Chapter Four

1440 Words
Bigla akong tinawag ni ate sa kusina para ipatapon yung basura. Hinayaan ko na lang muna yung tv na on tapos nilapag ko lang sa lamesita yung ticket ko. Hindi ko na rin nasundan yung sumunod na number sa result. Hindi din naman ako umaasang mananalo noh'. Natapon ko na yung basura namin at bumalik na ulit ako sa pwesto ko dun sa sala. Pagkabalik ko, last number na yung imemention nung host pero medyo binitin pa ng host yung paglabas nung numero para siguro may thrill. Napaisip tuloy ako, paano kaya noh kung may nanalo ngayon, ano kaya mararamdaman nila o kaya ano magiging reaction nila? Wala lang curious lang ako sa mga bagay bagay. Hahahaha. Chineck ko yung ticket ko tapos tiningnan ko din yung iba pang numero dun sa screen. Pagkacheck ko sa 3rd, 4th, and 5th number nagulat ako kasi same sa ticket na nasa akin. 03-21-01. Namilog yung mata ko kasi limang number na pareho sa result yung natayaan ko. Narinig ko din bigla na inanunsiyo na ng host yung huling number. "Ang huling numero ay... 45," yun ang narinig ko sa telebisyon. Napatingin ako bigla sa screen ng tv at pabalik sa ticket ko. Shemaaaaay! Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? "Lord kung panaginip man to' gising niyo na po ako," sa isip ko. Nakatulala pa din ako sa harap ng screen habang hawak ko yung ticket ko. "Bunso, natap--- Anyare sayo?" biglang tanong ni ate. Naputol yung unang tanong niya dapat sa akin. "A-ate, kurutin mo nga pisngi ko, please?" sabi ko sa kanya habang di pa di tumitingin sa kanya. "Ha? Bakit? Anyare ba? Para kang nakakita ng multo diyan'?" sabi niya sakin sabay kurot sa pisngi ko. "Aray! Ang sakit nun ate ha," napaismid tuloy ako ng wala sa oras pero isa lang din ibig sabihin nito, hidi ako nananaginip diba'? "Sabi mo kurutin kita. Baliw ka ba?" tawang tanong ni ate sa akin. "Sorry na. Ate, pacheck nga itong ticket ko at yung result sa screen. Baka namalik mata lang ako eh," bigla kong sabi kay ate kasi di pa din ako makapaniwala. Need kong masiguro na di ako namalikmata. "Akin na," inabot ko na din sa kanya yung ticket. Chineck niya yung result at bigla niya ulit tiningnan at chineck ulit ng dalawang beses. Namilog yung mga mata niya bigla sabay sigaw ng "Bunso! Milyonarya ka naaaaa!!!" Tinakpan ko agad yung bibig niya kasi baka biglang may makarinig. Mahirap na noh'! Baka ano pang mangyari samin at dalawa lang kami dito sa bahay. "Sssshhhh! Wag kang maingay ate, baka may makarinig sayo at mapahamak pa tayong dalawa," babala ko kay ate. Bigla tango naman siya. Binitawan ko na din siya at naupo kami sa sofa at hanggang ngayon di pa din makapaniwala. Bigla namang napatingin si ate sa tv at nanlalaki ulit yung mata niya habang tinuturo yung tv. "B-bunso.. T-tingnan mo magkano napanalunan mo," sabi ni ate sa akin. Pagkalingon ko sa tv, nakita ko sa screen na 450,000,000.00 pesos ang jackpot prize at nakaflash na din dun na isang winner lang ang nagwagi. Meaning daw nun, walang kahati yung lucky winner. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. "Oh my God! Totoo ba 'to?" bigla kong sambit sa isip ko. "Lord, maraming-maraming-maraming salamat po sa pagkakataon na binigay niyo sa akin at sa pamilya ko", sambit ko sa isip ko. ~ After naming makita yung result sa tv at nandito na kami sa kwarto at nakahiga na. Hanggang ngayon lutang pa din ako sa mga pangyayari. "Bunso, hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na nanalo ka sa lotto. Akalain mo yun na wala wala lang yung taya mo na yun pero ikaw ang nakajackpot," biglang sabi ni ate sakin habang nakahiga kami. "Oo nga ate. Maski ako. Sa totoo lang, wala lang naman sakin yung mga numbers na yun eh. Tsaka malay ko naman dun diba? Nakakalito din kaya sa dami ng numbers na pagpipilian," sagot ko kay ate. "Kailan natin ipapaalam kila mama at papa?" biglang tanong ni ate sa akin. "Siguro pagbalik nila ate. Gusto ko din silang sopresahin. Sa wakas, matutupad na din mga pangarap natin at makakabili na tayo ng bahay na malaki at pwede na nating kunin sila lolo at lola sa probinsya," tuwang-tuwa kong sabi kay ate. "Sige, ikaw bahala bunso. Don't worry, andito lang si ate para samahan at suportahan ka sa future endeavour mo," bigla din akong niyakap ni ate. Ang laki ng pasasalamat ko kay ate at napakasupportive niya. ~ Lunes na at pumunta na kami sa tanggapan ng super lotto para makuha yung prize namin. Habang papunta kami kinakabahan talaga ako ng bongga kasi diba ang laki nung pera. Di ko alam paano idedeposit yun and such. Malay ba namin ni ate diyan kasi di naman umaabot ng isang milyon pera namin. Ni 50 thousand nga di pa kami nakakahawak ni ate. "Ate, kinakabahan ako," sabi ko kay ate habang nakaangkla ako sa braso niya. "Wag kang mag-alala bunso, andito si ate ha?" pagbibigay assurance ni ate sa akin. Sobrang lamig kasi talaga ng kamay ko. Nandito na kami sa tanggapan ng super lotto. Si ate yung nakipag-usap at hiningi lang yung ticket na may pangalan ko sa likod at yung valid ko. ~ Nung natapos kami dun, nagpicture taking lang for proof tapos kinausap at pinayuhan nila ako about sa mga bagay-bagay at kung ano mas mainam gawin at kung paano ko mawiwithdraw yung pera. Tango lang ako ng tango. Naiintindihan ko naman kaso parang nasa alapaap pa din talaga yung pakiramdam ko ngayon lalo nung nahawakan ko yung cheke. Papunta na kami ngayon sa bangko para ideposit yung pera. Napagdesisyonan ko din na bibigyan ko ng 20 million si ate. Tapos 100 million sila mama at papa. Pero habang wala pa sila mama at papa, sa akin nakadeposit din yung pera na yun. Nagtataka siguro kayo noh bakit 20M lang binigay ko kay ate. Tinanong ko kasi siya. "Ate, magkano gusto mong share sa pera na napalanunan?" tanong ko sa kanya habang inaantay maprocess yung mga documents na kinuha sakin kanina nung teller ba yun. Basta yun! "Ikaw bahala bunso. Wala namang kaso sakin kahit magkano. Kilala mo naman ako," sagot ni ate sa akin. "Ikaw na kasi magdecide. Yung alam mong makakatulong sayo sa future," seryoso kong sabi sa kanya. Yun kasi talaga gusto kong mangyari. Ayaw kong ako magdecide sa bagay na yan. "20M bunso? Hahaha! Kahit ako di ko alam eh. Kaloka naman kasi!" natatawa nyang ani sa akin. Pareho kami ng pakiramdam ni ate. "20M lang ate? Dagdagan mo na. Di ko naman mauubos yung pera ko na yun noh!" biro ko sa kanya pero may halong katotohanan yun. "20M lang talaga bunso. Okay na ako dun. Malaking bagay na din yun para sa akin," seryoso niyang tugon sa akin. "Eh kilala mama at papa ate? Magkano ibibigay nating share?" bigla kong tanong kay ate kasi di naman pwede na kaming dalawa lang may hawak ng pera noh! "100M siguro bunso. Alam kong matutuwa na sila mama dun. Tapos bigla mo na lang ng balato yung mga kapitbahay natin once nakabili na tayo ng sarili nating bahay," suggestion ni ate sa akin. Well, maganda nga yun. Tsaka magbibigay din ako kila lolo at lola sa both sides. Hindi naman pwedeng kami lang magtamasa. Mahal na mahal ko kaya mga grandparents namin. Pinagbukas ko na din ng bangko si ate para yung sa pera na ibibigaty ko sa kanya. Medyo natagalan kami sa bangko dahil sa form na pinafill-outan. Si ate nag fill-out lahat ng yun at ako lang taga-pirma. Thank you Lord at binigyan mo ako ng ganitong klaseng ate. Ani ko sa isip ko. I couldn't thank God enough for all the blessing He showered us. ~ Nagwithdraw din ako ng 300 thousand pesos na cash para makabili din ako ng bago kong camera at cellphone na need ko sa raket ko. Oo, tama kayo kahit may ganito na akong pera sa bangko, hindi ko pa din iiwan ang pagiging freelancer. Tsaka di pa din naman ako nakakapagdecide kung ano need ko gawin sa pera lalo at wala pa sila mama at papa. "Ate, after natin dito sa bangko, punta tayong mall," aya ko kay ate. Siya din pala nagwithdraw din ng pera. "Sige bunso. Itreat naman natin mga sarili natin. Akalain mo yung bunso, akala ko talaga kapag nagwithdraw ka ng ilang libo malaking bag dapat dala. Yun nakikita natin sa mga palabas diba?" natatawang turan ni ate Melly. "Oo nga ate eh. Akala ko din eh. Hahaha," pareho kaming natawa sa mga naiisip namin eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD