Kabanata 23 _____________ "Babalik na ba tayo sa mansion?" Iyon ang naitanong ko kay Wrum noong nakabalik na kami sa sasakyan. Hindi naman niya sinabi sa akin na babalik na ba kami o may pupuntahan kaming iba. O baka naman pupunta siya sa kanyang kumpanya. Hindi pa din naman ako nakatapak doon. Ibinaling lang ni Wrum sa akin ang kanyang tingin. "Why, do want to go somewhere else?" tanong niya sa akin at napailing lang ako. Wala naman akong balak na pumunta kahit saan. Mas mabuting bumalik nalang sa mansion at kung maawa siya sa akin, hahayaan niya akong makauwi sa amin pero alam ko namang hindi iyon mangyayari. "Yeah, we're heading back to the mansion." sabi niya nalang sa akin at agad niyang iniwas ang kanyang tingin sa akin at ibinaling ko sa harapan kung saan nakaupo na ang drive

