Chapter Two

1802 Words
Sa wakas at nandito na yung mga brand owners at magsisimula na yung shoot. Ready na din si ate at masasabi ko, ang ganda talaga nya. Sobra! "Miss Roman, natural lang pose mo ha." sabi ko kay ate. Ganyan talaga kami kapag during shoot. Di ko siya tinatawag na ate though alam naman ng mga naghire samin na magkapatid kami. It's just our understanding na ganun itawag kapag nasa shoot talaga. "Yes, got it!" sagot ni ate sabay kindat. Tumawa lang ako at yung mga nasa paligid natawa na din. Minsan kasi nakakalight talaga ng mood si ate lalo kapag nasa kasagsagan kami ng pagkabusy. Kaya gustong gusto siya kunin ng brand owner kasi napakanatural lang talaga niya sa harap ng camera. Tsaka she always make sure na yung mga minomodel or ineendorse niya is subok na talaga niya. She really loved what she's doing. Kaya support kami nila mama at papa sa kanya. And same goes with me. Sobrang swerte ko sa pamilya ko. Mapagmahal at supportive. Nakailang shoot din kami at hindi sa pagmamayabang, sa dami naming tinake na photo, lahat yun makakapasa pero of course, yung mga owner pa din talaga yung magdedecide. Natapos namin yung shoot after 3 hours kasi madami ding scenario. Magaling din yung mga nagset up ng venue. Itong minomodel ni ate is serum na beauty product. After ng shoot, kumain muna kami sa hinanda din ng brand owners. Napakabait din nila. Kaya pala sila na-late dahil dun sa unico iho nila na late na din daw'ng nagising. Gusto daw sumama pero ni anino di naman namin nakita yun. Hayaan na baka naglibot lang yun. "Mei-mei, kumain ka ng madami at ikaw ang mas napagod sa ating lahat," sabi ni ate sa tabi ko. Ang sarap ng hinanda nila sa aming food. May paella, gambas, adobo, fried chicken at madami pa. Di naman kami madami sa set talaga, siguro mga nasa pito lang. "Oo teh! Ang sasarap ng food nila. Oo nga pala teh, may tanong ako," medyo pabulong kong sinabi kay ate. "Shoot! Ano yun?" sagot niya sakin. "Nakita mo na ba yung anak nila madam? Hindi ko kasi pansin at siya daw dahilan bakit sila late," patawa kong bulong kay ate. Oo na, may pagkamarites din talaga ako minsan. Hahahaha. "Hmm. Oo, kanina nakita ko siya nung pagkadating nila pero mukhang nagbook sila ng room dito or something," sagot ni ate sakin. "Bakit mo pala natanong?" habol na tanong ni ate habang may tingin na mapanukso. "Wala lang teh! Nacurious lang ako pero napakabait nila madam noh? Akalain mo binigyan pa tayo ng ganito ka bonggang mga pagkain plus papadalhan ka din daw ng mga extrang products. Di lang yun, may extra fee pa tayo sa pagiging early bird natin," tuwang tuwa kong sabi kay ate. Halos ganun naman lahat ng mga niraraket namin nila ate pero itong sila madam may pa-extra fee pa. Parang pakonsuelo nila sa pagiging late. Ang cute lang. Hehehe. "Weeeh? Gwapo yung anak nila madam, Mei! Magkasing edad lang ata kayo o matanda siya ng isang taon sayo. Oo, kaya swerte din tayo kay madam kasi package na tayong dalawa na kinuha niya para daw di na sila mahirapan din maghanap at sobrang laking tulong satin yun," sabi ni ate. "Nga pala ate, bago tayo umuwi may dadaanan muna ako sa labas ha? May gusto akong bilhin para kila mama eh," pag-iiba ko ng usapan namin ni ate kasi kapag pinatulan ko pa yung una niyang sinabi, alam kong tutuksuhin lang ako. "Sige sige, sama din ako para makapili din ng pwedeng pasalubong kila mama," excited na sabi ni ate. Natapos na kaming kumain at inayos na lahat ng gamit namin para pagreready umuwi. "Madam, isesend ko na lang po sa email niyo yung final output po para makapamili na din po kayo," sabi ko nung nakalapit ako kay madam. "Sure, iha! Walang problema. Thank you din at maganda outcome ng shoot. Next time, ikaw na kukunin naming photographer kapag may events kami. Heto pala yung kabuuan ng bayad ko sayo. Kasama din diyan yung extra fee," saad ni madam Rosie sakin. Napakabait talaga ni madam. Dati nakikita ko lang talaga si madam sa t****k at sss posts. Totoo nga sabi ng ibang comments na mabait talaga si madam. "Hala! Salamat po madam! Sobrang thank you din po sa pa-extra!" tuwang tuwa kong sagot kay madam. Iniwan na din ako ni madam after naming magchikahan saglit about sa mga products niya at sa naganap na shoot namin. Nagpaalam na din sila madam Rosie kasama yung staff niya tapos kami nagpaiwan kasi may bibilhin na kami. Si Serene naman nauna na din kasi may pupuntahan pa daw. Habang naglalakad kami biglang may tumawag kay ate. "Melly! Mellyyyyy!" sigaw nung lalaki sa likod namin. Napaligon kami ni ate sa tumawag. "Oh! Marky! Ikaw pala! Akala ko umalis ka na din kasama nila madam?" tugon ni ate dun sa Marky daw. Sino kaya to? In fairness ha, gwapo pero feeling ko may pagkamasungit. Char! Judger yarn? Haha! "Naiwan mo tong bag sa lamesa. Pagkalabas ko wala na palang tao. Nakatulog pala ako ulit," tugon nung lalaki kay ate. "Ay hala! Oo nga pala! Salamat Marky. Oo nga pala, ito ang kapatid ko na photographer din sa shoot. Meira name niya," tugon ni ate dun sa lalaki. "No probs! Oh, hi! My name is Marky. Nice to finally meet you! Nakwento ka na ni Melly sakin and I've seen few of your shots and it's awesome!" masiglang sabi nung lalaki sakin. Wow! Grabe naman to si ate, kinukwento pa ako sa iba. Hahahaha. Nahiya tuloy ako. Chariz! Hahahahaha. "Hello po. Nice to meet you din po," nahihiya kong tugon kay Marky. Paano ba naman beh, napakagwapo talaga niya. Pang boy next door yung kapogian niya. At oo na! Nagkakakacrush ako onti dahil sa smile niya. Landi yarn? Charot lang! Hahahaha. "Sige na Marky, mauna na kami. May pupuntahan pa kami. Ingat sila sayo. Hahahahahaha!" pagbibiro ni ate kay Marky. "Hahahaha. Baliw ka din talaga. Kayo din, ingat! See you next time at hopefully makita din kita ulit Meira," sabi ni Marky. OMG! Feeling ko nag-iinit yung pisngi ko! Tumango lang ako at tumalikod na kasi feeling ko talaga namumula ako. Jusko! Nakakahiya! "Uuuuy! Nagblush siya!" tukso ni ate sakin nung nakalayo na kami kay Marky. Baliw talaga tong ate ko kahit kailan. Lahat na lang binibigyan ng meaning. "Grabe siya! Rosy cheek lang ako noh! Mapagbintang to. Tara na nga!" at nauna na akong naglakad kay ate. Jusko! Nakakahiya talaga! Pero sino talaga yun? Tsaka bakit sila magkakilala ni ate? Hmmm. "Uy! Di ka naman mabiro bebe girl. Hahahaha. Pero in fairness, bagay kayo ha. Isang photographer at isang model. Naks!" patuloy na tukso ni ate sakin habang hinahabol ako kasi binilisan ko talagang maglakad. "Hahahaha! Funny ka ate! Ikaw talaga, kung ano ano napapansin mo. Anyways, bakit nga pala kayo magkakilala? Tsaka sino ba talaga yun? Baka manliligaw mo yun ah di mo lang sinasabi sakin. Nakakatampo ah," sunod na sunod na tanong ko kay ate. Bakit ba eh curious talaga ako tsaka sanay na si ate sakin lalo kapag may mga bagay na di ko talaga alam. "Sus! Kunwari change topic. Hahahahaha! Joke lang bunso! Siya ang anak ni madam Rosie. Actually, kasama sana siya sa shoot natin kanina kaso di pa daw ready yung product na ieendorse niya kaya di na muna sinama nila madam. Nagkakasama kami sa mga photoshoot minsan at hindi po! Hindi ko siya manliligaw. Hindi kami talo noh!" mahabang paliwanag ni ate sakin. OMG! Vaklush si Marky? Ang sad naman! Ang gwapo gwapo eh! "Oh I see! Tara na nga at ayaw ko magpagabi masyado umuwi," sagot ko na lang kay ate kahit nanghihinayang pa din ko at vakla pala si mareng Marky. ~ Nakarating na kami sa may talipapa at bumili lang kami ng fresh seafoods dun para ulamin namin sa bahay at konting mapapapak na mga chichirya. Napalingon ulit ako dun sa lotto booth. Bakit parang feeling ko hinihila ako nun? Sige na nga, magpapahila na ako. Wala namang mawawala eh. Nagpaalam ako saglit kay ate kasi siya nasa isang stall dun para bumili ng mga anik-anik. Pagkarating ko sa may lotto booth, di ko alam paanong gagawin. Ako lang mag-isa dito at yung parang cashier sa loob. Wala akong mapagtanungan. Pero wala eh, nandito na ako. Bahala na! Nagtanong ako dun sa may cashier at tinanong niya ako if 6/45, 6/58, 6/59, 6/55, o 6/49 daw tatayaan ko. Hala siya! Nalito ako bigla men! Di ko talaga alam to. Bahala na talaga anong mapili ko. "Ate, ano ba malaki jackpot ngayon?" tanong ko dun sa cashier kasi wala talaga akong kaalam-alam eh. "Sa ngayon po yung 6/55 po at bukas po ang draw nun," sagot niya sa akin. "Sige, yan na lang po ate," saad ko kay ate para matapos na ako. "Ay nga pala ate, 6 #s lang yung ishashade nito po noh?" pahabol ko na tanong kay ate para masure ko lang. Yun kasi nakikita ko sa mga t****k videos eh. Hahaha. Salamat t****k! "Yes, ma'am. Bale mamimili ka ng 6 #s from 1-55 po," paliwanag ni ate sakin. Bahala na talaga to. After kong makapili ng numbers, binigay ko na sa cashier yung bayad pati yung card ko. Ang napili kong number eh 36-18-03-25-01-45. Wala lang, bet ko lang yung mga numbers na yun. Nothing special talaga. Aabangan ko na lang siguro bukas ang result kung hindi ko makalimutan. Hahahaha! ~ Nakauwi na kami ni ate sa bahay at nadatnan namin sila mama at papa na parang hindi mapakali. "Oh ma, anong nangyayari at parang worried kayo?" bungad na tanong ni ate Melly kila mama. "Sinusumpong daw ng hika yung lola niyo. Hindi namin alam ng papa niyo if uuwi ba kami muna sa probinsya at dadalhin sila dito sa manila o hindi," saad ni mama sa amin. Halata talagang nag-aalala si mama sa lola namin. "Ma, kung need niyo muna umuwi dun, go na po. Kami na muna po bahala ni Mei-mei sa tindahan total naman po wala pa naman po kaming mga raket sa buong linggo po," sabi ni ate para mapanatag din si mama kahit papaano. Alam namin na hindi lang kay lola siya nag-aalala pati na din sa amin. "Salamat mga anak. Sobrang thankful kami ng papa niyo dahil napakababait niyo," sabi ni mama habang yakap niya si ate. Yumakap na din ako kay mama pati na din si papa na pareho kong nakikinig kanina sa pinag-usapan nila ni ate. "Tama na drama! Kumain na tayo at pinagluto ko kayong dalawa ng paborito niyong ginisang baguio beans," masiglang sabi ni papa. Ayaw niya kasi ng malungkot dito sa bahay. Kaya nga hangga't maaari pinag-uusapan talaga naming apat ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD