Kabanata 1
The Chapter One: The Syringe Injected.
Iniwan na ako ng aking boyfriend. Nakita ko siya na may kasamang iba dahil lang sa hindi ko siya hinayaang inaalay ang lahat ng oras ko sa kanya, pati na rin ang aking p********e. Maraming gabi akong umiiyak dahil lang sa kanya at siguro naman akong masaya na siya ngayon, habang ako ay patuloy pa ring umiiyak. Bumuntong-hininga ako. Okay na ako. Hindi ko na dapat pa na iniyakan ang lalaking hindi naman karapat-dapat sa akin. Maybe I deserve someone else.
Simula ngayong gabing ito, kakalimutan na siya. Hindi niya deserve ang aking luha. Tinawagan na ako ni Luna kanina. Sinabi niya sa akin na naghihintay na siya sa akin sa club. She wants to help me. Tutulungan niya akong kalimutan ang lalaking iyon. I am thankful I have a friend like her. Sinagot ko lang ang tawag niya na 'papunta na ako diyan' kahit hindi pa naman talaga. Maliligo pa lang naman ako. That's my time. Saying on the way, even if I am still on the way to prepare.
Habang ako ay nagbibihis, she texted me that the club is packed with charmer. Kinakailangan kong pumunta na doon as soon as possible. Napailing na lang ako at hindi ko na siya nireplayan pa. Oo, I want to be there to forget about him, his existence and even the sweet moments we have been sharing together.
This might be the only way and I think I do not want to agree what Luna texted me. The club might be packed with charmer, but hell, we cannot be sure what they are behind their pretty faces. A thief, pervent, or maybe an addict. I am saying 'no' to charmer, I am saying yes to a gentleman, caring even if he is not an ideal type as long as she captivated my heart.
Nagmamadali na akong lumabas mula sa aking apartment. Nakabihis na at agad na nag-abang ng taxi sa labas. Mabuti na lang at may vacant na taxi na dumaan dito. Sinabi ko sa driver na magpapahatid ako sa Villa Club, hindi kalayuan dito sa aking apartment. Noon, wala akong balak na pumasok sa mga club. Pero palagi akong niyayaya ni Luna, pinipilit niya pa ako. Tanging magagawa ko na lang ay sumama sa kanya at lunayo sa mga lasing sa club. Mahirap na at baka may mangyayaring masama sa akin. Mas pinili kong hindi magpakalasing kapag kasama si Luna. Para hindi kami sabay na mabastos.
Hininto na ng driver ang kanyang taxi sa harapan ng Villa Club. Hindi pa man ako tuluyang nakapasok sa loob, pero narinig ko na ang malakas na tugtugan at mahabang pila papasok sa loob. Napansin kong karamihan sa mga nakapila ay mga lalaki. At iyong mga mayayaman ay may special lane sila para sa madaliang pagpasok sa loob. Dahil maraming pera ang mayayaman, they has more privilege in the society.
I mean, I can just reflect just by staring at them passing without even falling in line here. Whatever, I do not care about them. Matapos ang aking ilang minutong pagpipila ko dito sa labas, I thank God at nakapasok na ako sa loob. Una kong ginawa ay hinanap si Luna.
Marami na ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. Mukhang zombie na at mga penguin na kung anu-ano ang dance step na kanilang ginagawa. Sumisigaw kasabay sa tugtog ng DJ's throbbling music.
Where is she now? Nakipaglandian na kaya ito sa mga 'charmer' na sinasabi niya? Grabe pa naman ang babaeng iyon. I am not judging her, sinabi ko lang kung gaano ka wild si Luna pagdating sa mga bagay na ito.
"Silic!" boses ni Luna ang aking narinig mula sa aking likuran. Napaharap ako sa pinagmulan ng boses saka nakita ko siya. Maikli ang dress na suot niya. Siguro naman akong aware siya sa suot niya. "Ang tagal mo namang dumating. Hindi mo tuloy naabutan si Zach. Sayang."
"Hindi ako pumunta dito para sa mga bagay na 'yan Luna. Nandito ako para uminom at para na rin makalimutan ko ang stupid idiot na 'yon. You know who I am referring to." I said. Bahagya lang kaming naglakad palapit sa tila isang front desk. Napaupo pa kami sa upuan.
"Two lady's drink please," sabi ko sa isang bar tender. Ilang sandali pa ay agad niyang inabot sa amin ang dalawang alak. "Thank you." muli kong sabi at agad na tinanggap ang dalawang alak saka ibinigay ang isa kay Luna.
"Cheers!" sabi nito.
"Cheers!" sagot ko.
"Marami pang lalaki sa mundo girl at ayaw kong umiyak ka dahil lang sa kanya." I rolled my eyes to her. "I want you to have fun. Enjoy life while we're still young." she added.
"At sino namang nagsabi na iiyak ako sa kanya? f**k him. Hindi na ako iiyak nang dahil sa kanya." sabi ko nalang sa kanya at ininom ko na naman ang alak saka inilapag ito sa mesa. "Mabuti nga 'yong naghiwalay kami. Hindi naman niya ako mahal."
Wala na akong balak na ipagsiksikan ang aking sarili sa taong baliw, na ang tanging pangarap ay tikman lang ang hiyas ng mga babae. Mabuti na nga iyong maaga pa lang ay nalaman ko na iyon. Baka isa ako sa maging biktima niya at mahirap na rin kung nabuntis ako, alam kong hindi niya ako paninindigan.
"Bakit ka ba umiiyak diyan kung thankful ka na hindi kayo nagtagal? Smile and be happy girl, you can see many guys in here and just pick one and go home." she said. "Let us dance in the dance floor. Hayaan nating mapapatingin sila sa atin." yaya niya sa akin.
Napailing sana ako as a sign na ayaw kong sumayaw sa dance floor. Ngunit hinawakan na ang aking kamay at hinila hudyat para ako ay mapatayo mula sa aking kinatayuan dala ang alak.
"Iinom na lang ako doon sa gilid. Ayaw kong makipagsiksikan dito!" malakas kong sigaw sa kanya para marinig niya ito. Malakas na nga ang tugtog, sumisigaw pa ang ibang mga tao. One thing, ang iba ay maamoy ang kili-kili. Siguro naman akong naamoy din iyon ni Luna kaya mas minabuti naming lumipat sa kabila. Hindi ganoon kadami ang tao, mas comfortable pa kaming sumasayaw at gumalaw-galaw dito.
Nagsimula nang igalaw ni Luna ang kanyang katawan. "Tignan mo ako. Ganito ang sumayaw, if ever hindi mo alam." paliwanag niya sa akin. Sinimulan na niya muling igalaw ang kanyang katawan. Itinaas ang dalawang kamay at tumalon-talon dahil sa saya.
Napatawa na rin ako dahil sa kanyang dance steps na mukhang baliw. Para hindi siya magmumukhang tanga, sinabayan ko na lang din ang trip ng babaeng 'to.
"Sad girl na muna ako ngayon!" sigaw ko sa gitnan ng dance floor. Hindi din naman iyon marinig ng iba dahil sa nilakasan ang music at sigawan ng mga tao. "Potangina niya, sana makaapak siya ng tae sa daan! Kakalimutan ko na siya!"
"That's right! Kakalimutan na niya ang gagong 'yon habol lang naman ay maka-isa sa mga babae!" pasigaw naman niyang sabi.
Ang supportive talaga ng aking kaibigan. Lahat ng aming ginawa ngayong gabi ay uminom, masayang sumasayaw sa dance floor. Ipinagpatuloy ko lang ang aking pagsasayaw ngunit sa kalagitnaan ng pagsasayaw ko, may nahagip ng aking mata.
Isang lalaking nakaupo sa may sofa, may dala itong baso at may lamang alak. Sure naman akong ako ang kanyang tinitignan, kaya napahinto na lang ako sa pagsayaw. What does his look mean? Hindi naman siya pamilyar sa akin at bakit naman siya nakatitig? Don't tell me, he likes my dance move?
"What's wrong?" kaagad na tanong ni Luna sa aking tabi.
"Nothing." sagot ko at ibinalik ko ang tingin sa may sofa kung saan nakaupo ang lalaking 'yon pero wala na siya doon. Nasaan na siya? "Punta lang ako ng C.R." paalam ko nalang sa kanya sapagkat naiihi na ako.
Dumaan ako sa bandang gilid kong saan marami akong nakikitang for adult's only. Kissing and doing those things. Too public to do that, anyway, bahala na nga sila. Hindi ko naman iyon buhay. Pumasok ako sa comfort room at sa isang cubicle my naririnig pa akong umuungol kasabay nito ang paghahabol ng kanilang mga hininga. This is not a motel.
Tinakpan ko nalang ang aking tenga at nagmamadali nalang akong umihi. For pete's sake. They should do it privately. Agad na akong lumabas mula sa cubicle at tuluyan na akong lumabas mula sa comfort room ng mga babae. Paalis na sana ako nang biglang may humarang sa aking tatlong lalaki. They are all wearing black long sleeves while they're all wearing an earphones in their left ear.
Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. My God, sana ay wala naman sana silang gagawin sa akin.
"Yes sir, what should we do about her?" narinig kong sabi ng isang lalaki na tila ba may kausap siya sa kanyang headset. "Get her. Copy that." muli nitong sambit at nakita ko nalang siyang napabaling sa akin ng tingin at napabaling din siya sa kanyang kasamahan at napatango.
"What's this?! Anong gagawin niyo sa akin?" nangangamba kong tanong noong bigla nalang nila akong hinawakan. Hinawakan ako ng isang lalaki sa kabila at ganon din ang isa habang ang pangatlo naman ay nasa aking harapan.
"Sorry, pero sinusunod lang namin ang utos ng aming boss. Wala kaming masamang balak sayo. Dadalhin ka lang namin sa mansion." he said at agad niyang tinakpan ang aking labi ng isang panyo at ilang sandali pa ay may itinurok siyang syringe sa aking leeg. I want to shout, but I can't do it anymore. Bigla nalang akong naghina hanggang sa dumilim nalang ang aking paningin.