Chapter Three

1113 Words
Nakaalis na sila mama at papa kaninang madaling araw. One week sila dun sa probinsya at kami ni ate, heto at busy maglinis ng bahay. Hindi muna kami nagbukas ng tindahan, baka mamayang hapon na dahil kailangan naming maglinis muna. "Nagtext na ba sila mama at papa, teh?" tanong ko kay ate habang busy magpunas ng lamesita namin. "Oo, kani-kanina lang. Kinamusta nga tayo. Hahaha. Kakaloka si mama masyadong paranoid. Pero di ako sanay na dalawa lang tayo," biglang sambit ni ate sa akin. "Oo nga eh. Di bale ate, andito naman ang paborito mong kapatid na masarap magluto. Don't worry, hindi kita hahayaang magutom," saad ko sa kanya ng pabiro. "Jusko! Baka puro alat malalasahan ko sa luto mo," tugon niya sakin habang tumatawa. Nag-asaran lang kami buong paglilinis naming dalawa. ~ Natapos na kami sa lahat ng gawain namin sa bahay at ngayon nandito kami sa tindahan. Hindi kami nagtinda ng ulam dahil baka mareklamo pa kami ng mga bumibili. Ansarap kaya magluto ni mama noh. "Ate, halos patapos na pala ako sa output ko dun sa last shoot natin. Gusto mong makita?" pahayag ko kay ate para alam niya na ipapasa ko na after kay madam yung mga photos. "Ay weh? Ambilis mo talaga bunso. Kahapon lang yung shoot ah tapos patapos ka na agad?" manghang komento ni ate sa akin. "Di naman na need ng madaming edits yun ate at natural na ang ganda mo. Uyy! Baka lumaki yang ulo mo diyan ah. Hahahaha," pabiro kong banat sa kanya. "Hahahaha. Baliw ka talaga. Alam kong maganda ako pero alam sissy, mas maganda ka sakin kaso alam mo yun, boyish ka manamit, ayaw mo pa magskincare. Kaloka ka!" bwelta ni ate sakin. Sabagay, yun din sabi nila mama at papa eh. Though pareho naman kaming maganda ni ate pero ako kasi yung walang kaeffort effort sa lahat, as in, sa pananamit ko, skin ko at kung ano-ano pa. "Oo na, oo na. Oo nga pala! Tumaya ako sa lotto kahapon ate. Hahaha. Ngayon daw'ng araw ang draw pero mamaya pang 9pm. Paalala mo sakin ah baka makalimutan ko," sabi ko kay ate. Madalas kasi nakakalimutan ko kaya nagbibilin talaga ako kay ate ng mga ganyan kasi mas matandaan siya sakin. "Kailan ka pa natuto niyan aber?" taas kilay niyang tanong sakin. Alam naman kasi niyang di ako naniniwala sa ganyan. "Nacurious lang talaga ako kahapon dun sa may talipapa. Hindi ko nga alam anong gagawin ko. Nagtanong lang ako kay ate cashier dun. Tsaka wala namang mawawala sakin, at least diba nasagot yung curiousity ko," paliwanag ko kay ate. "Sabagay bunso. Sige, papaaalalahanan kita mamaya. Oo nga pala, nacontact mo na ba yung catering para sa anniv nila mama at papa?" Tanong ni ate sakin. Ito yung kinukwento ko sa inyo na pinagkakaabalahan at pinag-iiponan namin ni ate. Sobrang lapit na kasi nun at thankful kami ni ate kay madam Rosie dahil dun sa extra fee na binigay niya samin, nakuha din namin yung target budget namin. Ang bait talaga ni papa God samin. "Yes ate, may food tasting daw tayo sa Lunes. Hapon na lang ulit tayo magbukas ng tindahan nun ate kasi 8am ang sabi nung may-ari magsisimula yung food tasting," kompirma ko kay ate para sa sched namin sa Lunes. Bale may isang araw pa kami para makapagpahinga talaga dahil Sabado ngayon at bukas linggo, it's pahinga day. May ibang ibig sabihin kami ng pahinga day which is kapag Sunday after namin magsimba at kumain sa labas, pagkauwi ng bahay bawal kami magbukas ng social media namin. Kunbaga no cellphone or gadget allowed sa amin lahat. Hindi naman patay ang phone namin kasi baka just in case may emergency diba pero di kami nag entertain ng mga calls and texts na any work-related. Nakasanayan na ng buong pamilya yan. Tamang nuod lang kami ng tv o kaya nagvivideoke, alam mo na pinoy. Hahahahaha. Minsan naman nag-iihaw kami ni papa sa labas ng uulamin namin. Ganun bonding naming pamilya namin every Sunday kasi whole week kami pare-parehong busy. Nakakalungkot nga lang at wala sila mama at papa kasi umuwi ng probinsya pero kahit na ganun, gagawin pa din namin ni ate yung ginagawa namin. Alam naman na nila mama at papa yun pero siguro babaliin lang namin konti bukas yung rules namin kasi tatawagan namin sila mama at papa. Alam niyo na, kahit malayo kami sa isa't isa, nagagawa pa din namin yung bonding namin na nakasanayan namin. Char! Haba noh? Hahahaha. ~ 8pm na pala ng gabi kami natapos magtinda ni ate. Maaga kaming nagsarado dahil pareho talaga kaming pagod ni ate. Nakakaaliw din naman magbantay ng tindahan kasi aside sa may kita ka, nakakapagchismis ka pa. Hahahaha! Aminin ganyan din gawain niyo. Hahahaha. Charot lang! "Bunso, ako na magluluto ng alimasag para ulam natin ngayon. Alam kong nagwewelga na mga alaga mo sa tiyan. Hahahaha," biro ni ate sakin. "Sige po ate, gora lang. Punta lang akong kwarto para makapagshower na at nanlalagkit na talaga ako," paalam ko kay ate para pumunta ng kwarto at siya dumiretso na ng kusina para magluto. Nakakapagod ang araw na to pero worth it. Tumawag din sila mama kanina sa amin at nag-update lang na nakarating na sila kila lola. Siguro tulog na yung mga yon ngayon at alam kong pagod sila sa byahe eh. ~ Natapos na akong magshower at kakatapos lang din ni ate magluto. Hinahain na niya yung pagkain para makakain na kami at sobrang late na din talaga. 8.45pm na ng natapos kaming kumain ni ate at siya na din nagpresentang maghugas ng pinggan. "Sige ate, sa sala lang ako at manunuod lang ng tv habang inaantay kita," sabi ko sa kanya. "Oh, paalala ko lang sayo na icheck mo yung result ng tinaya mo. Alam ko may channel na ganun sa tv eh," paalala ni ate sa akin. "Oo nga pala. Sige ate, salamat sa pagpapaalala," sagot ko sa kanya. Nakaupo na ako dito sa sala at kinuha ko na din yung ticket na nasa wallet ko lang taz hinanap ko kung saang channel makikita yung result something ng lotto. Nung nahanap ko na, eksakto at bolahan na ng bola. Char! May alam pa akong bolahan ng bola, di ko naman alam ano talaga ginagawa dun. Hahaha. Basta yung mga bola parang nasa isang pahabang box na hinahangin. Di ko alam anong tawag eh. Lumabas na ang unang numero at yun ay 36. Nung tiningnan ko yung # ko, natuwa ako kahit isang number pa lang yun pero di naman na ako nag-expect na mananalo sa ganun. Sunod naman na numero is 18. Tiningnan ko ulit yung ticket ko. Uy! Sakto ulit! Akalain mo yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD