ni'yang paliwanag isang words lang naman hinihintay ko....at bakit ano gagawin ni'ya sa school namin .. "Ano gagawin mo 'dun? " "Huwag na nga marami tanong!" nauna na siyang maglakad at sumunod na rin ako. Sanay na ako sa pagiging suplado niya, dinaig pa niya may dalaw buwan-buwan. As usual hindi na naman siya nagsayang ng oras na pagbuksan ako. Sino ba naman ako para sa kanya isang babaeng desperada. Tahimik lang si'ya sa pagmamaneho habang ako panay sulyap sa kanya. Hindi ako magsasawa na titigan at pagmasdan siya. "Stop staring at me!" Napaayos ako ng upo nang sabihin ni'ya iyon. "Ang gwapo mo kasi. At asawa na kita kaya pwede kitang titigan kahit kailan ko gusto." ani ko na nakanguso sa kanya. "Mag-asawa lang tayo sa papel. No more feelings involve." Sa sagot niya ay natahimik ako. Hay sa wakas at nakarating na kami nauna si'yang lumabas at sumunod na rin ako sandali si'yang lumapit sa'kin at bumulong "Remember what I told you. Walang makakaalam na asawa kita okay?" ulong ni'ya sa'kin at nauna siyang naglakad papasok sa gate ng school namin. Napapaisip ako kung bakit siya nandito ano gagawin ni'ya dito? Pagkapasok na pagkapasok ko sa room ay agad na ako'ng sinalubong nang mga pangit ko'ng kung kaibigan well nakangiti sila na sumalubong sa'kin "Bruhita ka nakita namin 'yon ah!" Napakunot ang noo ko sa sinabi nila "ang alin ?" "Ang paghatid ni mr.pogi ..si Kyfier kailan pa kayo naging close ah ..at may pahatid hatid pa si'ya sa'yo" Vanesa Hay's kung alam ni'yo lang ang nararamdaman ko ngayon kasama ko nga si'ya pero wala naman sa'kin ang atensiyon ni'ya ..sa loob loob ko .. "Nakita ni'yo naman siguro diba ? Pumasok si'ya dito " sagot ko habang inilagay sa upuan ang aking bag "Oo nga pumasok si'ya bakit si'ya nandito ?" Tanong ulit ni jesica .. "Hindi ko alam. Wala naman si'yang sinasabi sa'kin" walang gana kong sagot lintik na yan nasa hotseat na naman ako. "Oh my god Tasha ..nag -ayos ka ba? Ano ba hitsura mo parang mugto ang mga mata mo nawala ka lang ng ilang araw eh, ganyan na agad hitsura mo, yung totoo kailan ka pa natulog?"- Vanesa Agad ko naman kinuha ang salamin sa aking bag at tiningnan ang sarili sa sobrang pagmamadali ko kanina ay hindi na ako nakapag ayos pa ..at shock ..ang mga mata ko parang pinagsakluban nang kung anong bagyo ....dali -dali kung kinuha ang make up ko at sandali na nag ayos ....kaya siguro tinitigan ako kanina ni Kyfier ay dahil ang pangit ko. Napailing -iling ang dalawa na tumitingin sa'kin.. "Hi ,Tasha ..pwede ba tumabi?" si Daniel na hindi pa nga ako pumapayag ay nakatabi na sa upuan ko. "Nakipagpalit na ako ng upuan kay miss Diana at pumayag naman si'ya kaya ngayon dito na ako uupo katabi mo miss Tasha .."ani Daniel na nakangiti kahit naka ilang busted na ako sa kanya ay hindi parin tumitigil .. Hay!! Ang kulit talaga nila kung ganyan ka kulit si Kyfier magugustuhan ko pa. Maya-maya lang ay pumasok na ang pangunahing prof namin..Tingnan niyo nga naman kung sino ang nandito? Si Kyfier ang kasama ng proffesor namin. Bakit siya nandito? nahihiya akong nakatungo hindi naman ni'ya ako nakikita sa tingin ko. Biglang bumulong sa'kin si Vanesa na si'yang katabi ko sa kabilang side at sa kabilang side ay si daniel .. "Tasha ..Si soon to be husband mo oh .." nakanguso pang turo ni Vanesa kay Kyfier ang hindi ni'ya alam ay asawa ko na si kyfier ..nahihiya na nga ako eh,hindi ko alam kung bakit ako nahihiya siguro dahil sa hitsura ko kanina nakita ni'yang parang pinagbagsakan ang mga mata ko nang bagyo "Okay student" Nagsalita na ang prof namin kaya matuwid nang nakatingin ang mga kaklase ko sa harapan pero ako nakatungo parin ayaw kong tumingin .. "Miss de la rosa." Tawag ng prof sa'kin paktay Dahan dahan kong tinaas ang mukha ko at tumingin sa kanila ..pero nakatingin na si kyfier sa'kin ..blush wooa kailan pa ba ako nahiya ....bakit ba kasi si'ya nandito .. "Are you alright? Humarap ka dito hindi yung nakatungo ka diyan!" Sabi ng prof namin na pinaka-strict sa lahat. "Okay !! Gusto ko lang ipakilala sa inyo ang isa sa may shares sa school na 'to si Mr. Serapina." Nagulat ako sa sinabi ng proof namin isa siya sa may shares sa school kung saan ako nag aaral ganun na si'ya katagumpay sa buhay habang ako nag aaral pa lang ..sabagay mas mayaman sila sa'min ..bumulong nanaman sa'kin si vanesa .. Sabay sabay naman na nagtilian ang mga babae. "Bongga pala si soon to be husband mo eh pwede bang akin na lang?" ani vanesa na nakangiti .. "Gaga!" sagot ko. "Nandito si'ya dahil may hinahanap si'yang magmomodel sa company nila at gusto ni'ya galing mismo sa school na ito" patuloy ng prof namin "Anyways, I'm Kyfier Kurt Serapina, the president of Seram company." pagpapakilala niya. Nagtilian naman ang lahat ng babae sa room ..sa gwapo ba naman ni'ya hindi ka magtitili. Bigla naman tumayo si Daniel. "Miss proffesor I would like to recommend my whole year crush...Tasha marie de la rosa." Napalunok ako sa sinabi ni Daniel ..seryoso? ako talaga ..oo pranka ako ,noon yon pero ngayon bigla ata umurong ang mga dila ko mula nang nangyare sa bahay ang biglaan kong pagpipirma sa kasalan namin ni kyfier .. Napatingin tuloy silang lahat sa'kin ..maging si Kyfier napatingin sa'kin at napasulyap din si'ya kay daniel .. " Mr. serapina how about miss de la rosa?" Pagtatanong ni miss prof. Oh no!! Paano na ayukong ma busted nanaman ni'ya alam ko hindi si'ya papayag na ako ang magiging model ni'ya oo pangarap ko yun ang pagiging model ..at hindi ko alam kung papayag si'ya na ako ang magmomodel nang company nila .. "Well ..let see ..maganda naman si'ya at mukha rin naman may maibubuga." Napako ako sa sinabi ni'ya ..totoo ba na sinabi ni'ya na maganda ako at may ibubuga. Biglang nagsitalunan ang laman loob ko sa sinabi ni'ya maging ang puso ko tumatalon na sa tuwa. To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD